Sa multi-bilyong pork importation SINDIKATO BABALATAN NG SENADO

(ESTONG REYES)

BABALATAN ng Senado sa inihaing resolusyon hinggil sa aktibidad ng isang sindikato sa Department of Agriculture (DA) na nakatakdang kumita ng bilyong pisong “tong-pats” sa rekomendasyon ng ahensiya na ibaba ang tariff rates at itaas ang minimum access volume (MAV) sa inaangkat na pork products sanhi ng matinding epekto ng African Swine Fever (ASF) sa swine industry, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na tila isang triple whammy ang anomalya dahil nagbabanta itong patayin ang local hog industry habang nag-aalala tayo sa kalusugan at malulugi ang pamahalaan.

“We should unmask who is/are behind this scheme no matter how powerful and influential he may be with this administration. I want to see even a whiff of enthusiasm from the President to order the Presidential Anti-Corruption Commission and other concerned agencies to investigate, not to mention heed the call of the Senate to disapprove the DA’s recommendation to reduce the tariff and increase the volume of pork importation. Let’s see,” ayon kay Lacson.

“I have talked to Senate President Vicente C. Sotto III to have the Senate look into this, so we can get the documents we need. So far, we have received documents from the Bureau of Customs and DA. Still, we need more data to get to the bottom of the anomaly,” aniya sa interview.

Sinabi ni Lacson na dapat narinig man lamang ni Agriculture Secretary William Dar ang kalokohang ito sa loob ng kanyang departamento partikular sa MAV Management Committee na pinamumunuan ni Acting Undersecretary William Medrano at kinabibilangan ng Bureau of Animal Industry (BAI) at ng National Meat Inspection Service (NMIS) – kabilang ang “SOPs” sa alokasyon ng quota sa pinapapaborang importers at pagpapalabas ng Phyto-Sanitary Import Clearance (PSIC).

“This practice has been going on for several years now. For example, between June and October 2018, imported pork from banned countries due to the ASF like Belgium, Hungary, Germany and China flooded the local market which prompted the issuance of a memorandum order by then DA Secretary Emmanuel Piñol,” aniya.

Tinukoy rin ni Lacson ang liham mula sa Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) party-list kay Senate President Sotto na kumakatawan sa 80,000 backyard hog raisers, na nagpahayag ng pag-aalala na kapag pinayagan ang pag-aangkat ng pork meat sa pamamagitan ng pagpapalawak ng MAV saka magpapataw ng mas mababang taripa, tiyak na papatayin nito ang lokal na industriya.

Sinabi ni Lacson na hiniling nila na huwag nang payagan ang pagpapatuloy na importasyon ng finished product na manok partikular ang may sakit na pangkaraniwang galing sa abroad.

“Historical data show increased importation may destroy the local poultry industry,” giit ni Lacson.

Nitong Lunes, ibinulgar ni Lacson ang “tong-pats” anomaly sa DA kaya hiniling nito sa PACC na magsagawa ng motu proprio na imbestigasyon sa kalakaran dito dahil kinahaharap dito ang pondo ng bayan at posibleng pagkawala ng kita sa pamahalaan.

Bukod kay Lacson, lumagda rin sa resolusyon na isinulong ni Sotto, sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, majority leader Juan Miguel Zubiri, minority leader Franklin Drilon, Cynthia Villar, Francis Pangilinan, Sonny Angara, Nancy Binay, Pia Cayetano, Richard Gordon, Leila de Lima, Ronald dela Rosa, Manuel “Lito” Lapid, Imee Marcos, Ramon Revilla Jr., Emmanuel Pacquiao, Grace Poe, Francis Tolentino, at Joel Villanueva.

 

P6-B KITA

Kaugnay nito, payayamanin pa umano ng DA ng hanggang P6 billion ang mga importer ng karne ng baboy dahil sa plano nitong taasan ang aangkating karne at babawasan pa ang kanilang binabayarang taripa.

Lumitaw ito nang gisahin sa House committee on good government and accountability hearing ang DA hinggil sa biniling abono noong nakaraang taon na overpriced umano.

Ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman at dating Congressman Rafael Mariano, minimum pa lamang ang P6 billion na kikitain ng mga importer at umano’y kasabwat ng mga ito sa DA sa aangkating karne ng baboy matapos magkaroon ng shortage ng supply dahil sa pananalasa ng African Swine Flu (ASF).

Ipinaliwanag ng dating mambabatas na kapag ibinaba ng 5% ang taripa ng meat importers mula sa kasalukuyang 30% at ibaba sa 400,000 metric tons mula sa 54,000 ang Minimum Access Volume (MAV) ay magiging P10 hanggang P15 ang kita ng mga negosyanteng ito mula sa dating P5 hanggang P7 kada kilo lamang.

“Based on reports, the average profit margin of imported pork is at P5 to P7 per kilo. With the tariff reduction and increase in the volume of imports, ‘tongpats’ or kickback will increase to P10 to 15 per kilo. With the increased import volume and lowering of tariffs, importers are set to rack up a minimum of P6billion,” ani Mariano.

Dahil dito, kailangan umanong imbestigahan ito ng Senado at Kamara dahil imbes na ang mga local hog raiser ang tulungan ng DA ay ang mga meat importer at kasabwat umano ng mga ito sa ahensya ang pinayayaman.

“We cannot allow this institutionalized corruption. Heads will roll at the Department of Agriculture (DA) for allowing importation syndicates and technical smugglers to have their heyday while local hog raisers are deep in bankruptcy and seeking for aid,” ani Mariano.

Nagpasya ang DA na taasan ang MAV upang matakpan ang kakulangan ng supply ng karne ng baboy sa bansa at bumaba ang presyo nito at upang maengganyo ang mga negosyante na bilisan ang pag-aangkat ay babawasan ang binabayarang taripa o buwis ng mga ito.

Samantala, sa pagdinig ng nasabing komite, kinastigo ni Nueva Ecija Rep. Micaela Violago ang DA dahil imbes P860 kada bag ng urea fertilizer ay binili ito ng ahensya ng P1,000.

Ayon kay Violago na siyang nagpatawag ng nasabing pagdinig, P860 lamang ang retail price ng kada bag ng urea fertilizer pero nagtataka ito kung bakit binili ito ng DA ng P1,000.

Dahil dito, tinataya ng mambabatas na overpriced sa P271.6 million ang 1,811 bag ng nasabing abono na binili ng DA sa halagang P1.8 billion.

Hindi tinanggap ng mambabatas ang katuwiran ng DA na isa lamang ang sumali sa bidding. (BERNARD TAGUINOD)

168

Related posts

Leave a Comment