400 LIBO PANG BAKUNANG DONASYON NG CHINA PARATING

BATAY sa “target and timelines” na mayroon ang National Task Force against COVID-19, inaasahan na darating sa bansa ngayong Marso ang 2.3 million doses mula sa Sinovac kung saan ay 400,000 ay mula sa Chinese donation.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., inaayos na rin nila ang pagbili sa pamamagitan ng DOH ng isang milyong Sinovac.

“So a total of 1.4 Sinovac vaccines. And we have an information from WHO that we might be receiving almost a million of AstraZeneca also within this month or maybe early April with 979,200 AstraZeneca. With a total of 2,379,200 doses by March or early April po, sir,” ani Galvez.

Samantala, inamin ng pangulo sa publiko na hanggang ngayon ay walang sobrang bakuna ang Pilipinas.

Ibig sabihin aniya walang dumating maliban sa donated vaccines.

“Iyong ginawang donasyon lang ng China pati sa WHO. Walang bayad ‘yon,” ayon sa pangulo.

“Si Secretary Galvez pumunta ng India at mayroon siyang negotiation. He says that it was a very good one and we can expect delivery in weeks,” ayon pa sa pangulo. (CHRISTIAN DALE)

152

Related posts

Leave a Comment