STATE OF CALAMITY SA COVID-19 EXTENDED NG 3 BUWAN

covid

SINABI ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na palalawigin pa ng tatlong buwan ang state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic na magtatapos sana ngayong Lunes, Setyembre 12. Sinabi ni Cruz-Angeles na ang nasabing extended time ay para lamang sa “indemnification, emergency procurement, and special risk allowance for health care workers.” “The state of calamity is extended for possibly three months but only for the purpose of preserving the benefits under it such as but not limited to the indemnification, emergency procurement, special risk allowance for healthcare workers,” paliwanag ni Cruz-Angeles.…

Read More

SANGGOL SINAKAL, SINILID SA MALETA AT PINAANOD SA ILOG SA QC

INIIMBESTIGAHAN ng Quezon City Police District kung sadyang pinatay sa sakal ng sariling ina ang bagong silang na sanggol saka isinilid sa maleta at ipinaanod sa ilog sa Quezon City noong Sabado ng umaga. Nakakabit pa ang umbilical cord ng 1 day old na sanggol na babae, na inilarawang 53 inches ang haba at may bigat na 1.250 kilogram. Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 8:30 ng umaga (September 10) nang madiskubre ang patay na sanggol sa Tullahan River malapit sa…

Read More

PHILMECH SA SENADO: WALANG OVERPRICING SA PAGBILI NG TRAKTORA

PINABULAANAN ni Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) Director Dr. Baldwin G. Jallorin sa Senado na nagkaroon ng katiwalian at overpricing sa pagbili ng four-wheeled farm tractors na ipinamigay sa ilang farmers cooperatives at asosasyon sa iba’t ibang panig ng pamahalaan. Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on agriculture and agrarian reform na pinamumunuan ni Senador Cynthia Villar hinggil sa status ng implementasyon ng Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) sa ilalim ng Rice Tariffication Law, sinabi ni Jallorin na walang katiwalian at overpricing sa Authorized Budget for…

Read More

Aprubado ni Pangulong Marcos Jr. FACE MASK SA OUTDOOR SPACES BOLUNTARYO NA

INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang gawing boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa outdoor settings. Sa press briefing ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, inanunsyo nito na naglabas na ang Malakanyang ng Executive Order No. 03 na nagsasaad na “allowing voluntary wearing of face masks in outdoor settings and reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the state of public health emergency relating to the COVID-19 pandemic.” Subalit kung ang isang indibidwal ay immunocompromised, seniors o hindi kumpleto ang bakuna ay kailangan pa rin magsuot…

Read More

Walang day-off kahit birthday pa PBBM TULOY TRABAHO PARA SA BAYAN

SERYOSO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuparin ang kanyang mga pangako lalo na ang layuning mapabuti ang kalagayan ng mamamayang Pilipino at ng bansang Pilipinas. Sa katunayan, sa kabila ng pagdiriwang ngayong araw ng kanyang ika-65 kaarawan, tuloy ang kanyang trabaho sa loob at labas ng Malakanyang. Kahapon, walang maibigay na impormasyon si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung paano ipagdiriwang ng Pangulo ang kanyang kaarawan. “However we can safely assume that the President is going to mark it. Remember it. It’s like okay when I have a birthday yehey…

Read More

HIPAG IPINAARESTO SA KINUPIT NA P50K

CAVITE – Ipinaaresto ng isang ginang ang kanyang hipag na inakusahan nitong tumangay ng kanyang P50,000 cash sa kanyang bahay sa bayan ng Mendez sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Nahaharap sa kasong qualified theft ang suspek na si Chewie Tolentino y Magpayo, 43, dahil sa reklamo ng kanyang hipag na si Irene Tolentino y Gabriel, 40-anyos. Ayon sa salaysay ni Irene kay Corporal Christian Espiritu ng Mendez Police Station, dumalaw ang kanyang hipag at asawa nito sa kanilang bahay sa Brgy. Panungyan 2, Mendez, Cavite dakong alas-2:30 ng hapon. Habang…

Read More

Pondo inusisa sa Kongreso DICT ‘INUTIL’ SA FREE WI-FI

BINUSISI sa Kamara ang kabiguan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maisakatuparan ang proyektong free wi-fi lalo na sa mga eskwelahan sa kabila ng pondong ipinagkaloob para rito. Sa deliberasyon ng budget ng DICT sa Kamara, pinagdiskitahan ni House assistant minority leader France Castro ang hindi nagamit na pondo para sa libreng wifi ng nakaraang administrasyon ng nasabing ahensya. Ayon sa mambabatas, taon-taon ay binibigyan ng bilyon-bilyong pondo ang DICT para sa libreng wifi subalit lumabas sa pagdinig na hindi ito nagamit. Huling namuno sa DICT si…

Read More

2 RIDER PATAY, 1 SUGATAN SA SALPOK NG KASALUBONG

patay

PATAY ang dalawang motorcycle rider makaraang mabangga ng kanilang kasalubong sa magkahiwalay na aksidente sa mga lalawigan ng Laguna at Cavite nitong Linggo. Batay sa report ng CALABARZON Police, parehong sumalpok ang dalawang motorsiklo sa kanilang kasalubong dahil sa pag-overtake at pagsakop sa opposite lane ng highway. Unang namatay ang motorcycle rider na si Charles Jewel Rara matapos na sumalpok sa kasalubong na tractor head truck sa Maharlika highway sa Barangay Makiling, Calamba City, Laguna dakong alas-5:20 ng umaga. Samantala sa General Trias, Cavite, dead on arrival sa ospital ang motorcycle rider na…

Read More

MAYOR SA MAGUINDANAO TIMBOG SA PNP-CIDG SA DOUBLE MURDER

NASA ilalim ng hospital arrest ang isang Maguindanao town mayor na kapatid ni dating Maguindanao Representative Esmael Mangudadatu, dahil sa pagkakadawit sa pagpatay sa isang mag-asawa sa Sultan Kudarat, 12 taon na ang nakalilipas. Inaresto ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, Bangsa­Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)-CIDG Field Unit, ang 44-anyos na  si Khaddafe­ “Toy” Mangudadatu,  mayor ng Pandag, Maguindanao, sa Royal Mandaya Hotel sa Palma St. sa Davao City, dakong alas-4:15 noong Linggo ng hapon. Ayon kay Lieutenant Colonel Bernard Lao, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group…

Read More