INANUNSIYO ng Ibaraki Robots ng Japan B.League kahapon na pumayag na si Javi Gomez de Liaño na maglaro para sa kanilang team. Sa tweet ng team ay sinabi nitong maglalaro na ang Pinoy cager sa 2021-2022 season ng liga. “We are pleased to announce that Ibaraki Robots has reached an agreement with Javier Gomez de Liaño in the B.LEAGUE 2021-22 season.” Mas nauna kay Javi na pumirma sa nasabing liga ang kanyang nakababatang kapatid at kapwa University of the Philippines product na si Juan Gomez de Liaño. Sila ang ikalawang…
Read MoreMonth: July 2021
WAKE-UP CALL KAY EJ OBIENA
Ni ANN ENCARNACION TUMAPOS na pang-apat lang si Filipino pole vaulter at Olympics qualifier EJ Obiena sa Bauhaus-Galan Wanda Diamond League Meeting sa Stockholm, Sweden Linggo ng gabi. Ang naturang kompetisyon ay masasabing preview ng Tokyo Games kung saan makakalaban ng 25-anyos na Pinoy ang pinaka-magagaling na pole vaulters sa mundo. Isa sa mga ito ang world record holder na si Armand Duplantis ng host Sweden, na pinatunayang siya pa rin ang ‘athlete to beat’ sa sports nang lundagin ang gold medal. Tumalon siya ng 6.02 metro, na bagong meet…
Read More10PM-5AM ILALAAN SA PAGBABAKUNA NG WORKERS SA MAYNILA
NAGTAKDA ang pamahalaan ng lungsod ng Maynila ng special vaccination sa gabi hanggang madaling araw para sa mga trabahador na hindi makapunta sa vaccination sites sa araw. Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, walang tulugan ang pagbabakuna sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila. “Itong special vaccination na ito, ginawa po namin ito sa Recto para sa mga trabahador na hindi makapunta sa vaccination site tuwing araw dahil kailangang maghanapbuhay,” ayon sa alkalde. Nasa 1,000 doses ng COVID-19 vaccines ang ilalaan simula alas-10:00 ng gabi hanggang…
Read More2 WANTED NASUKOL SA MALABON
NADAKIP ng mga awtoridad ang dalawang wanted person, kabilang ang isang 17-anyos na binatilyo, sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operation sa Malabon City. Ayon sa report ni P/SMS. Addrich Reagan De Leon kay Malabon City Police deputy chief, P/Lt. Col. Aldrin Thompson, dakong alas-11:15 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section, sa ilalim ng pangangasiwa ni P/CMS. Gilbert Bansil, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO, ng joint manhunt operation kontra sa most wanted persons sa Arwana St., Brgy. Longos na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.…
Read More4 DAGDAG SA CALOOCAN COVID CASUALTIES
APAT ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Caloocan City noong Hulyo 4. Mula sa bilang na 1,093 noong Hulyo 2, pumanhik sa 1,097 ang COVID death toll sa lungsod, habang 411 naman ang active cases matapos na 20 ang nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 38,530 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 37,022 na ang gumaling. Wala namang naitalang namatay sa Malabon City sa nasabing araw kaya’t hindi gumalaw ang 448 COVID death toll ng siyudad. Walo naman ang nadagdag na confirmed cases at sa…
Read MoreCHIEF TANOD TINAGA SA ULO
BATANGAS – Patay ang isang hepe ng mga barangay tanod makaraang tagain sa ulo ng hindi kilalang suspek sa kakahuyan sa Sto. Tomas City, Batangas noong Linggo. Kinilala ang biktimang si Alfredo Buenafe, 70-anyos, residente ng Barangay Sta. Clara sa nabanggit na lungsod. Batay sa report ng Sto. Tomas Police, bandang alas-6:00 ng gabi ng madiskubre ang bangkay ng biktima habang nakadapa sa kakahuyan sa nasabing barangay at may tama ng taga sa likurang bahagi ng ulo na halos ikabiyak nito. Galing umano sa farm na pag-aari ng isang Myrna…
Read MoreFISHERMAN RAPE SUSPECT TIKLO SA PNP-ZAMBALES
ARESTADO sa mga tauhan ni PNP-Zambales Provincial Director, PCol. Romano V. Cardiño ang isang mangingisda na suspek sa panggagahasa sa Brgy. Bangan, Botolan, Zambales. Kinilala ni P/Col. Cardiño ang arestadong suspek na si Emon Punzalan y Mirasol, residente ng Purok 4 sa nabanggit na barangay, sinampahan ng kasong statutory rape at acts of lasciviousness in relation to RA 7610 (child abuse). Ayon sa ulat, noong Biyernes Hunyo 2, 2021, dakong alas-9:00 ng gabi, ang PNP-Zambales Team Botolan MPS bilang lead unit, kasama ang mga operatiba ng CIDG-Zambales CFU, 1st ZPMFC,…
Read More6 NADAKMA SA TUPADA NG TROPA NI CARDIÑO
“LEISURE cannot be equated to gambling. More so now that we are still confronting the wrath of the COVID-19 virus,” pahayag ni Zambales Provincial Director Romano V. Cardiño nang madakip ang anim katao makaraang maaktuhan habang nagsasagawa ng tupada sa Brgy. Baloganon, Masinloc sa nabanggit na lalawigan. Noong Linggo, Hulyo 4, 2021, dakong 12:15 ng hapon, sa Kilometer 3, Brgy. Baloganon, Masinloc, Zambales, sa pamamagitan ng informant, ang mga operatiba ng PNP-Zambales Team Masinloc MPS, sa pangunguna ni P/Maj. Ramil M. Menor, Acting Chief of Police, ay nagsagawa ng intensive…
Read MoreIsang dekadang pagtatago nagwakas sa tropa ni RD Estomo MAG-ASAWANG WANTED SA MURDER NASUKOL
WINAKASAN ng mga tauhan ni PNP-PRO5 Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang 13 taong pagtatago ng mag-asawa na kapwa itinuturong responsable sa pagpatay sa isang lalaki. Nahuli nitong Lunes ng madaling araw sa inilunsad na law enforcement operation ang mga suspek na sina Allan Quinito Verganio, 39, magsasaka, una sa listahan ng municipal most wanted persons ng Pasacao MPS; at Minda Quinito y Barrameda, 35, pangalawa naman sa talaan ng municipal most wanted persons, kapwa residente ng Zone 10A, Brgy. Caranan, Pasacao, Camarines Sur. Armado ng warrant of arrest…
Read More