P800K NABUDOL SA SENIOR CITIZEN

RIZAL – Nakulimbat ang P800,000 halaga ng cash sa isang 63-anyos na lola makaraang mabiktima ng budol-budol gang sa isang fast food restaurant sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Angono sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Anabelle Almonte Sausa, residente sa Rodriguez St., Brgy. San Vicente, Angono, Rizal. Ayon sa ulat kay P/Lt. Mariesol Tactaquin, Rizal Provincial Information Officer, agad nagtungo sa tanggapan ng Angono Police Station dakong ala-1:10 ng hapon noong Miyerkoles ang biktima at anak nito upang ipagbigay-alam ang insidente. Ayon sa biktima, noong Martes bandang…

Read More

6 DINAMPOT SA SUGAL SA MALABON

NADAKIP ang anim na sugarol, kabilang ang limang babae sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon City. Kinilala ang mga nadakip na sina Joan Frejoles, 24; Dina Frejoles, 27, sewer; Teresita Hiraban, 59; Rosemarie Montes, 21; Elizabeth Hiraban-Frejoles, 60, sewer, at Rafael Roque, 25-anyos. Ayon sa report nina P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Michael Oben kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, nakatanggap si P/SSgt. Mitchum Caoy ng Station Intelligence Section (SIS), ng impormasyon mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa illegal gambling activities sa 9A Mabini…

Read More

2 PUSHER NAKORNER SA CALOOCAN BUY-BUST

ARESTADO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang online seller, sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief, Col. Samuel Mina Jr., ang arestadong mga suspek na sina Miguel Cantos, 20, residente ng Cubao, at Justin Merdigia, 28, online seller, ng Brgy. West Kamias, Quezon City. Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) hinggil sa umano’y pagbebenta ng ilegal…

Read More

RECTO BANTAY-SARADO VS FAKE VACCINATION CARDS

BANTAY-SARADO ang mga tauhan ng Manila Police District sa Claro M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Manila laban sa posibleng pagpeke ng vaccination cards. Kaugnay nito, nagbabala si P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD PS-3, sa mga taong gumagawa ng pekeng vaccination cards na pananagutin sa batas ang mga ito kapag nahuli. Ito ay dahil sa pangambang kumalat ang pekeng vaccination cards na maaaring gamitin sa pamamasyal ng mga indibidwal na hindi pa bakunado o ayaw magpabakuna. Nanawagan din si Lt. Guiagui sa mga lokal na pamahalaan na mag-isyu…

Read More

FIXERS SA BI TUTUGISIN

NAGLUNSAD ng crackdown ang Bureau of Immigration (BI) laban sa fixers bilang paghikayat sa publiko na i-report ang mga taong gumagawa ng transaksyon sa ahensya kapalit ang kabayaran. Sa advisory ni Immigration Commissioner Jaime Morente, sinabi niyang “BI condemns any and all acts of fixing” at walang pinapayagang BI official o empleyado na makipagsabwatan sa kanilang mga aktibidades. Idinagdag pa ni Morente, ipinagbabawal sa BI personnel ang pag-aalok ng mabilis na transaksyon na may kapalit na kabayaran o anumang konsiderasyon sa sinuman para sa serbisyo ng bureau. Nagbabala pa ang…

Read More

DRUG DEALER NALAMBAT NG PNP-PRO5 SA ALBAY

ARESTADO ang isang 29-anyos na drug dealer sa inilunsad na anti-narcotics operation ng mga tauhan ng PNP-PRO 5 na nasa pamumuno ni Police Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, sa bayan ng Malilipot, lalawigan ng Albay. Base sa isinumiteng report kay P/BGen. Estomo, bandang alas-8:45 ng gabi noong Lunes, nagsagawa ng buy-bust operation sa Phase 1, Brgy. Canaway, Malilipot, Albay ang pinagsanib na mga tauhan ng Malilipot MPS at Maritime Police Station. Bago ang police operation ay nagsagawa ng intelligence and case build-up ang mga awtoridad saka inaresto ang suspek…

Read More

SUSPEK SA GANG RAPE TIKLO SA PNP-PRO5 SA PAMPANGA

NAGWAKAS ang halos tatlong taong pag-iwas sa batas ng isa sa tatlong suspek sa panggagahasa sa noon ay 18-anyos na dalaga sa Malinao, Albay nang masakote ng mga tauhan ni PNP Regional Office 5 Regional Director PBGen. Jonnel C. Estomo sa San Fernando, Pampanga. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/BGen. Estomo, hindi nakapalag ang suspek na kinilalang si Hilario Buerer y Bon, Jr., residente ng Purok 4, Malinao, Albay, sa ikinasang law enforcement operation ng pinagsamang pwersa ng Malinao MPS at San Fernando, Pampanga Municipal Police Station.…

Read More

KONSEHAL NG TAYABAS INIREKLAMO NG PANGHIHIPO

QUEZON – Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at sexual harassment ang isang miyembro ng city council ng Tayabas matapos ireklamo ng isang 22-anyos na dalagang empleyado ng Tayabas City Hall. Kinilala ang inireklamo na si City Councilor Dino Marquez Romero, 51-anyos. Batay sa reklamo noong Martes ng dalaga sa himpilan ng pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon, nasa kusina siya ng SP building at naghuhugas ng kanyang tasa nang pumasok ang konsehal. Bigla na lamang umano siyang niyakap ng konsehal sa likuran at pinaghihipuan ang kanyang dibdib. Natigil lamang ang…

Read More

BUMBAY, 5 PA TIMBOG SA P.6-M SHABU

CAVITE – Mahigit sa P.6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang Indian national at limang iba pa sa magkahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi, Kinilala ang mga arestado na sina Nanun Singh, 29, Indian national; Conrado Luy, 47; Marjorie Estupin, 31, isang online seller; Ernesto Bacojo, 46; Denmar Angelo Monet, 25, at Berlyn Rose Santos, 18-anyos. Ayon sa ulat ni Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police, dakong alas-11:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation sa Brgy. Molino 2, Bacoor City…

Read More