MVP GROUP, KAAGAPAY NG PAMAHALAAN SA LABAN KONTRA COVID-19

KASABAY ng muling pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng ­COVID-19 kada araw sa bansa ay ang mas matinding pagsusumikap ng pamahalaan at ng pribadong sektor sa pagkontrol ng pagkalat ng nasabing virus. Sanib pwersa ang mga ito sa pagharap sa hamon ng pandemyang COVID-19 sa ating bansa at sa pagsalba sa ating ekonomiya. Isa ang MVP Group sa mga miyembro ng pribadong sektor na nangunguna sa pakikipagtulungan sa pamahalaan sa laban kontra sa ­pandemyang ito. Ang mga kumpanyang pinamumunuan ng negosyante at pilantropong si Manny V. Pangilinan ay…

Read More

BAGONG RESTRICTIONS PAIIRALIN SA GITNA NG PAGLOBO NG COVID CASES

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay nagkaroon ng emergency meeting ang IATF at nagkaroon ng mga bagong rekomendasyon na naaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na umaasa ang pamahalaan na ang mga bagong restriksyon o pagbabawal ay magreresulta sa mas mababang numero ng COVID-19. Inaasahan din nila na sa pamamagitan ng mga bagong restriksyon ay mapipigil din ang pagkalat ng virus lalung-lalo na ng mga bagong variants sa iba’t ibang parte ng bansa. “Wala po tayong lockdown. Fake news…

Read More

400 LIBO PANG BAKUNANG DONASYON NG CHINA PARATING

BATAY sa “target and timelines” na mayroon ang National Task Force against COVID-19, inaasahan na darating sa bansa ngayong Marso ang 2.3 million doses mula sa Sinovac kung saan ay 400,000 ay mula sa Chinese donation. Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., inaayos na rin nila ang pagbili sa pamamagitan ng DOH ng isang milyong Sinovac. “So a total of 1.4 Sinovac vaccines. And we have an information from WHO that we might be receiving almost a million of AstraZeneca also within this month or maybe early April with 979,200…

Read More

Maayos na Pasko ginarantiyahan 70M PINOY BABAKUNAHAN

BAGAMAN patuloy sa pagtaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa, positibo ang pamahalaan na magiging maayos ang Paskong 2021. Pagtiyak pa ng pamahalaan, ginagawa nito ang lahat ng makakaya nito para makamit ang nilalayon nitong herd immunity mula sa COVID-19. “Our declaration is we will have a better Christmas this year. That needs to be our target, that we will have a better Christmas,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. Aniya, ang target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino ngayong taon ay nananatiling “achievable”…

Read More

LOCKDOWN SA MM ‘FAKE NEWS’

MAITUTURING na fake news ang mga kumakalat sa social media kaugnay ng plano umanong pagdedeklara ng pamahalaan ng dalawang linggong total lockdown sa Kalakhang Maynila. Pinabulaanan ng Palasyo ang nasabing mensahe. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang katotohanan ang ipinakakalat na text message na magkakaroon ng “circuit breaker” na lockdown sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Matatandaang noong Biyernes ay inihayag ng Department of Health na pinag-iisipan nilang irekomenda na ipatupad ang “circuit breaker” para magkaroon ng timeout ang mga health worker.…

Read More

Kinastigo ni Defensor sa pagbabawal sa private sector na bumili ng bakuna POWER OF CONGRESS INAAGAW NG DOH

NAKATIKIM ng pagkastigo ang Department of Health (DOH) dahil inaagawan na nito ng kapangyarihan ang Kongreso nang pagbawalan nito ang mga kumpanya na konektado sa sin products na bumili ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga empleyado. Bukod dito, tinawag ni Defensor na isang uri ng diskriminasyon ang Administrative Order (AO) ng DOH na huwag payagan ang mga negosyante sa industiya ng tobacco, formula milk at iba pa, na bumili ng sariling COVID-19 vaccines dahil sa kanilang negosyo. “Congress never meant to discriminate against any industry when we passed the…

Read More

FANS BAWAL SA TOKYO OLYMPICS, PARALYMPICS

SA unang pagkakataon ay hindi na muna papayagang manood ang overseas fans sa Olympics at Paralympics. Ito ang napagkasunduan sa five-party meeting kaugnay sa isang taong na-postpone na 2020 Tokyo Olympic at Paralympic Games, na nireskedyul ngayong taon. Nagkaisa ang International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC), Tokyo Metropolitan, Tokyo 2020 organizers at Japanese ­government na ipagbawal ang fans mula sa ibang bansa sa quadrennial meet. Ang desisyon ay ­dulot ng ­patuloy na pananalasa ng ­COVID-19 pandemic sa ­maraming bansa, kaya’t hindi umano magagarantiyahan ang kaligtasan ng international fans.…

Read More

Duterte admin daig pa ng student council BAKUNA BIGAY-BAWI INUPAKAN

(BERNARD TAGUINOD) DAIG pa ng mga lider-estudyante na nagpapatakbo sa kanilang Student Council ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala itong foresight at puro kapalpakan ang ginagawa. Ganito inilarawan ni ACT party-list Rep. France Castro ang gobyerno ni Duterte na pinatatakbo aniya ng mga batikang abogado at mga dating heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). “Walang foresight. Buti pa ang Student Council nagpaplano agad at yung timeframe mas kalkulado,” pahayag ni Castro sa panayam ng SAKSI Ngayon. Ginawa ng mambabatas ang pahayag…

Read More

SPO, UY PROUD SA LAHING PINOY

Ni ANN ENCARNACION IPINAGMAMALAKI nina Miami Heat coach Erik Spoelstra at 2019 Southeast Asian Games at Philippine record holder sa pole vault na si Natalie Uy ang pagkakaroon ng dugong-­Filipino sa gitna ng anti-Asian violence sa Amerika at iba’t ibang panig ng mundo. Kamakalawa ay hindi napigilan ni Spoelstra na maglabas ng galit sa patuloy na tumataas na mga kaso ng anti-Asian violence simula nang pumutok ang ­COVID-19 pandemic. “Look, I am Asian American. I’m proud to be Asian American. And seeing what’s happening, with another just outright form of…

Read More