ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos na protektahan ang mga lokal na manufacturer ng personal protective equipment (PPE) at iba pang mga medical supply sa “tax variant” ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ipinalabas noong Hunyo. Tinukoy ni Marcos ang BIR regulation 9-2021 na bumawi sa 12% value added tax (VAT) exemption sa pagbebenta ng mga raw materials, packaging supplies at iba pang serbisyo sa mga export-oriented manufacturers kabilang ang critical healthcare suppliers. “Ang pagbabagong ito sa tax regulation ay nagbabantang ibalik sa kritikal na sitwasyon ang mga exporters na…
Read MoreMonth: July 2021
SCRAP COLLECTOR NILIKIDA HABANG NATUTULOG
BATANGAS – Patay ang isang scrap collector habang sugatan ang kinakasama makaraang pagbabarilin ng armadong kalalakihan habang natutulog sa kanilang bahay bandang alas-7:00 ng gabi noong Huwebes sa Brgy. Sambat sa Tanauan City sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang natadtad ng bala na si Alex Teoxon y Clavano, 37, habang nahagip din ng bala ang kanyang live-in partner na si Josephine dela Cruz Antiporda, 44, na isinugod sa pagamutan. Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Tanauan City Police sa insidente habang pinaghahanap ang hindi kilalang mga suspek. (CYRILL QUILO) 146
Read More5 KASO NG DELTA VARIANT NAITALA SA CALABARZON
INIULAT kahapon na lima na ang kaso ng Delta variant na naitalang sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Ngunit paglilinaw ni DoH 4-A Regional Director Eduardo Janairo, hindi ito local transmissions dahil pawang OFWs ang mga nagpositibo. Iniulat ng National Epidemiology Center na dalawa sa mga nakitaan ng virus ay nagmula sa probinsya ng Cavite at isa sa Batangas. Paliwanag ni Janairo,”These three cases were not from the community where they reside, but they were actually OFWs and two were from the Middle East who eventually…
Read MorePONDO PARA SA HEALTH WORKERS SA QUEZON IPINASISIYASAT
NAIS isang civil society group na idulog sa Malacañang ang usapin hinggil sa pondong inilaan sa mga health worker sa lalawigan ng Quezon kasunod ng mga reklamo hinggil sa pagkabalam ng sweldo ng mga ito. Ayon kay Quezon Rise Movement (QRM) co-convenor Lani Santos, halos sumala na sa pagkain ang mga health worker bunga ng hindi umano pagbibigay suporta sa kanila ng pamahalaang panlalawigan. Kaya naman plano nilang paimbestigahan ang problema ng mga health worker upang matukoy kung totoong nawawala ang pondong laan sa sahod ng mga ito at pambili…
Read More95 VOLCANIC EARTHQUAKE NAITALA SA TAAL
SA ulat na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) – DOST kahapon, nakapagtala ng 95 volcanic earthquake at 689 volcanic tremor na may habang 1-17 minuto sa loob ng magdamag ang Bulkang Taal. Halos 5,286 na tonelada naman ng Sulfur Dioxide flux (SO2) bawat araw ang ibinubuga nito simula noong Hulyo 20 na may ph level na 1.59. May steaming plume o malakas na pagsingaw na 900 metro ang taas na napapadpad sa hilagang silangan at silangan dulot ng upwelling ng Bulkan at mainit na volcanic gas…
Read MoreDTI HUMIRIT NG BUS PARA SA MGA FULLY VACCINATED
IMINUNGKAHI ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagtatalaga ng mga bus para sa mga fully vaccinated Filipino. Aniya, makapagbibigay ito ng “greater confidence” sa mga mananakay lalo na sa mga “physically reporting” sa trabaho. “We have to realize that a fully vaccinated public vehicle steers a higher level of confidence, and it must be given to the public,” ayon kay Concepcion. Sinabi ng Health authorities na maaari pa rin kasing mahawa ng coronavirus ang mga inoculated individuals. Ayon sa mga ito, walang bakuna ang makapagbibigay ng 100% protection,…
Read MoreBINILING P20-M BAKUNA NG PULILAN LGU, DUMATING NA
NASA 3,000 residente mula sa bayan ng Pulilan, Bulacan na kabilang sa priority sectors kasama ang ilang Bulacan-based local media ang binakunahan nitong Biyernes ng first dose ng AstraZeneca vaccine na bahagi ng biniling bakuna ng lokal na pamahalaan na nakapaloob sa tripartite agreement. Ayon kay Dr. Wilbert Eleria, Municipal Health Officer (MHO) ng Pulilan, ang 3,000 doses ay bahagi at partial vaccines ng P20-million halaga ng bakuna na binili ng munisipyo nitong nakaraang Enero 2021. Pinangunahan ni Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo at staff/ personnel ng MHO ang isinagawang pagbabakuna…
Read MoreREVISED RULES SA ‘GREEN LANES’ APRUB SA IATF
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang revised rules para sa “Green Lanes”. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang pasahero na galing sa mga bansang kabilang sa green lanes ay magkakaroon lamang ng 7-day facility-based quarantine at RT-PCR testing matapos ang kanilang pang-limang araw na quarantine. Kinakailangan aniya na lahat ng pasahero na galing sa green list countries ay may patunay na ang pinanggalingan nila ay “Green List country/jurisdiction/territory” kung saan ay nanatili ang mga ito eksklusibo sa Green List countries/jurisdictions/territories sa nakalipas na 14 na araw bago…
Read MoreSecurity blanket ng PNP kasado na rin sa SONA 2021 BATASAN PAMBANSA GWARDIYADO NA
Nina BERNARD TAGUINOD at JESSE KABEL) GWARDYADO na ng pinagsanib na puwersa ng Presidential Security Group (PSG), Philippine National Police (PNP) at Security Bureau ng Kamara, hindi lamang ang loob kundi maging ang labas ng Batasan Pambansa Complex sa Quezon City. Mula nitong hapon ng Biyernes, nagpatupad na ng istriktong seguridad sa loob ng Batasan Complex at tanging ang mga empleyado na may kinalaman sa paghahanda sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pinapapasok. Dumaan din ang mga ito sa mahigpit na security protocols…
Read More