P5.67B kontribusyon ng PAGCOR sa kaban ng bayan

Iniabot ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco (kanan) kay Deputy National Treasurer Kenneth Ian Francisco ang tsekeng nagkakahalaga ng P5.67 bilyon para sa 2025 dividend remittance ng ahensya sa ginanap na turnover sa PAGCOR Corporate Office sa Pasay City.

UMABOT sa P5.67 bilyon ang dibidendong ibinahagi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa National Treasury bilang kontribusyon ng state gaming agency sa mga programa ng pamahalaan.

Ang halagang ito ay katumbas ng 50% ng net earnings ng ahensya noong 2025, alinsunod sa Republic Act No. 7656 o Dividends Law na nag-aatas sa mga government-owned and controlled corporations na i-remit sa national government ang hindi bababa sa kalahati ng kanilang taunang kita.

Mula noong 2022 ay nasa P29.9 bilyon na ang kabuuang dibidendong naibigay ng PAGCOR sa pamahalaan.

Ibinigay ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ang symbolic check kay Deputy National Treasurer Kenneth Ian Francisco para sa dividend remittance ng PAGCOR sa National Treasury.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, patuloy ang ginagawang pagsisikap ng ahensya na makatulong sa pamahalaan sa kabila ng mga hamon sa pandaigdigang ekonomiya.

“Even amid challenges, PAGCOR will honor its commitment to contribute meaningfully to government programs that uplift the lives of Filipinos,” ani G. Tengco.

“Isang karangalan pa rin sa aming organisasyon na makatulong sa Bureau of the Treasury at maging katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Tinanggap ni Deputy National Treasurer Kenneth Ian Francisco ang tseke sa ginanap na ceremonial turnover noong Miyerkules, Mayo 13, sa tanggapan ng PAGCOR sa Pasay City.

Binati ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco si Deputy National Treasurer Kenneth Ian Francisco bago ang turnover ng cash dividends ng ahensya sa tanggapan nito sa Pasay City.

Ayon kay Francisco, malaking tulong ang naturang remittance para sa mga pangunahing programa ng pamahalaan.

“We congratulate and thank PAGCOR for another strong year of dividend remittance,” aniya.

“PAGCOR’s P5.67 billion dividend remittance makes available much-needed fiscal resources that will enable the national government to mitigate the effects of the global oil crisis and pursue programs geared toward meaningful economic and social transformation,” dagdag ni Francisco.

88

Related posts

Leave a Comment