3 sibak, 12 suspendido RIGODON KONTRA KORAP

PAGTITIYAK ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, malayo na sa dating kawanihang kilala sa katiwalian ang bagong Bureau of Customs (BOC) na kanyang pinamumunuan. Katunayan aniya, kabi-kabila na ang kanilang sinibak, sinuspinde at ni-relieve sa pwesto. Sa tala ng kawanihan, 516 opisyal at empleyado mula sa iba’t ibang tanggapan ng BOC sa buong bansa ang inisyuhan ng show-cause order – mula Enero hanggang Setyembre pa lamang. Sa datos para sa kasa­lukuyang taon, tatlo na ang sinibak ni Guerrero mula sa kawanihan, habang 12 naman ang pinatawan ng suspensyon kaugnay ng…

Read More

JACKPOT SA CONTAINER SCAM

IMBESTIGAHAN NATIN NI JOEL O. AMONGO SA kabila pa ng mga babala at paghihigpit ng Bureau of Customs (BOC), nakakalungkot isiping tila walang takot ang sindikato sa likod ng container investment scam sa Aduana. Dangan naman kasi, mas malaki ang kikitain sa papalapit na Kapaskuhan – panahong dagsa ang pagdating ng mga kargamento mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Hindi rin naman nakakapagtakang maraming madenggoy ang sindikato sa pangakong P2.5M na kita sa loob lang ng 55 araw. Susmaryosep! Daig pa ang tanyag na pyramiding scheme noong mga nakaraang…

Read More

MMDA PABOR SA PAGBABA NG ALERT LEVEL SA NCR

metro

PABOR si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na ibaba ang Alert Level 4 sa Kalakhang Maynila sa gitna ng COVID-19 pandemic. “Nakikita talaga natin pababa eh, magmula sa two-week growth, nagsimula ang pilot, 113%. Ngayon -41% na,” ayon kay Abalos sa isang panayam. “Personally, dapat ibaba na po ang alert level,” dagdag na pahayag nito. Gayunman, sinabi ni Abalos na ipinauubaya na niya at ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila sa Department of Health (DoH) ang pagdedesisyon sa bagay na ito. “Of course we leave that to…

Read More

3 PATAY SA COVID-19 SA 3 CAMANAVA CITIES

NAGKAROON ng tig-iisang namatay dahil sa COVID-19 ang mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela, ayon sa pinakahuling ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod. Napag-alaman, isa ang namatay sa Malabon City noong Oktubre 12 habang 30 ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 20,951 ang positive cases sa siyudad, 233 dito ang active cases. Umabot naman sa 20 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay 20,084 ang recovered patients ng Malabon, habang umakyat sa 634 ang COVID death toll. Isa ring pasyente…

Read More

MOST WANTED PERSON HULI SA QC

NALAMBAT ng mga operatiba ng Batasan Police Station (PS-6) ang district level most wanted person sa bisa ng warrant of arrest sa Quezon City noong Martes. Kinilala ni P/Lt. Col. Alexy Sonido ang suspek na si Alfredo Reyes III, 29-anyos, residente ng Kasunduan Extn., Brgy. Commonwealth, Quezon City. Si Reyes ay inaresto dakong alas-6:00 ng hapon noong Oktubre 12, 2021 sa kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Primo G. Sio. Jr., ng Branch 96, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Quezon City ngunit walang inirekomendang piyansa.…

Read More

2,309 SUGAROL NALAMBAT SA QC

sugal

UMABOT sa 2,309 katao ang nalambat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa anti-illegal gambling operations sa nabanggit na lungsod simula Enero ng taong kasalukuyan. Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Antonio Yarra, bukod sa mga dinakip sa kampanya kontra illegal gambling, kumpiskado rin sa operasyon ang P953,189.25 bet money. Aniya, 223 sa 2,309 na inaresto kaugnay ng ilegal na pasugal, ay pasok sa illegal number games gaya ng EZ2, loteng at bookies. Pag-amin ni Yarra, higit na mataas ang bilang ng arestadong mga sugarol at may…

Read More

Toby Tiangco, magreretiro na sa politika?

Naging palaisipan sa nakararami lalo na ng mga Navoteño kung nagbabalak na bang magretiro ni veteran Navotas politician, incumbent mayor Tobias ‘Toby’ Tiangco sa politika nang hindi ito maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) kahit sa anumang posisyon para sa eleksyong 2022 . Ayon sa dokumento ng Commission on Elections (Comelec) tatakbong mayor ng Navotas sa 2022 elections ang kapatid ni Mayor Toby na si Congressman John Rey Tiangco sa ilalim ng Partido Navoteño, ang local political party ng mga Tiangco. Makakalaban nito sina Gaudencio Manlapaz ng Aksyon Demokratiko…

Read More

QUEZON GOV. SUAREZ, ABOGADANG ANAK NASA HOT WATER

KAPAG napatunayan, posibleng ma-disbar ang abogadang anak ni Quezon Governor Danilo Suarez na si Atty. Joana Suarez at suspensyon naman laban kay Gov. Suarez dahil sa ginawa umanong pag-areglo o panunuhol ng mag-ama sa menor de edad na biktima upang iurong nito ang isinampang mga kasong kidnapping and serious illegal detention with rape, laban kay Lopez, Quezon Municipal Councilor Arkie Manuel Ortiz-Yulde. Sa limang pahinang complaint affidavit ng pamilya ng biktima na isinampa sa office of the Ombudsman (OMB), inireklamo nila ang mag-amang Governor Danilo Suarez at Atty. Joana Suarez…

Read More

ADYENDA SA LIKOD NG KANDIDATURA

SA nag-iisang tronong mababakante sa Palasyo, 97 ang may puntiryang pumalit sa Pangulo pagsapit ng pagtatapos ng kanyang termino. Gayundin sa Senado kung saan 175 ang aplikante para lang sa 12 pwesto. Maging sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno, ganun din ang eksena. Sa dami ng naghahain ng sarili sa publiko, ‘di maiwasang magtanong ang mga botanteng Pilipino – ano nga ba ang pakay ng kanilang kandidatura? Nakalulungkot isiping hindi barya ang gastusan sa tuwing halalan kaya naman malamang sa hindi, mahaba-habang bawian ng puhunan sa sandaling maluklok sa kapangyarihan.…

Read More