DALAWANG linggong ipagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga menor de edad simula bukas. Tanging mga edad 18-65 ang papayagang makalabas ng kanilang tirahan sa gitna ng nakaaalarmang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Metro Manila. Napagkasunduan ng 17 mayors na bumubuo ng Metro Manila Council, na gumawa ng resolusyon, sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Authority, na nagbabawal sa may edad 15 hanggang 17 na lumabas ng bahay sa loob ng dalawang linggo. Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang hakbang ay napagkasunduan ng mga Metro…
Read MoreMonth: March 2021
Sa multi-bilyong pork importation SINDIKATO BABALATAN NG SENADO
(ESTONG REYES) BABALATAN ng Senado sa inihaing resolusyon hinggil sa aktibidad ng isang sindikato sa Department of Agriculture (DA) na nakatakdang kumita ng bilyong pisong “tong-pats” sa rekomendasyon ng ahensiya na ibaba ang tariff rates at itaas ang minimum access volume (MAV) sa inaangkat na pork products sanhi ng matinding epekto ng African Swine Fever (ASF) sa swine industry, ayon kay Senador Panfilo Lacson. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na tila isang triple whammy ang anomalya dahil nagbabanta itong patayin ang local hog industry habang nag-aalala tayo sa kalusugan at…
Read MoreBIYUDA NABUDOL NG ‘GENERATOR’ GANG
LAGUNA – Umabot sa halos P80,000 halaga ng cash at mga alahas ang natangay ng budol-budol gang sa isang 52-anyos na biyuda sa San Pedro City sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali. Kinilala ng San Pedro City Police ang biktimang si Melinda Orbeta, taga Southville 3A, Brgy. San Antonio sa nasabing lungsod. Batay sa pahayag ng biktima sa pulisya, habang siya ay naglalakad, nilapitan siya ng lima katao, kabilang ang isang lola, para ihabilin ang isang bag na umano’y naglalaman ng P1.2 milyon na pambili nila ng Honda generator.…
Read MoreTULAK PATAY, 22 PA NALAMBAT SA CAVITE
CAVITE – Patay ang isang 38-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nanlaban umano sa mga awtoridad, habang 22 iba pang drug suspect ang nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito. Kinilala ang napatay na si Erwin Armie Mojica, ng Brgy. Datu Ismael, Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni Pat. Veriee Gym Magno Tigbao ng General Mariano Alvarez (GMA) Police, dakong ala-1:45 noong Martes ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bus operation ang mga awtoridad sa Mayor’s Drive, Brgy. Olaes, GMA, Cavite kung saan target ang…
Read MorePUGANTENG KANO HULI SA BI SA DAVAO
ARESTADO sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) noong Huwebes ang isang puganteng Amerikano na wanted sa kanyang bansa dahil sa paglabag sa ‘probation’. Ang American national ay kinilalang si Richard Edward Vukelic, 57-anyos, nadakip sa Davao City sa pinagsanib na operasyon ng BI Fugitive Search Unit (FSU) at BI Mindanao Task Group (MITG). Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, agad siyang nag-isyu ng mission order para sa pag-aresto sa dayuhan makaraang mapag-alaman ang kinasasangkutang krimen ng suspek. Nauna rito, nakatanggap ang BI kamakailan ng official communication mula sa…
Read MoreSinaksak sa Malabon, lumangoy pa-Valenzuela ‘DI UMABOT NANG BUHAY SA OSPITAL
LUMANGOY pauwi sa Valenzuela City ang isang 24-anyos na lalaking biktima ng saksak sa Malabon City ngunit nalagutan ng hininga habang isinusugod sa ospital Kinilala ang biktimang hindi umabot nang buhay sa Valenzuela Medical Center bunsod ng saksak sa baywang, na si Joshua Tavera, ng Area 5 Dumpsite, Pinalagad, Brgy. Malinta, Valenzuela City. Tinutugis naman ng mga pulis ang suspek na si Ryan Morados, 44, ng Saint James, Dulong Sisa Ext., Brgy. Tinajeros, Malabon City. Ayon sa pulisya, alas-6:00 ng gabi noong Lunes, naglalakad ang biktima sa Sisa Ext., Brgy.…
Read MoreHiwalay sa asawa, iniwan ng nobya BUHAY TINAPOS NG SEKYU
PATAY ang isang 30-anyos na security guard makaraang magbaril sa sarili sa loob ng banyo ng pinagtatrabahuang auto supply shop sa Binondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Martes. Kinilala lamang ang biktima sa pangalang Edgard, empleyado ng Seven “B” Security and Investigation Agency, at nakadestino sa Extensive Auto Supply sa Binondo. Base sa ulat ni Det. Erikson Aguilar ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:59 ng umaga noong Lunes, Marso 15, nang ideklarang patay na ang biktima sa Emergency Room ng Metropolitan Medical Center. Ayon sa imbestigasyon, huling nakitang buhay…
Read MoreLIQUOR, DINE-IN BAN SA MALABON *Liquor ban ibinalik sa Valenzuela
IPINATUPAD simula noong Lunes ng gabi, Marso 15, hanggang Abril 3 ang liquor ban sa Malabon City, alinsunod sa City Ordinance 06-2021. Nakasaad sa nasabing ordinansa ang pagbabawal sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin sa lahat ng restaurant, bar, tindahan at iba pang katulad na establisiyemento, at pag-inom sa pampublikong mga lugar at sa mass gathering. Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa pangalawang paglabag, at P5,000 sa pangatlong paglabag. Samantala, maghihintay pa ng Biyernes Santo ang mga lasenggero sa Valenzuela City bago…
Read MoreActive cases, umakyat sa 2,597 11 TODAS SA COVID SA CAMANAVA
NAKAPAGTALA ng 11 bagong namatay sa COVID-19 sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area habang umakyat naman sa 2,597 ang active cases. Napag-alaman, lima ang namatay sa Caloocan City dahil sa COVID-19 noong Marso 15, habang lumobo sa 693 ang active cases sa lungsod. Sumampa naman sa 15,545 ang total confirmed COVID-19 cases sa siyudad, kung saan 14,349 na ang gumaling at 503 ang namatay. Samantala sa nasabi ring petsa, dalawa ang patay sa Barangay Niugan, Malabon City, 50 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay nasa 7,789…
Read More