SCRAP COLLECTOR NILIKIDA HABANG NATUTULOG

BATANGAS – Patay ang isang scrap collector habang sugatan ang kinakasama makaraang pagbabarilin ng armadong kalalakihan habang natutulog sa kanilang bahay bandang alas-7:00 ng gabi noong Huwebes sa Brgy. Sambat sa Tanauan City sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktimang natadtad ng bala na si Alex Teoxon y Clavano, 37, habang nahagip din ng bala ang kanyang live-in partner na si Josephine dela Cruz Antiporda, 44, na isinugod sa pagamutan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng Tanauan City Police sa insidente habang pinaghahanap ang hindi kilalang mga suspek. (CYRILL QUILO)

148

Related posts

Leave a Comment