2 pasahero sugatan TRIKE DRIVER TODAS SA BABY BUS

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 60-anyos na tricycle driver habang sugatan ang dalawa niyang pasahero nang bumangga sa kasalubong na baby bus nang mawalan ng kontrol sa kanyang manibela at sakupin ang kabilang linya ng kalsada sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon. Isinugod sa Tanza Specialist Medical Center ang biktimang si Francisco Bayos, driver ng tricycle, at pasaherong sina Jeremie Higuerra, 22, at Abed Glen Murcia, 20, ngunit idineklarang dead on arrival ang una. Kinilala naman ang driver ng baby bus na si…

Read More

HERD IMMUNITY MALABONG MAKAMIT SA DISYEMBRE

LAGING ipinagmamalaki ng gobyerno, lalo na ng Department of Health (DOH), na pagdating ng Disyembre 2021 ay magkakaroon na ng herd immunity ang mga Filipino. Tila suntok sa buwan ang statement na ito dahil hanggang ngayon ay wala pa sa 1/4 ng kabuuang populasyon ang nababakunahan. Batay sa data Philippines coronavirus (COVID – 19), ang nagamit pa lang hanggang Hulyo 5 ay 11.4 milyong dosis ng bakuna. Kaya, aabot lamang sa mahigit limang milyong katao ang nabakunahan sa buong bansa. Dalawang beses dapat mabakunahan ang bawat isa, kaya kalahati lang…

Read More

KAYA ‘DI UMAASENSO

KARAMIHAN pa rin sa mga lugar sa Pilipinas ay walang asenso, lalo na sa mga ­bayan-bayan, dahil hindi makapasok ang mga negosyante na gustong mamuhunan sa mga ganitong lugar. Bakit ito nangyayari? Dahil sa kagahaman ng mga pulitiko at ng kanilang pamilya na namumuno sa isang munisipalidad. Hindi naman siguro lahat, pero marami sa local executives sa mga lugar na ito ang gahaman. Magmasid kayo sa inyong bayan at magtanong kung sino ang may-ari ng mga ­malalaking negosyo at tiyak na sasabihin sa inyo na pag-aari ni mayor ‘yan, o…

Read More

MASAHOL ANG DROGA AT ILEGAL NA SUGAL SA CALABARZON

LUMANG balita na ang talamak ang ilegal na droga at ang ilegal na sugal sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon). Ito’y dahil matagal nang nangyayari ito sa Calabarzon. Kumikilos naman ang yunit ng Philippine National Police (PNP) sa rehiyon hanggang kasalukuyan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang bagong balita ay ang madalas na naibabalita sa mga pahayagang tabloid, kasama na ang SAKSI ­Ngayon, na panay huli lang ng PNP sa Cavite sa ilegal na droga. Nakakahuli ng mga taong sangkot sa droga ang mga tauhan ng…

Read More

PACQUIAO, TRILLANES POWER-HUNGRY – PDU30

KAPWA pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang dalawang “political nemesis” na sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Senador Manny Pacquiao. Para sa pangulo, kapwa “sabik” na makahawak ng kapangyarihan sa gobyerno ang dalawa. “Si Trillanes, parehas ni Pacquiao ‘yan. They want to, you know, hold power because they must have seen an opportunity for themselves,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People. “I leave Trillanes to you . . . daldal nang daldal ‘yan, hindi naman lumaban ng debate ‘yan,” dagdag na pahayag nito.…

Read More

IMBESTIGASYON SA P1.1-B DEPED CONTRACT UUSAD NA

MINSAN pa’y napatunayan ang kahalagahan ng peryodismo sa isang bansang may malayang pamamahayag. Katunayan, mismong opisyal ng Department of Education ang lumiham sa sumulat kaugnay ng mga naglabasan sa diyaryo kabilang ang SAKSI Ngayon patungkol sa alingasngas na kinasasangkutan ng isang private contractor na nakasungkit ng P1.1 bilyong halaga ng kontrata sa nasabing ahensiya. Sa isang liham na pinadala sa pamamagitan ng email, sinabi ni Education Undersecretary Salvador Malana na hindi nila hahayaang madungisan ang kanilang ahensiya na maaaring idulot ng kwestiyonableng transaksiyong kinasasangkutan ng JC Palabay Enterprises Inc. Batay…

Read More

PULIS INAASAHANG GAGAMIT NA NG BODY CAM

UMAASA si Senador Grace Poe na tuluyan nang makapagsusuot ng body camera ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng operasyon nito upang mapreserba ang ebidensiya at karapatan ng indibidwal. Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services na umaasa rin siya sa wisdom ng mga mahistrado ng Korte Suprema sa pagpapalabas ng guidelines sa paggamit ng body cameras. “We look forward to our police force nationwide finally wearing body cameras in their operations,” ayon kay Poe. Sinabi ni Poe na inaasahan ng…

Read More

Flying coffins at widowmakers – solon BUMAGSAK NA PAF AIR ASSETS, GALING SA US

APAT na sa military assets ng Philippine Air Force (PAF) na nagmula sa Estados Unidos ang bumagsak ngayong taon at ikinasawi ng mahigit 60 sundalo. Dalawa sa mga sasakyang panghimpapawid ay halos kadedeliber pa lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa tala ng PAF, kabilang sa mga sinawimpalad ang bagong biling S-70i Black Hawk Utility helicopter na bumagsak nito lang nakalipas na Hunyo 23 at ikinasawi ng anim na sundalo. Umakyat na sa 53 ang mga nasawi sa bumagsak na 20 years old C-130 Hercules transport plane na…

Read More

PACQUIAO SUPORTADO PA RIN SA LABAN SA BOXING

SA gitna ng namuong iringan sa pagitan nina Senador Manny Pacquiao at iba pang lider ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-LABAN), sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na nananatiling suportado nila ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Pambansang Kamao sa nalalapit na laban nito kay WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto. “Actually, nagkausap kami ni Pangulong Duterte tungkol dyan. Bilang Pilipino, suportado namin si Senator Manny sa kanyang laban,” ayon kay Go sa isang pnayam nang bisitahin nito ang mga naging biktima ng…

Read More