SA loob ng halos isang taon, nanatiling bigo ang Department of Health (DOH) sa pinagkakagastusang information campaign na magbibigay ng liwanag at kukumbinsi sa target population hinggil sa buting dulot ng bakuna kontra COVID-19. Patunay nito ang pagmamatigas ng ilang mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na maturukan ng COVID-19 vaccine sa dahilang ‘di siya kumbinsidong ligtas at mabisa laban sa nakamamatay na karamdaman ang mga gamot na laman ng hiringgilya gamit sa pagbabakuna. Ang pagiging bantulot ni Acosta, nagpapakita lamang ng kabiguan…
Read MoreDay: January 21, 2022
UniTeam hindi apektado CUSI DESPERADO SA PAGKUPKOP KAY SARA
HINDI apektado sa inilabas na anunsyo ng partidong PDP-Laban ang tambalang Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at Sara Duterte sa nalalapit na presidential derby sa Mayo. Ito ang tiniyak ni Atty. Vic Rodriguez na tumatayong tagapagsalita ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) makaraang maglabas ng anunsyo ang basag na partidong pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay ng umano’y desisyong kupkupin at suportahan ang batang Duterte bilang kandidato sa posisyon ng pangalawang pangulo. Giit ni Rodriguez, karapatan ng bawat Pilipino ang pumili ng kanilang kursunada at susuportahang kandidato. “PDP-Laban,…
Read MorePanukala sa Kamara: DOBLENG OT, NIGHT DIFFERENTIAL SA HCWs
ISANG magandang balita para sa mga healthcare workers – isang panukalang batas ang inihain sa Kamara para sa dobladong overtime pay at night differentials kesehodang naglilingkod sa pamahalaan o sa mga pribadong pagamutan. Target ng House Bill 9670, amyendahan ang umiiral na Magna Carta on Public Health Workers sa hangaring matulungan ang mga patuloy na nagsasakripisyong sektor ng manggagawa sa larangan ng medisina at siyensya. “This proposed measure seeks to amend the existing Magna Carta of Public Health Workers and ensure that public health workers are appropriately compensated and provided…
Read MoreDUDA SA BAKUNA NABAWASAN – SWS
KUNG pagbabatayan ang resulta ng pinakabagong survey na pinangasiwaan ng Social Weather Station (SWS), maliit na bahagi na lang ng populasyon ang may agam-agam sa bakuna kontra COVID-19. Lahat ng tatlong kategorya – duda, takot at ayaw magpabakuna, bumagsak sa pinakamababang antas mula ng manalasa ang nakamamatay ng karamdaman. Sa survey na isinagawa noong Disyembre ng nakaraang taon, 8% na lang ng adult respondents ang “ayaw magpabakuna.” Isang porsiyento naman ang nagsabing “malamang hindi na sila magpabakuna.” Sa datos ng SWS, higit na mababa ang antas ng vaccine hesitancy sa…
Read MoreStatement of Atty. Vic Rodriguez Chief of Staff and Spokesman of presidential aspirant Bongbong Marcos On Reports that Twitter suspended more than 300 accounts in Marcos network:
“We commend Twitter for keeping a close watch against platform manipulation, spam and other attempts to undermine the public conversation through its operating system which are a violation of the Twitter rules. However, we would like to warn the Twitter management against an online news network which uses its platform to advance the political agenda of a certain presidential aspirant by using a disinformation network to take down what it alleged as disinformation network. While it is true that there could have been hundreds of Twitter accounts that were suspended,…
Read MoreUNITEAM: TRADING CENTER PALAGUIN SA BUONG BANSA
PLANO ng BBM-Sara UniTeam na magtayo ng mas maraming mga modernong “bagsakan / bulungan” o mga trading post upang mabigyan ang mga Pilipinong mamimili ng access sa mas abot-kayang mga produktong agrikultural. Ayon kay presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte, malaki ang ambag ng gastos sa transportasyon sa mataas na presyo ng mga bilihin, kaya’t iminumungkahi nila na isaayos ang paraan ng pamamahagi at pagdaragdag ng mga trading post. “Moving goods around the country is expensive, and as a result,…
Read More