Habang nagpapahinga sa seawall MAG-BFF ITINUMBA SA BASECO

MASUSING iniimbestigahan ng Manila Police District ang motibo ng pagpatay sa magkaibigang bading at babae na pinagbabaril habang nagpapahinga sa dalampasigan sa Baseco Compound, Port Area, Manila, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang mga biktimang sina Leif Erickson Parama y Dolfo, 29, residente sa Block 2, Baseco Compound, at Jennifer Legazpi, na umano’y dayo lamang sa lugar.

Base sa ulat ni Det. Dennis Suba, ng MPD-Homicide Section, bandang alas-3:30 ng hapon noong Sabado nang mangyari ang pamamaril sa seawall ng Block 8, sakop ng Barangay 649, Zone 68 sa Baseco Compound.

Si Parama ay tinamaan ng bala sa kanang braso, tiyan, kanang hita at likod habang si Legazpi ay tinamaan ng bala sa kanang tenga dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Blangko pa ang mga awtoridad sa posibleng ang motibo at kung sino ang dapat managot sa krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente na hinihinalang may kaugnayan sa illegal na droga. (RENE CRISOSTOMO)

171

Related posts

Leave a Comment