LALAKI ITINUMBA SA CAVITE

PINAGHAHANAP ng pulisya ang suspek na bumaril at pumatay sa isang lalaki habang nakaupo sa Tanza, Cavite noong Linggo ng umaga.

Inilarawan ang suspek na nakasuot ng itim na jacket, tinatayang 5’7″ ang taas at katamtaman ang pangangatawan.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga habang nakaupo ang biktimang si alyas “Mark” sa isang kutson sa Brgy. Paradahan 1, Tanza, Cavite nang lapitan ito ng suspek at pinagbabaril na nagresulta sa agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril.

(SIGFRED ADSUARA)

61

Related posts

Leave a Comment