LIQUOR, DINE-IN BAN SA MALABON *Liquor ban ibinalik sa Valenzuela

IPINATUPAD simula noong Lunes ng gabi, Marso 15, hanggang Abril 3 ang liquor ban sa Malabon City, alinsunod sa City Ordinance 06-2021.

Nakasaad sa nasabing ordinansa ang pagbabawal sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin sa lahat ng restaurant, bar, tindahan at iba pang katulad na establisiyemento, at pag-inom sa pampublikong mga lugar at sa mass gathering.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P1,000 sa unang paglabag, P2,000 sa pangalawang paglabag, at P5,000 sa pangatlong paglabag.

Samantala, maghihintay pa ng Biyernes Santo ang mga lasenggero sa Valenzuela City bago muling makatoma makaraang muling ipatupad ang liquor ban sa lungsod.

Sa inilabas na kautusan ng pamahalaang lungsod, simula alas-12:00 ng madaling araw nitong Marso 16 hanggang alas-11:59 ng gabi sa Abril 1 ang bisa ng liquor ban.

Ipinagbabawal sa siyudad, sa ilalim ng kautusan, ang pagbebenta, pagbili, pagbibyahe at pag-inom ng alak.

Sa nasabing petsa ay hindi rin papayagang magbukas ang mga gym o fitness studios, massage parlors at spa sa lungsod.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang nasabing hakbang ay bahagi ng pag-iingat kaugnay sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID-19. (ALAIN AJERO)

 

184

Related posts

Leave a Comment