SARADONG KORTE NADAGDAGAN

UMABOT na sa 27 ang mga korte na pansamantalang sarado habang sinasalanta muli ang bansa ng COVID-19 surge. Pinahintulutan ng Supreme Court ang pansamantalang pagsasara ng ilang korte sa Apayao; Puerto Princesa City; Masbate; Siquijor; Zamboanga Del Norte; Zamboanga Sibugay; Lanao Del Norte; Davao De Oro; Davao Oriental; North Cotabato; Sarangani; Sultan Kudarat; Surigao Del Norte; Maguindanao; at Basilan. Sa inilabas na SC Circular, sinabi ni Deputy Court Administrator Raul Villanueva na kailangang sumunod sa pagsasara ang mga huwes, empleyado ng korte at maging mga kliyente hanggang sa katapusan ng…

Read More

6.4K LITRONG DIESEL IDO-DONATE SA PCG

INAPRUBAHAN ng Department of Finance (DOF) na i-donate ang six thousand 400 litro ng diesel na nasabat ng Bureau of Customs noong nakaraang taon sa Philippine Coast Guard (PCG). Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, isasagawa ito sa bisa ng ‘memorandum of agreement (MOA)’ na pinirmahan ng BoC at PCG upang magamit ng mga mandaragat sa kampanya kontra smuggling. Sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), pinapayagan na mai-donate ang mga nakumpiskang produkto basta aprubado ng kalihim ng Finance department. Ang diesel ay kinumpiska ng Port of…

Read More

5 COVID DEATHS NAITALA SA MALABON, 3 SA NAVOTAS

LIMANG COVID patients ang binawian ng buhay sa Malabon City noong Enero 20 mula sa mga barangay ng Longos (1), Niugan (2), San Agustin (1), at Tugatog (1) at sumipa na sa 689 ang COVID death toll sa lungsod. Ayon sa City Health Department, 178 ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangay Acacia (2), Bayan-bayanan (6), Catmon (40), Concepcion (14), Dampalit (2), Flores (3), Hulong Duhat (11), Longos (24), Maysilo (3), Muzon (3), Niugan (2), Potrero (14), San Agustin (11), Tañong (8), Tinajeros (3), at Tugatog…

Read More

MAHIHIRAP ISAALANG-ALANG SA PAGBUO NG MGA POLISIYA LABAN SA COVID-19

HINIMOK ni Senador Koko Pimentel ang gobyerno na mag-isip ng mga hakbangin na hindi magdaragdag ng pasanin sa mahihirap. Tinukoy ni Pimentel ang ipinatutupad na no vaccination, no ride policy na ang lubha anyang apektado ay mahihirap na indibidwal. Sinabi ng senador na matagal ng iba ang pasan na karga sa balikat ng mahihirap kumpara sa pasan ng mayayaman o may kaya kaya kailangan na ng bagong pag-iisip sa pamahalaan at ang mahihirap naman ang isipin. “Ilagay ng policy maker at law enforcer ang sarili niya sa tsinelas ng mahihirap.…

Read More

5 TIMBOG SA BDO HACKING

HINDI nakapalag ang limang indibidwal, kabilang ang dalawang Nigerian national, umano’y mga miyembro ng “Mark Nagoyo heist group” na pinaniniwalaang nasa likod ng hacking ng 700 depositors ng Banco de Oro, nang bitbitin ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Director Eric Distor ang mga suspek na sina Ifesinachi Fountain Anaekwe alyas Daddy Champ, Chukwuemeka Peter Nwadi, Jherom Anthony Taupa, Ronelyn Panaligan at Clay Revillosa. Batay sa ulat ng NBI-Cybercrime Division, Enero 18 pa nang dakpin sa isang operasyon ang dalawang Nigerian nationals nn sina Anaekwe…

Read More

FEELING HARI SA MONTALBAN

MINSAN pa, nalagay sa peligro ang buhay ng isang peryodista sa isang ­bayang pinamumugaran ng feeling hari, kabilang ang mga lokal na opisyal at negosyanteng bumubusog sa kanila. Ang peryodista – si Edwin Moreno, isang kaibigan sa panulat na nakilala ko noong dekada nobenta. Noon pa man, tulad ko siyang pobre at magpahanggang ngayon kapwa kami nabibilang sa isang kahig, isang tuka, estadong tanggap na namin noon pa. Marami na kaming kasabayang nagsiyaman matapos piliing mag-iba ng karera habang ang iba naman nagsilbing anay sa hanay ng mga lehitimong dyarista.…

Read More

PANIRA NG PAG-ASA

MALIBAN sa mga walang access sa internet, halos lahat ng mga tao ay nakatutok sa social media sa pag-asang makabasa ng mga impormasyon na magbibigay sa kanila ng pag-asa sa gitna ng ­pandemya. Maraming mga imporma­syon hinggil sa resulta ng pag-aaral na ang Omicron ay huling variant na ng ­COVID-19 na hinayaan ng China na kumalat sa buong mundo at nagpabagsak sa ekonomiya ng lahat ng ­nasyon kasama na ang Pilipinas. Halos lahat ng mga tao ay nagkaroon na ng sintomas ng COVID-19 pero hindi na sila nag-report dahil mild…

Read More

BANK SCAMS PINABUBUSISI NG MAMBABATAS

DEPUTY Speaker and Bagong Henerasyon Party List representative Bernadette Herrera is looking to initiate a series of probes to help create better legislation to protect the public from bank scams, electronic or otherwise. “With bank scams being a hot topic before 2021 ended, the extent and limits of a bank’s liability during scamming incidents must clearly be defined,” Herrera noted. “Needless to say, this is by no means a witch-hunt, or a fault-finding endeavour. Every stakeholder will surely bring valuable, if not actionable, insights to the dialogue,” she added. Herrera…

Read More

ROBREDO PINAKAMALAKING GINASTOS SA FB AD

NANGUNGUNA sa presidential aspirants na pinakamalaking ginastos sa Facebook advertisement si Vice President Leni Robredo. Sa nakuhang detalye ng PUNA, simula noong Agosto 4, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021 bago pa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) ng mga kandidato, ay nakapagtala na ng P1.95 milyong FB ad si Robredo. Simula naman Oktubre 1 hanggang Disyembre 31, 2021 ay nakapagtala rin siya ng FB ad na P12.14 milyon kasama nito ang “Team Leni Robredo” at “Dapat si Leni” pages. Pumangalawa si Sen. Panfilo “Ping”…

Read More