NAGA CITY – Patay ang isang hinihinalang bigtime drug dealer sa ikinasang anti-narcotics operation ng PNP-PRO5 sa Naga City noong Biyernes ng umaga. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel Estomo, bandang alas-8:00 ng umaga nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa engkwentro na ikinamatay ng umano’y isang drug dealer. Kinilala ni P/Major Malu Calubaquib, tagapagsalita ng PNP-PRO5 ang napaslang na si Alvin Pala y Faurillo, 40, may asawa, residente ng Brgy. Quenalansan, San Jose, Camarines Sur. Ayon kay Calubaquib, bago inilatag…
Read MoreMonth: July 2021
CAMPAIGN AGAINST CRIME PINAIGTING NG PNP-PRO5
PINAIGTING ng pwersa ng PNP-Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, ang kampanya laban sa krimen sa nabanggit na rehiyon. “Ang ating operasyon kontra ilegal na droga at iba pang krimen ay well-coordinated sa ating mga partner agency kaya naman patuloy ang ating pagkamit ng tagumpay sa labang ito. ‘Di rin natin maikakaila ang suportang mula sa ating mga kababayan kung saan sila mismo ang nagpapaabot ng impormasyon patungkol dito. Ang ating pagtutulungan ang susi upang tukuyin ang mga taong sangkot sa mga gawaing labag sa…
Read More63-ANYOS DEDBOL SA CUSTOMS EMPLOYEE
BATANGAS – Namatay ang isang 63-anyos na lola nang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Batangas City. Ayon sa imbestigador ng Batangas City na si P/SMS. Doni Irvin Casayuran, kinilala ang biktimang si Emelia Florez, biyuda, nakatira sa Relocation Site ng Brgy. Balete. Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver na nakabundol na si Arcanghel Magpantay, 40-anyos, empleyado ng Bureau of Customs at residente ng Brgy. Dita, Cuenca, Batangas. Base sa mga nakasaksi sa pangyayari, tumatawid si Florez sa highway ng Brgy. Balete nang biglang salpukin ng paparating…
Read MoreMISIS MAY KA-CHAT, MISTER NAGBIGTI
LAGUNA – Nagbigti ang isang 32-anyos na government employee dahil sa matinding selos makaraang mabatid na nakikipag-chat sa ibang lalaki ang kanyang misis sa bayan ng Pagsanjan sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Wilson Frondozo, residente ng Barangay Lambac. Batay sa report ng Pagsanjan Police, nadiskubre ng misis na si Janeth Frondozo, 29, ang biktima habang nakabigti sa bahay ng kanyang kapatid na katabi lamang ng kanilang bahay. Napag-alaman na noong nakaraang dalawang araw ay nag-away ang mag-asawa matapos matuklasan ng mister na may ka-chat…
Read MoreDRUG GROUP LEADER, 3 PA HULI SA BUY-BUST
QUEZON – Arestado ang lider umano ng isang drug group at tatlo nitong miyembro sa isinagawang buy-bust operation nitong Linggo ng umaga sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito. Kinilala ang mga arestado na sina Leo Tagle Armiendo, 36, lider ng Armiendo drug group; Jasmin Dagohoy Abueg, 38; Edwin Maestro Ablaza, 44, at Rizalde Abrasaldo Dagoho, 35-anyos. Ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Director Col. Joel Villanueva, nagkasa ng anti-drug operation ang PDEU/PIU 4-A-Quezon at Pagbilao PNP SDEU kung saan umaktong poseur buyer ang isang pulis na bumili ng…
Read MoreKAPITBAHAY DEDBOL SA TAGA NG MAG-UTOL
CAVITE – Dahil sa dati nang away, pinagtataga ng jungle bolo ng magkapatid ang kanilang kapitbahay sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon. Pinaghahanap ng pulisya ang magkapatid na sina Rolly Cristobal, 40, at Randy Cristobal, nasa hustong edad, kapwa residente ng Brgy. Lantic, Carmona, Cavite, dahil sa pagpatay kay Junifer Datanagan, (lalaki), 36, kapitbahay ng dalawa. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Joel Mendoza ng Carmona Police Station, dakong alas-10:00 ng umaga noong Biyernes, pinuntahan ni Rolly na armado ng jungle bolo, ang biktima sa kanilang…
Read More3 NAGTUROK NG ANTI-RABIES SA MGA ASO INARESTO
CAVITE – Inaresto ang tatlo katao na mga empleyado ng isang veterinary and animal protection service matapos magturok ng anti-rabies vaccine sa ilang mga aso sa Imus City. Kinilala ang mga inaresto na sina Napoleon Yatar, 25; Raymond Soltura, 38, at Richard Coral, 46, pawang mga empleyado ng MAPPERS Veterinary and Animal Protection Service dahil sa reklamo nina Marry Ann Mirasol at Johnnie Munique Benesisto, kapwa veterinarian at residente ng Buhay na Tubig, Imus City. Ayon sa ulat ni Pat. Gerard Ashely Gervacio ng Imus City, alas-10:30 noong Biyernes ng…
Read MorePABAHAY SA AFP AT PNP PINASINAYAAN
TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go na higit pang palalakasin ang housing initiatives para sa mga military at police personnel sa bansa sa isang groundbreaking ceremony sa ‘soon-to-rise’ na joint housing project para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police sa Cebu City na isinagawa nitong Biyernes. Ang seremonya na idinaos sa South Park Residences sa Barangay Pulangbato ay personal na dinaluhan ng senador, kasama sina Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino, at National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. “It is an…
Read MoreBINATA ARESTADO SA CHILD ABUSE
INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 28-anyos na binata dahil sa kasong paglabag sa Section 10 (A) Article V1 ng Republic Act 7610 o child abuse law, sa Sta. Mesa, Manila noong Sabado ng tanghali. Inirekomenda ng korte na maglagak ng P80,000 halaga ng piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na kinilalang si Raffy Managuelod y Cuntapay ng Camia St., Old Sta. Mesa. Batay sa ulat ni P/Major Rommel Anicete ng District Intelligence Division ng MPD, bandang alas-12:30 ng hapon noong Hulyo 10 nang mamataan…
Read More