5 KASO NG DELTA VARIANT NAITALA SA CALABARZON

INIULAT kahapon na lima na ang kaso ng Delta variant na naitalang sa rehiyon ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Ngunit paglilinaw ni DoH 4-A Regional Director Eduardo Janairo, hindi ito local transmissions dahil pawang OFWs ang mga nagpositibo.

Iniulat ng National Epidemiology Center na dalawa sa mga nakitaan ng virus ay nagmula sa probinsya ng Cavite at isa sa Batangas.

Paliwanag ni Janairo,”These three cases were not from the community where they reside, but they were actually OFWs and two were from the Middle East who eventually went to their place of residence after their being quarantined and they were already confirmed negative of the virus.”

Ang dalawang bagong kaso ng Delta variant sa Calamba City, Laguna ay ang mag-ama na 58-anyos at 29-anyos na nagpositibo sa swab test na isinagawa noong Hunyo 28 sa San Pablo District Hospital. Gumaling na umano ang mga ito at nakalabas ng ospital noong Hulyo 10 habang ang ina naman na 57-anyos ay namatay at kasalukuyang iniimbestigahan kung sanhi ito ng Delta variant.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at contact tracing sa mga nakasalamuha ng mag-anak, sa nakaraang tatlong linggo.

“Hindi po natin kailangang mag-panic, Ang kailangan po nating gawin ay doblehin ang pag-iingat upang makaiwas at makinig sa mga anunsyo at alituntunin ng mga lokal na pamahalaan,” paalala ni Janairo. (CYRILL QUILO)

155

Related posts

Leave a Comment