BEBOT TIKLO SA P100K MARIJUANA

SWAK sa karsel ang isang 23-anyos na dalaga nang makumpiskahan ng mahigit sa P100,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa Navotas City. Ibinalibag sa selda si Mary Ann Guevarra, ng #340 S. Roldan St., Brgy. Tangos South. Alas-6:30 noong Miyerkoles ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek sa S. Roldan St. kung saan isang pulis ang nakaiskor ng P500 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana. Nang kunin ng suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng limang sachets ng marijuana, ay agad…

Read More

PINAKAMALAMIG NA TEMPERATURA NAITALA SA LA TRINIDAD, BENGUET

NAITALA sa munisipalidad ng La Trinidad sa Benguet ang pinakamalamig na tempratura ngayong taon, sa 9.9 degrees Celsius. Ito ay dahil sa hanging Amihan. Posibleng malagpasan ito sa mga susunod na araw dahil inaasahang mas lalamig pa ang panahon. Noong Oktubre pa nagsimula ang Amihan. Posibleng maapektuhan naman ang mga tanim ng mga magsasaka sa Cordillera. Sinabi ni PAGASA weather forecaster Ariel Rojas, ang malamig na panahon ay mararanasan hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon. “Inaasahan natin na mas malamig ang temperatura sa second half ng December at…

Read More

6 NAKORNER SA TUPADA SA CAVITE

CAVITE – Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng kampanya laban sa ilegal na sugal, sunod-sunod pa rin ang isinasagawang tupada habang anim na sabungero ang nadakip ng mga awtoridad habang marami ang nakatakas sa operasyon sa Dasmariñas City sa lalawigang ito. Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (illegal gambling) ang arestadong sina Jaime Belmin, Edward Robles, Jonathan Abbot, Rowel Guimbe, Angelo Salamat at Francisco Tesorero Jr. Ayon sa ulat ni Corporal Franz Marione Zorilla ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-3:50 noong Biyernes ng gabi nang magsagawa ng…

Read More

BAHAY SINILABAN NG LASING, ANAK AT PAMANGKIN PATAY

NORTHERN SAMAR – Dalawang menor de edad ang namatay makaraang sunugin ng ama ng isa sa mga biktima ang kanilang bahay sa bayan ng Catarman sa lalawigang ito. Agad namang nadakip ang suspek na kinilalang si Fernando Ford Frigillana, 39-anyos, residente ng naturang bayan. Kabilang sa mga biktima ang 16-anyos na anak ng suspek at 13-anyos nitong pamangkin, ayon sa ulat ni SFO2 Rubin Calumpiano ng Catarman Burerau of Fire Protection. Bago ang insidente, umuwing lasing ang suspek na nagwawala at naghahamon ng away habang hawak ang isang itak. Naawat…

Read More

2 TULAK BULAGTA SA DRUG-BUST

DAVAO CITY – Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang bumulagta matapos umanong manlaban sa ikinasang drug-bust operation ng mga operatiba ng Tagum City Police Station sa Purok Orchids, Brgy. Mankilam. Kinilala ang napatay na mga suspek na sina Jan-Jan Cawati alyas “Tata Polinar,” residente sa Brgy. Madaum, at Jan Carlo Bermudez, 28-anyos, residente ng Purok 18-Santan, Suaybaguio, Brgy North, Tagum City. Dagdag sa ulat ng Tagum City Police Station, nakabili ang kanilang ‘asset’ ng umano’y shabu mula sa mga suspek sa halagang P12,000 ngunit nang tangkang arestuhin ang…

Read More

2 KULONG SA ILEGAL NA SUGAL

BAGSAK sa kulungan ang isang babae at isang lalaki dahil sa ilegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City. Ayon sa ulat nina P/SMS. Darwin Concepcion at P/SSgt. Diego Ngipol kay Malabon police chief, Col. Angela Rejano, dakong alas-7:00 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 5 sa panulukan ng Block 9 at Block 12 sa Labahita St., Brgy. Longos nang maaktuhan nila ang isang grupo na naglalaro ng cara y cruz. Nang kanilang lapitan, mabilis na nagpulasan ang mga nagsusugal ngunit nasukol si…

Read More

50K KATAO SUMAILALIM SA SWAB TEST SA MAYNILA

UMABOT na sa mahigit 50,000 katao ang naisalang sa libreng swab test na ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng Maynila, nitong nakalipas na dalawang buwan. Ito ang pinagmamalaking inanunsiyo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos maitala sa 114,820 ang sumailalim sa serology na inialok ng libre sa publiko sa pamamagitan ng drive-thru centers, walk-in centers o  city mobile clinic na umiikot sa mga barangay na nairehistro na may mataas na kaso ng COVID-19. Sa kabuuan, umabot na sa 50,330 ang na-swab test kaya nakatipid ng P3,000 hanggang P5,000…

Read More

2 NADAGDAG SA COVID DEATHS SA MALABON

DALAWANG pasyente ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Lungsod ng Malabon, ayon sa ulat ng City Health Department noong Nobyembre 27. Ang dalawang binawian ng buhay ay mula sa Barangay ng Dampalit at Panghulo kaya’t umabot na sa 222 ang namatay sa lungsod dahil sa naturang sakit. May nadagdag naman na 31 confirmed cases. Sa kabuuan ay nasa 5,822 ang positive cases sa lungsod at 30 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Concepcion (1), Dampalit (2), Longos (12), Maysilo (1), Muzon…

Read More

PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES, MUNGKAHI NI MARCOS

PARA kay Senador Imee Marcos, dapat nang buksan ang face-to-face classes sa lalong madaling panahon sa mga eskwelahang may kakayahang magpatupad ng health protocols kontra sa pagkalat ng COVID-19. Sinabi ni Marcos na maaaring makitaan ang mga eskwelahan na may virus sa komunidad na kinabibilangan nito subalit wala namang pruwebang sa mga paaralan nagmula o kumakalat ang virus. “Ang Pilipinas ang napag-iiwanang bansa na patuloy na nakasarado ang mga eskwelahan,” ani Marcos. Kasabay nito, kinondena ni Marcos ang IATF-EID (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) na…

Read More