Walang ebidensiya sa kaso MIYEMBRO NG MEDIA, LABOR LEADER HILING PALAYAIN

NARARAPAT nang palayain ng korte ang isang mamamahayag at lider-manggagawa na dinakip ng mga pulis ilang linggo na ang nakalilipas, dahil ibinasura na ang kanilang mga kaso.

Ito ang iginiit ng mga abogado nina Lady Ann Salem at Rodrigo Esparago, na kabilang sa Public Interest Law Center (PILC), at sinabing hindi na dapat pang manatili sa kulungan ang dalawa dahil wala namang sapat at matibay na ebidensya laban sa mga ito.

Hiniling ni Atty. Rachel Pastores kay Judge Monique Quisumbing-Ignacio ng Mandaluyong City Regional Trial Court, na maglabas ito ng desisyon upang makalaya sina Salem, editor ng online platform na Manila Today, at Esparago, isang labor union organizer.

Ang dalawa ay umapela sa korte para sa agaran nilang paglaya.

Ang mga akusado ay nahulihan umano ng mga baril at pampasabog ngunit walang makuhang ebidensya ang mga awtoridad. (MARINHEL T. BADILLA)

151

Related posts

Leave a Comment