1 PATAY, 37 TIMBOG SA DRUG OPS SA CAVITE

CAVITE – Patay ang isang hinihinalang drug pusher makaraang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad habang 37 ang dinampot sa ikinasagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito. Kinilala ang napatay na si Joel Enriquez, alyas “Bano” ng Brgy. Muzon 1, Rosario, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ellezer Tagalog ng Rosario Municipal Police Station, dakong alas-12:20 nitong Miyerkoles ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation sa Brgy. Ligtong 2 sa nabanggit na bayan ngunit nakatunog na pulis ang katransaksyon kaya nakipagpalitan ng putok ang suspek na…

Read More

RESCUER NALUNOD SA LAGUNA DE BAY

LAGUNA – Nalunod ang isang miyembro ng Barangay Quick Response Team ng Calamba City nang lumubog ang kanilang bangka sa Laguna de Bay. Ayon sa Calamba City Police, madaling araw noong Martes nang marekober ang bangkay ni James Bryan Laude, 35, BQRT member ng Barangay Paciano. Natagpuan ang bangkay ng biktima Laguna de Bay sa boundary ng Barangay Mamatid, Cabuyao City at Brgy. Baclaran, Calamba City. Ayon sa report, Linggo ng hapon nang mawala sa laot ang biktima matapos na lumubog ang sinasakyang bangka kasama ang limang iba pa dahil…

Read More

MAGKAPATID NI-RAPE NG AKYAT-BAHAY

QUEZON – Ginahasa ang magkapatid na babae ng hindi kilalang magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Martes ng madaling araw. Ayon sa report ng Tiaong Police, mahimbing na natutulog sa sa kanilang bahay sa Barangay Lusacan ang magkapatid na sina alyas “Jean,” 20, at “Gina,” 14, nang pumasok ang hindi kilalang suspek dakong alas-3:00 ng madaling araw. Nang magising ang mga biktima ay tinutukan sila ng patalim ng suspek at iginapos. Habang nakagapos, halinhinanang ginahasa umano ng suspek ang mga biktima. Makaraan…

Read More

3 HUMAN TRAFFICKING VICTIMS NASAGIP NG BI

PAMPANGA – Nasagip ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Clark International Airport (CIA) noong Sabado ang tatlong kababaihan na hinihinalang mga biktima ng human trafficking na umano’y mga seafarer na tinangkang umalis sa bansa. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., ang mga pasahero ay naharang sa CIA bago pa man sila sumakay sa flight papuntang Dubai. Sinabi ni Manahan, ang mga kababaihan ay nagpakita ng mga dokumentong nagsasaad na sila natanggap bilang seafarers na nakatakdang sumakay sa barko sa port ng…

Read More

BAKIT KASI NAGTITIPID?

KAPAG kailangan ng gobyerno na mapalago ang ekonomiya ng bansa, sinasabihan tayo na gumastos, mamili, mamasyal sa mga local tourist spots upang umikot ang pera. Sa katunayan, may mga impormasyon na kinakausap ng mga ahensya ng gobyerno ang mga negosyante na magbagsak ng presyo sa kanilang paninda kaya nagkakaroon ng sales sa mga malls at iba pang mga pamilihan. Nae-engganyo kasi ang mga tao na mamili kapag bagsak ang presyo sa pag-aakalang talagang bumagsak ang presyo kahit ang mga panindang ibinagsak ang halaga ay mga old stock na. Epektibo ang…

Read More

BRGY. 169 SECRETARY AT TREASURER KASAMA SA SAP LIST?

KUNG totoo ngang kasama sa Social Amelioration Program (SAP) fund list ng Brgy. 169, Zone 15, Caloocan City ang kanilang secretary at treasurer ay hindi maganda ito. Inalmahan daw ng mga residente ng nasabing barangay ang pagkakasama ng pangalan nina Secretary Melissa Fajardo-Ramos at Treasurer Kareen Ruiz-Atos sa listahan ng mga makatatanggap ng SAP mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nakita raw ng mga pumila sa Caloocan City Sports Complex noong Disyembre 14, 2020 sa listahan ng SAP ang pangalan ng dalawa? Kung totoong kasama nga sa…

Read More

‘PORK BARREL’ MAS MAHALAGA KAY SPEAKER VELASCO KAYSA KALUSUGAN AT INTERNET CONNECTION?

NITONG Disyembre 11, nailantad dito sa Badilla Ngayon ang pagiging mahinang pinuno ng Kamara de Representantes ni Speaker Lord Allan Velasco, o kung tawagin ngayon ay SLAV, dahil 29 ang kanyang “deputy speakers”. Ginantimpalaan ni SLAV ng mataas na posisyon na may dagdag pondo kahit ang mga ­kongresistang nakadidismaya nang todo ang ginagawa sa Kamara tulad ng isang kongresista sa Mindanao. Ngayong 29 ang deputy speaker ni Velasco, naipasa sa Bicameral Conference ­Committee (Bicam) ang P4.506 trilyong ­badyet para sa 2021 na ang P708.1 bilyong pondo ng ­Department of Public…

Read More

SARANGANI NIYANIG NG MAGNITUDE 6.2 QUAKE

NAKA-ALERTO ang National Disaster Risk Reduction Management Council bunsod ng nangyaring magnitude 6.2 earthquake nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ng PHILVOCS, bandang alas-7:30 ng umaga, niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang lalawigan ng Sarangani. “So far po, ongoing assessment pa sa affected areas, wala pa pong reported damages,” ayon sa inisyal na pahayag ni Mark Shean Timbal ng NDRRMC public information bureau. Sinuspinde ng General Santos CDRRMO ang pasok sa lahat ng pasilidad ng gobyerno sa General Santos City kasunod ng malakas na lindol na tumama sa Alabel,…

Read More

PONDO SA REGISTRATION SA NAT’L ID, OKAY KAY DUTERTE

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang gabinete ang karagdagang pondo para sa pagpaparehistro ng 20 milyong mamamayang Pilipino sa national ID system sa susunod na taon. Nagpulong ang Duterte Cabinet, nitong Lunes at inaprubahan ang P3.52-billion additional budget para sa 2021 para irehistro ang mahigit 20 milyong indibidwal bukod sa 50 milyong target sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong 2018 para maging ganap na batas ang PhilSys Act na ang mandato sa pamahalaan ay lumikha ng single official…

Read More