Agad prinoseso at klinaro ng Bureau of Customs Port of NAIA ang dalawang shipments ng COVID-19 vaccines sa dalawang magkakasunod na mga araw ang mga bakuna na dumating sa bansa kamakailan.
Unang dumating ang 1.5 million doses ng Sinovac vaccines, noong nakaraang Mayo 7, 2021, via Flight No. 5J 671 mula China at ang 2,030,400 doses ng AstraZeneca vaccines, na dumating naman noong Mayo 8, 2021, via Flight No. SQ 910 mula Netherlands.
Ang dalawang shipments ay isinailalim sa Customs pre-clearance processes bago pa man dumating at pinadali sa pamamagitan ng NAIA One Stop Shop.
Sa pagdating, ang COVID-19 vaccines ay agad inihatid na bantay sarado ng BOC Covax Special Handling Team sa Pharmaserv Cold Storage Facility sa Marikina City.
Ang pagdating ng AstraZeneca vaccines dakong ala-1:00 ng hapon noong Mayo 8, 2021, Sabado ay sinaksihan nina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., Department of Health Sec. Francisco Duque III, Testing Czar Sec. Vince Dizon, U.S. Embassy Chargé d’Affaires John C. Law, U.S. Embassy Environment, Science, Technology and Health Officer Claire Bea, World Health Organization Rep. Dr. Rabindra Abeyasinghe, Unicef PH Rep. Oyunsaikhan Dendevnorov, United Nations Rep. Gustavo Gonzales, Usec. Robert Borje at BOC NAIA District Collector Carmelita Talusan.
Ang Bureau of Customs-NAIA sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan, ay patuloy sa kanilang suporta sa government’s COVID-19 inoculation program.
Aktibo rin sila sa pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) para sa epektibo at mahusay na proseso, pagpapadali, pag-release, paghawak at paghahatid ng imported COVID-19 vaccines, medicines, at iba pang may kaugnayan na kalakal pati na rin ang patuloy na pagtulong sa pagpapabilis ng clearance ng lahat ng time-sensitive vaccines na dumarating sa bansa bilang pagsunod na rin sa direktiba ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero. (Boy Anacta)
