NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin na lang muna ang guidelines na ilalabas ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa pagbabalik ng provincial buses na point-to-point routes bago pa mag-isip na bumiyahe. “Hintayin lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB ukol dito,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Nauna rito, inaprubahan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng kanyang gabinete ang pagbabalik ng provincial buses na point-to-point routes. Layon kasi ng pamahalaan na mas…
Read MoreMonth: December 2020
PAGBILI NG BAKUNA BUBUSISIIN SA SENADO
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Pia S. Cayetano sa Senado ang nakatakdang pagkuha ng pamahalaan ng bakuna sa COVID-19 at iba pang medical supplies at ang pagpapatupad ng programa ng pagbabakuna sa bansa laban sa coronavirus. Sa inihaing Senate Resolution No. 597 ni Cayetano, nais nitong siyasatin ang polisiya at programa sa gagawing pagbili ng bakuna ng pamahalaan. “There is a need to review and examine our existing policies and programs to expedite the purchase of [COVID-19] vaccines and the necessary medical supplies to inoculate the desired number of the population, while…
Read MorePara sa mga empleyado at kanilang mga kaanak P50-M COVID-19 VACCINES BIBILHIN NG KAMARA
BIBILI ng sariling COVID-19 vaccines ang mababang kapulungan ng Kongreso para mabakunahan ang mga empleyado kasama ang kanilang pamilya at mga miyembro ng media. “For Congress we decided… for normalcy of business in Congress, we decided to set aside certain amounts for purchasing of vaccines for our employees,” pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco. Ayon kay Velasco, P50 million ang inisyal na pondong inilaan ng mga ito para mabakunahan ang 2,000 empleyado ng Kamara, kasama ang 5 miyembro ng kanilang pamilya. “And siyempre, naisip ko rin po ang ating…
Read MoreBARRIERS UP IMINUNGKAHI SA RFID ISSUES
IMINUNGKAHI ni Mayor Rex Gatchalian ang konseptong “Barriers Up””sa mga toll plaza at pagsasagawa ng RFID sticker installation at loading/reloading sa expressway kapag tapos na ang toll plaza at system upgrades sa “solutions meeting and dialogue” sa pagitan ng Valenzuela City at North Luzon Expressway (NLEX) Corporation kamakalawa. Inilahad din ng pamahalaang lungsod ang “best practices”nito kasama ang paggamit sa kaalaman ng pribadong sektor, pagpapalakas ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pamumuhunan sa teknolohiya at no contact apprehension (NCAP) program bilang patunay na ang mga planong umepekto sa lungsod…
Read MoreSERBISYO NI JANAIRO SA DOH, PINALAWIG
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa serbisyo ni Dr. Eduardo C. Janairo bilang Director IV ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ng karagdagang anim pang buwan matapos ang kanyang compulsary retirement age. “I welcome the privilege to serve the government again. Nagpapasalamat ako sa ating presidente, kay Presidente Duterte, sa binigay noyang suporta at pagtitiwala sa aking kakayahan upang patuloy na maisulong ang iba’t ibang program na atin nang naumpisahan sa Calabarzon,” ayon kay Janairo. “Marami pang dapat gawin. Marami pang dapat isaayos at…
Read MoreMalakanyang sa pagbabalik ng provincial buses GUIDELINES NG DOTr AT LTFRB HINTAYIN BAGO MULING BUMIYAHE
NAKIUSAP ang Malakanyang sa publiko na hintayin na lang muna ang guidelines na ilalabas ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa pagbabalik ng provincial buses na point-to-point routes bago pa mag-isip na bumiyahe. “Hintayin lang po natin ang guidelines na ilalabas ng DOTr (Department of Transportation) at LTFRB ukol dito,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Nauna rito, inaprubahan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng kanyang gabinete ang pagbabalik ng provincial buses na point-to-point routes. Layon kasi ng pamahalaan na mas…
Read MoreNew normal sa caroling ‘PaskCO-VIDeo CHRISTMAS CAROL COMPETITION’ INILUNSAD SA CALOOCAN
INIHAYAG ni Caloocan City Councilor Orvince Howard A. Hernandez ang pagkakaroroon ng ‘Christmas carol online’ sa lungsod bilang alternatibong paraan mula sa tradisyunal na bahay-bahay na caroling upang masigurong ligtas ang mga namamasko sa gitna ng pandemya ng COVID-19. Tinawag na “PaskCO-VIDeo Christmas Carol Competition,” sinabi ni Hernandez na ang proyektong ito ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan Federation of Caloocan City sa tulong din ng Caloocan Cultural and Tourism Foundation Inc. (CCTFI). “Hindi mapipigil ng COVID-19 dito sa Caloocan ang nakaugaliang caroling dahil kultura na ito ng mga Pilipino tuwing…
Read MoreBOC-SUBIC NAKALAGPAS SA KANILANG ANNUAL COLLECTION FOR 2020
INANUNSYO ng Bureau of Customs – Port of Subic na nitong nakaraang buwan ng Nobyembre ay nakalagpas sila sa kanilang 2020 Annual Collection Target. Base sa preliminary data, ang BOC-Subic ay nakakolekta ng may kabuuang Php 25,822,750,322.23 revenue sa huling araw ng Nobyembre 2020. Ito umano ay 2.09% na mas mataas sa kanilang target na Php 25,293,015,679.17 para sa buong taon. Ang Port ay nakakulekta rin ng Php 439,002,071.78 sa pamamagitan ng kanilang liquidation at Billing Unit mula Enero hanggang Nobyembre 2020. Kaugnay nito, nakapagtala rin ang Port ng lagpas…
Read More4.28 TONS NA ‘DI REHISTRADO AT NAKALALASONG KALAKAL WINASAK NG BOC-NAIA
Winasak o sinira ng Bureau of Customs (BOC NAIA) ang mahigit sa apat (4.28 tons) na toneladang kalakal na nakasasama at hindi maaaring gamitin ng tao noong Disyembre 7, 2020. Ang pagwasak sa mga unregistered and hazardous goods ay bahagi ng pagsisikap ng BOC na protektahan ang publiko mula sa mga kalakal na nakasasama at hindi maaaring gamitin. Kabilang sa mga winasak ng BOC-NAIA ay ang hindi mga rehistradong cosmetics at ibat-ibang mga produktong pagkain na bahagi na rin ng kanilang pagbibigay proteksyon sa publiko laban sa mga hindi ligtas…
Read More