SMUGGLED YOSI SILAT SA ZAMBO

TUMATAGINTING na P3-milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nahagip ng mga alistong operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa bandang timog ng bansa kamakailan. Sa kalatas ng BOC, timbog sa ikinasang anti-smuggling operation sa pagitan ng BOC- Port of Zamboanga, Regional Mobile Force Battalion at Tungawan Municipal Police Station, ang isang trak na naglalaman ng target na kontrabando. Sa imbestigasyon, lumalabas na isang impormante ang nagtimbre hinggil sa pagbiyahe ng trak sa Barangay Baluran sa bayan ng Tungawan patungo sa mga karatig bayan para magdala ng mga sigarilyong ipinuslit…

Read More

SA PAMUMUNO NI GOV. HELEN TAN LALO PANG AANGAT ANG QUEZON PROVINCE!

SABONG ON AIR Ni Ka Rex Cayanong TIYAK na lalo pang aangat ang lalawigan ng Quezon sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Helen Tan. Pinagtutuunan ng pansin ngayon ni Tan ang pagsuporta sa mga negosyo. “Sinuong natin ang maputik na palayan at malalim na ilog upang mabisita ang Dairy Farm sa Barangay Bagong Silang, Guinayangan Quezon. Kasama ang mga kawani ng Quezon Provincial Agriculture, tiningnan natin ang kalagayan ng lumalagong dairy farm na ito,” wika ni Tan. Sinasabing batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 9.5 percent…

Read More

PALPAK NA DISENYO NG KALSADA NG SCTEx

ITO ANG TOTOO NI VIC V. VIZCOCHO, JR. MAHIGIT kalahating kilometro ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEx) sa may bahagi ng Dinalupihan, Bataan ang nire-repair sa kasalukuyan para tumaas dahil inaabot ito ng tubig-baha kapag tag-ulan. Ito Ang Totoo: May mga pagkakataon sa nakalipas na panahon na dahil sa baha sa mismong SCTEx, hindi makatawid ang mga sasakyan sa expressway na nag-uugnay sa Subic Bay Freeport (SBF), kasama na ang Bataan, Olongapo at Zambales, sa rehiyon at iba pang bahagi ng Luzon. Umaabot sa dalawang metro o anim na piye…

Read More

2 FIL-CHINESE, HANDLER NG HUMAN SMUGGLING SA AIRPORT

BISTADOR Ni RUDY SIM MAGANDA ang hangarin ni Department of Justice (DOJ) ­Secretary Jesus ­”Boying” Remulla na bigyan ng hustisya ang mga umano’y ­biktima ng extra judicial killings na nangyari sa nagdaang administrasyon ni dating ­Pangulong Rodrigo Duterte makaraang lumapit umano ang ilang ­miyembro ng kapulisan na sila’y napilitan lamang sumunod at nakahandang tumestigo upang isiwalat ang katotohanan sa war on drugs. Ngunit tila walang pangil at kamandag ang pamamahala ni Remulla sa DOJ upang kanya munang linisin ang sarili nitong bakuran partikular ang Bureau of Immigration (BI) na nasa…

Read More

ISYU SA SUPPLY AT HOARDING NG ASUKAL, TINUGUNAN NI ES RODRIGUEZ

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA NATAPOS na ang imbestigasyon tungkol sa isyu ng asukal ngunit patuloy pa rin ang ­usapan tungkol dito. Samu’t saring mga kuru-kuro at haka-haka ang kumakalat, at ginagamit na basehan ng panghuhusga at pambibintang. Ang iba ay tila ba pilit na hinahanapan ng koneksyon ang isyu sa ilang miyembro ng administrasyon. Mayroon pang ilan na para bang natutuwa pa sa nangyayari dahil mayroong balang maaaring gamitin laban sa administrasyon. Sa kanilang pakiwari, dahil sa isyung ito ukol sa asukal, mapapatunayan na nilang tama sila sa…

Read More

SACRED COWS HINDI NA UBRA SA BOC – RUIZ

Ni ANGEL F. JOSE HINDI pa man nag-iinit sa pwesto, pinatunayan ng bagong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC), na tapos na ang panahon ng pamamayagpag ng mga tinaguriang “sacred cows” sa pinamumunuang ahensya ng gobyerno. Babala ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, wala rin sasantuhin ang inilatag na reporma sa kawanihan sa hangaring ibangon ang reputasyon ng ahensyang higit na kilala sa larangan ng katiwalian. Katunayan aniya, anim agad ang nasampolan bilang pambungad bunsod ng kontrobersiya hinggil sa malawakang agri-smuggling sa bansa. Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na ang relief…

Read More

PERA, KONEKSYON AT IMPLUWENSYA

SA halip na frustrated murder, nauwi na ­lamang sa frustrated homicide ang kasong inihain ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office laban sa kontrobersyal na SUV ­driver na umararo sa isang gwardiyang iniwan matapos ang insidenteng nag-viral sa social media. Sa limang-pahinang resolusyon ng piskalya, iginiit ng taga-usig na walang matibay na ­ebidensyang nagpapatunay na pinagplanuhan at may motibong patayin ng suspek na si Jose Antonio Sanvicente, ang biktimang si ­Christian Joseph Floralde noong Hunyo 6 ng taong kasalukuyan. Malinaw sa video na hinugot sa CCTV, sinadya ni Sanvicente ang pananagasa kay…

Read More

MGA BODEGA BISTADO SA TONE-TONELADANG IMPORTED NA ASUKAL

Ni JOEL O. AMONGO BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabi-kabilang pagsalakay ang isinagawa ng Bureau of Customs sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong nakalipas na linggo. Sa Quezon City, nadiskubre ng mga operatiba ng kawanihan ang nasa 57,000 ako ng mga imported sugar mula sa bansang Thailand. Partikular na tinukoy ng BOC ang bodega ng La Perla Sugar Export Corp. sa kahabaan ng Sgt. Rivera St. kung saan tumambad ang hindi bababa sa P285-milyong halaga ng mga imported sugar. Bitbit ang Letter of Authority (LOA)…

Read More

Prayoridad ni PBBM FOOD SECURITY TIYAK NA SA PAGBUHOS NG PONDO SA DA

(BERNARD TAGUINOD) MAKAKAMIT ng bansa ang layuning food security ngayong tinapos na ni President at Department of Agriculture (DA) Secretary Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kakapusan sa pondo ng nasabing ahensya. “You can say that this is the beginning of the end of a funding drought. To beat hunger, a country should not starve its farming sector of funds,” ani Deputy Speaker Ralph Recto. Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos madagdagan ng 44% ang pondo ng DA sa ilalim ng 2023 national budget kaya makakakuha ang ahensya ng P102.15 billion…

Read More