SINORPRESA ng Bureau of Customs sa Port of Clark ang 20 kawaning isinailalim sa random drug testing bilang bahagi ng programang nagbibigay katiyakan na walang gumon sa ipinagbabawal na gamot sa hanay ng kanilang mga empleyado. Katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region III office, isinalang sa drug test ang mga kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng Port of Clark sa Pampanga. Kabilang sa isinailalim sa drug test bilang tugon sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ay ang mga tauhan ng Enforcement and Security Service (ESS),…
Read MoreDay: October 13, 2021
TAIWANESE NA 17-TAONG WANTED NABITAG NG BI
QUEZON – Nalambat sa mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa mga awtoridad sa Taipei dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan, 17 taon na ang nakalilipas. Ayon sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente mula sa BI’s Fugitive Search Unit (FSU), kinilala ang dayuhan na si Huang Kuan-I, 53, naaresto noong Lunes ng umaga sa bayan ng Real sa lalawigan ng Quezon. Ang mga ahente na humuli sa dayuhan ay armado ng warrant of deportation na inisyu ni Morente matapos makatanggap ng…
Read More8 WANTED PERSONS NALAMBAT NG PNP BICOL
SA gitna ng pangamba dulot ng banta ng COVID-19 pandemic, ang PNP Bicol, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, Regional Director, PRO5, ay mas pinaigting ang kampanya kontra kriminalidad upang matiyak ang seguridad ng bawat Bicolano. Noong ika-12 ng Oktubre 2021, nagsagawa ng anim na operasyon ang PNP Bicol sa ilalim ng ‘campaign against wanted persons’ na nagresulta sa pagkakahuli sa walong indibidwal. Sa probinsya ng Albay, timbog ang rank 7 city most wanted person ng Ligao City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified rape na inisyu ng RTC Branch 12, Ligao City. Kinilala ang suspek na si Romeo…
Read MoreLIDER NG GUN FOR HIRE GROUP, TIMBOG
BATANGAS – Natimbog ng mga awtoridad ang umano’y lider ng isang gun for hire group sa bayan ng Padre Garcia sa lalawigang ito. Kinilala ang suspek na si Sulpicio Andal, 55, lider ng Andal gun for hire group na nag-o-operate sa lalawigan ng Batangas. Si Andal ay inaresto sa ikinasang search warrant operation ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit-Batangas PPO, OPD-Drug Enforcement Unit, 1st Batangas Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 403rd-A Maneuver Company, at Padre Garcia MPS sa bahay nito sa Barangay Maugat, Padre Garcia. Nakuha kay Andal ang isang kalibre .45 na baril, mga magazine at bala nito. Nasa kustodiya na ng Batangas PPO ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa…
Read MoreDREDGER VESSEL GAMIT SA RIVER QUARRY SILAT
APARRI, Cagayan – Kumpiskado sa mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Aparri ang isang dredger vessel na karaniwang gamit sa black sand quarry operations sa mga ilog at maging sa karagatan. Sa rekomendasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service – Manila International Container Port (CIIS-MICP), sinagasa ng mga tauhan ng BOC Aparri Enforcement and Port Operations kasama ang mga operatiba mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) Maritime Group ang maalong karagatan ng Aparri Delta kung saan naroon ang pakay ng operasyon – ang dredger…
Read MoreDOH kumontra OCTA: PWEDE NA ULING MAG-CHRISTMAS PARTY
INAASAHANG makapagdaraos na muli ng Christmas Party ngayong Disyembre, ngunit ito ay para sa mga bakunado lamang, ayon sa OCTA Research Group. “In places na vaccinated ‘yung attendees, kunwari sa office Christmas party na everyone’s vaccinated na, we can probably have a big Christmas party because the risk right now seems low,” ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA. Ito ay makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at pagluwag na ng healthcare facilities at isolation centers. Ngunit hindi kumbinsido ang Department of Health…
Read MoreMETRO CEMETERIES 5-ARAW ISASARA
NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng COVID-19 cases bago at sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng MMDA at 17 alkalde ang isang resolusyon na nag-uutos sa local government units ng rehiyon na isara ang mga sementeryo ng limang araw mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1, All Saints’ Day, at Nobyembre 2, All Souls’…
Read MoreNagagamit lang sa scam CONTACT TRACING LOGBOOKS ITIGIL
MASUSING pinag-aaralan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbabawal sa paggamit ng logbooks para sa contact tracing matapos na makatanggap ng ulat sa umano’y “smishing.” Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, makikipag-ugnayan sila sa National Privacy Commission (NPC) kaugnay ng posibilidad na tuluyang ipagbawal ang mga logbook bilang tugon sa data privacy act. “Kasi marami na nga po tayong insidente ng ‘smishing,’ so kailangan po natin maging mapanuri sa mga panahon na ito,” pahayag pa ni Malaya, sa isang interview. Nauna rito, nagpalabas ng abiso…
Read MoreBLUE-SEAL NATISOD SA ZAMBO
HINDI nakalusot sa masigasig na paglalayag ng Enforcement and Security Service (ESS) ng Bureau of Customs (BOC) sa karagatang sakop ng Zamboanga ang tangkang pagpupuslit ng mga smuggled na sigarilyo sa gawing timog ng bansa. Sa pagtataya ng BOC, aabot sa halagang P4.8 milyong halaga ng imported na sigarilyong lulan ng dalawang bangkang de motor ang nasabat ng ESS kasama ang mga operatibang mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) 2nd Zamboanga City Mobile Force Company. Kumpiskado rin ang dalawang bangkang de motor kabilang ang MV Mernalyn Z na…
Read More