2ND DOSE NG SINOVAC SA VALENZUELA PURNADA

PURNADA ang pagtuturok ng ikalawang doses ng Sinovac COVID-19 vaccines sa Valenzuela City dahil sa kakulanagan ng suplay, inihayag ng pamahalaang lungsod. Ayon sa city hall, ang mga nakatakdang turukan ng ikalawang doses mula Hulyo 12 hanggang 22 ay kailangan munang maghintay ng ilang araw depende sa pagdating ng bagong mga bakuna mula sa pambansang pamahalaan. Ito ay makaraang mag-isyu ang National Task Force Against COVID-19 sa mga lokal na pamahalaan ng Advisory No. 62 kung saan nakasaad na maaantala ang pagdating ng bagong batch ng Sinovac vaccines. Samantala, ang…

Read More

4 DURUGISTA ISINELDA

SWAK sa karsel ang apat na umano’y mga durugista makaraang dambahin sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City. Kinilala ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na sina Albert Torres, 41; Enrique Aquino, 46; Edmond Victoriano, 29, at John Michael Vincent Pitogo, 31-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-2:45 noong Biyernes ng madaling araw nang matiklo ang apat sa Blk. 3, Bldg. 8, Unit 211 Disiplina Village, Brgy. Bignay nang benthan nina Torres at Aquino ng P1,500 halaga ng shabu ang isang…

Read More

RAPE-SLAY SUSPECT PATAY SA PARAK

SOUTH COTABATO – Patay ang isang suspek sa umano’y panggagahasa at pagpatay sa isang 13-anyos na dalagita, makaraang mang-araw ng baril sa pulis na escort habang ibinibiyahe pabalik sa Polomolok Police Station noong Biyernes. Kinilala ni Police Lt. Col. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok PNP, ang suspek na si Ronald Pacquiao Abaquita, suspek sa pagpaslang at panggagahasa sa isang dalagita. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakasakay ang suspek sa patrol car kasama ang ilang pulis at katatapos lang nitong sumailalim sa medical examination bago ipasok sa kulungan. Habang nasa…

Read More

CAFGU NALUNOD SA BATANGAS

BATANGAS – Hindi nakaligtas sa malakas na agos ng tubig ang isang miyembro ng CAFGU nang bisitahin ang kanyang kasamahang nangingisda sa bayan ng Lian sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Rufino Mendoza, 54, residente sa Sitio, Tan-Ag, Brgy. San Diego. Ayon sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi noong Biyernes nang tumawag sa pulisya ang MDRRMC ng bayan ng Lian na hindi na naisalba ang buhay ni Mendoza dahil sa pagkalunod sa dagat. Base sa ulat ng pulisya, binisita ng biktima ang kanyang co-CAFGU member na si Renato Gonzales…

Read More

PNP, LGU AT BRGY SINISI SA RUGBY BOYS SA MALOLOS CITY

HINDI raw dadami ang gumagamit ng rugby, o ‘rugby boys’, sa Barangay Bangkal sa Malolos City sa Bulacan kung hindi nagpabaya ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), local government unit (LGU) at barangay sa lugar na ito. Pumutok ang balitang dumami ang rugby boys sa Brgy. Bangkal nitong mga nakaraang linggo. Makikita sa ilang lansa-ngan ang mga batang may dala-dalang plastic na rugby ang nakalagay na kanilang sinisinghot hanggang maubos. Ang rugby ay isang uri ng chemical na ginagamit pandikit ng sapatos at iba pang bagay na ang…

Read More

KAYA PALA

LALONG isusuka ng sambayanang Filipino ang pag-amyenda sa Saligang-Batas dahil sa rebelasyon ni Speaker Lord Allan Velasco na kung sila ang masusunod ay gusto nilang magkaroon ng ekstensyon ang termino ng kanilang among si Pangulong Rodrigo Duterte dahil kulang daw ang 6 na taon. Nakapasa na ang economic charter change sa Kamara de Representantes at naghihintay na lamang ang mga kongresista ng aksyon ng Senado para mawala ang mga economic provision na sinasabing hadlang sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante sa Pilipinas. Pero, tinuran ni Velasco na walang kasiguraduhan na…

Read More

CUSI, 2 PA SINIPA SA PDP-LABAN

SINIPA sa ruling party na PDP-Laban ang ilang opisyal nito kabilang si party vice chairman at Energy Sec. Alfonso Cusi. Sa inilabas na resolusyon ng partido, kabilang sa pinatalsik sina deputy secretary general Melvin Matibag at membership head na si Astra Naik. Nakapaloob ito sa tatlong resolusyon ng partido na inilabas ni PDP-Laban President Senator Manny Pacquiao at sinuportahan ng PDP-Laban National Executive Committee (NEC). Pinapahintulutan sa isang resolusyon si Pacquiao na bumuo ng investigation committee para sa mga reklamo laban sa mga kapartido na posibleng lumalabag sa konstitusyon ng…

Read More

JAPAN PINASALAMATAN NI PDU30

PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang gobyerno ng Japan at si Prime Minister Yoshihide Suga dahil sa ginawa nito na masiguro na magkaroon ng equitable access ang gobyerno ng Pilipinas sa COVID-19 vaccines. Sinabi ng pangulo sa kanyang talumpati na malayo ang mararating ng mahigit isang milyong doses na AstraZeneca vaccine na donasyon ng Japan sa laban ng bansa para makamit ang herd immunity. “Japan continues to be our strong partner in various development programs. Our cooperation in fighting the pandemic is truly an indication of the deep friendship…

Read More

Defensor nababahala sa bentahan ng mga ospital QC HOSPITAL NEXT TARGET NG MVP GROUP?

(BERNARD TAGUINOD) ISINIWALAT kahapon ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na ibinebenta na ng “founding shareholders” ang Commonwealth Hospital and Medical Center (CHMC) sa Quezon City at ang matunog na buyer ay ang grupo ng negosyanteng si Manny Pangilinan. Nababahala ang mambabatas dahil kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa sanhi ng COVID-19 ay nagkakaroon ng bentahan ng mga pribadong pagamutan tulad ng CHMC na may 148 bed capacity na binibili ng malalaking korporasyon. “It is also possible that investors in hospitals are cashing in on their investments and big…

Read More