2 TINEDYER, 8 PA HULI SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Dalawang binatilyo at walong iba pa ang dinampot ng Cavite Police sa ikinasang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), dakong alas-4:00 noong Linggo ng hapon nang bitbitin si alyas Cyrus, 17, ng Dasmariñas City, Cavite sa buy-bust operation sa Brgy. Paliparan 3 ng naturang Lungsod. Kasama ring inaresto ang barkada nitong si John Lester Dichosa, 19, na nakumpiskahan ng pitong piraso ng pinatuyong dahon ng marijuana. Dakong alas-6:00 naman noong Linggo ng…

Read More

LUMIKAS SA ALBURUTO NG TAAL, LIBO NA

MAKARAAN ang babala ng Phivolcs na posibleng sumabog ang Bulkang Taal, dumami pa ang mga lumikas mula sa mga bayan at barangay na malapit sa Taal Lake. Batay sa huling tala ng Batangas PNP dakong alas-12:00 ng tanghali nitong Lunes, nasa 1,009 pamilya na ang umalis sa kani-kanilang bahay at nasa iba’t ibang evacuation centers na sa mga bayan ng Laurel, Nasugbu, Balete, Agoncillo, at Balayan. Pinakamarami ang nagsilikas mula sa ilang barangay ng Laurel na umaabot sa 595 pamilya at ngayon ay nasa walong eskwelahan na ginawang pansamantalang evacuation…

Read More

Search ops sa black box puspusan DEATH TOLL SA C-130 PLANE CRASH: 50

PUSPUSAN ang search and retrieval operation para matagpuan ang black box ng Philippine Air Force C-130 Hercules cargo plane na bumagsak noong Sabado ng umaga na ikinamatay ng 50 katao at ikinasugat ng 49 sundalo at 17 sibilyan sa Patikul, Sulu. Habang kakailanganin ng Armed Forces of the Philippine ang tulong ng forensic experts para kilalanin ang mga nasawi sanhi ng pagsabog at pagkasunog ng bumagsak na C-130 plane na karamihan ay pawang fresh graduates mula sa military training. Ayon sa DND at AFP, “Dental records are available that can…

Read More

DRUG DEALER NA EX-COP TIKLO SA PNP-PRO5

TINATAYANG aabot sa P374,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa dating pulis na nasakote ng mga operatiba ni PNP-Police Regional Office 5 director, PBGen. Jonnel C. Estomo sa inilunsad na anti-narcotics operation sa bayan ng Cawayan sa Masbate. Ayon kay P/Brig. Gen. Estomo, isang dismissed na pulis ang drug suspect na si Neljun Lepasana y Ortega, 30, residente ng Brgy. Divisoria ng nabanggit na bayan. Nabatid na dating nakadestino sa PNP-National Capital Region, Southern Police District-Drug Enforcement Unit ang suspek bago umano naging full time drug dealer. Si…

Read More

44 WILDLIFE SPECIES NASABAT NG BOC-NAIA

MAYROON na namang accomplishment ang Bureau of Customs – Port of NAIA (BOC – NAIA) – sa pagkakataong ito ay patungkol sa pagkakasabat nito ng ma­ling pagdedeklara ng 44 wildlife species. Naganap ito sa Philpost Central Mail Exchange Center (CMEC) nitong Hunyo 30. Ang mga nakumpiska ng BOC-NAIA ay 25 tarantulas, 12 spiderlings, 5 centipedes at 2 ornithoctonus black spiders. Ang nasabing species ay may direct at indirect effect sa kalusugan ng tao, lalo na ang arthropods bite na sinasabing mapanganib sa tao. Ang iba pang species ay nagdudulot naman…

Read More

POC, POS NAGPALITAN NG KANILANG BEST PRACTICE

PINANGUNAHAN ng mga pinuno ng Port of Cebu (POC) at ng Port of Surigao (POS) ang pagbabahagian ng “best practice” sa lara­ngan ng Customs management at operation. Sa isinagawang “Gover­nance Sharing” nitong Martes, sina POC District Collector Charlito Martin R. Mendoza at POS District Collector Jonah Herbert P. Dollano of the Port of Surigao ay nagbahagi ng kani-kanilang mga mensahe at paliwanag hinggil sa mga magagandang nagawa nila sa kani-kanilang nasasakupan. Kapwa naniniwala sina Martinez at Dollano na “the platform provides   opportunity for both Ports to fill in their respective …

Read More

P542-M DAGDAG KITA NG BOC

NADAGDAGAN pa ng P542 milyon ang kita ng Bureau of Customs (BOC) ngayong kalagitnaan ng 2021 makaraang isagawa ang Post      Clearance Audit ng ahensiya. Tinukoy naman ng Post Clearance Audit Group (PCAG) sa kanyang ulat sa Executive Committee Mee­ting ng BOC nitong nakalipas na buwan ang tungkol sa matagumpay na koleksyon mula Enero hanggang Hun­yo ng taong kasalukuyan na pumalo sa P542,298,069.73. Ayon sa PCAG, ang nagawang accomplishment ng BOC ay bahagi ng inisyung 152 Audit Notice Letters (ANL). Isinusog pa ng PCAG na labis itong naniniwala na…

Read More

P2-B PEKENG PRODUKTO WINASAK NG POM

Ni JOEL O. AMONGO AABOT sa P2 bilyong halaga ng mga pekeng produkto ang winasak ng Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) sa Meycauayan, Bulacan nitong  Sabado. Ang mga nasabing produkto ay resulta ng operasyon ng Intellectual Pro­perty Rights Division (IPRD) ng intelligence group ng BOC laban sa mga negos­yanteng gumawa ng pekeng produkto ng mga sikat na kum­panya. Dinaluhan nina POM Deputy Collector for Operations, Atty. Liza Sebastian; Auction and Cargo Disposal Division Chief (ACDD), Atty Enrico Turingan III; Intellectual Property Rights Division (IPRD) Chief Dominic Garcia;…

Read More

MALAKANYANG IKINALUNGKOT ANG C-130 MISHAP SA SULU

LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang insidente ng pagbagsak ng C-130 airplane ng Philippine Air Force nitong Linggo ng tanghali sa Patikul, Sulu. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nagpapatuloy ang rescue operations at nakikiisa sa pagdarasal ang Malakanyang para sa ligtas na pag-recover sa mga pasahero. “Let us wait for the Armed Forces of the Philippines to release an update on this very unfortunate incident,” ayon kay Sec. Roque. Sa huling ulat, nasa 31 na ang kinumpirmang nasawi sa pagbagsak ng C-130 cargo plane. Inanunsyo ito ni Defense…

Read More