GRAND SLAM ASAM NI EALA

MABIGAT ang hamon ni newly crowned 2022 US Open Juniors singles champion Alexandra “Alex” Eala sa kanyang sarili– umangat sa WTA Top 100 at magkwalipika sa Grand Slam. “As I’ve said before, women’s Grand Slams are definitely in my radar,” sabi ng 17-anyos na Rafa Nadal scholar. “I wouldn’t say that I’m so far from getting into qualifying, but that will of course depend on my performance in the next couple of months.” Matatandaang tinalo ni Eala si Lucie Havlickova ng Czech Republic upang angkinin ang US Open Juniors singles…

Read More

2 HOLDAPER TIMBOG SA BARIL, DROGA

RIZAL – Kalaboso ang dalawang hinihinalang holdaper sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal Police Intelligence Office sa Hi-way 2000, Brgy. Sta. Ana, sa bayan ng Taytay sa lalawigang ito, noong Linggo. Iniulat ni P/Col. Dominic Labbao Baccay, Provincial Director, kay P/BGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., Regional Director PRO CALABARZON, ang pagkakaaresto sa mga suspek na Nassief Dumaraya y Salic, alyas “Nash”, at Arthur Ramos y Gonzales. Ayon sa ulat, isang alyas “Nash” ang sangkot sa talamak na bentahan ng ilegal na droga sa nasabing lugar. Bunsod nito, nagkasa ng…

Read More

RADIO ANCHOR PATAY SA SAKSAK

NEGROS ORIENTAL – Patay sa pananaksak ang isang radio broadcaster noong Linggo ng gabi sa Barangay Himocdongan sa bayan ng Mabinay sa lalawigang ito. Ayon kay Police Maj. Paul Vincent Dumaguing, hepe ng Mabinay Police Station, pinaslang noong Linggo ng gabi ang radio anchor and commentator na si Rey Blanco, ng  Power 102.1 DYRY RFM  radio station. Lumitaw sa pagsisiyasat, nagtungo si Blanco sa bahay ng kapatid ng suspek kung saan nagkaroon sila ang mainitang pagtatalo. “There the suspect suddenly appeared from behind and without any apparent reason stabbed the victim…

Read More

EUROBASKET GOLD SINIKWAT NG SPAIN

NAGSANIB-PWERSA ang magkapatid na Juancho at Willy Hernangomez upang akayin ang Spain sa 88-76 win kontra France, Linggo (Lunes sa Manila) at ibulsa ang EuroBasket gold medal. Umiskor si Juancho ng 27 points, five rebounds at two steals sa 26 minutong laro, may shooting 9-of-11 sa field, 7-of-9 (beyond the arc) at 2-of-2 sa FT line, habang 14 puntos naman kay Willy. Sa panig ng France, nanguna si ex-Celtics shooting guard Evan Fournier, 23 points, three rebounds, two assists at steal. Nagsumite naman ang teammates niyang sina Thomas ­Heurtel, 16…

Read More

PBBM NAGTALAGA NG MGA BAGONG OPISYAL SA DOTr, LTO

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO). Sa Facebook post ngayong Lunes, inanunsyo ng DOTr ang pagtatalaga kina Horatio Enrico Bona bilang LTO Executive Director; Leonel Cray De Velez bilang DOTr Assistant Secretary for Planning and Project Development; Maria Paula Bautista Domingo bilang Assistant Secretary for Administration and Procurement; at Mark Steven Pastor bilang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure. Itinalaga rin sina Jesus Nathaniel Martin Bermejo Gonzales bilang DOTr Assistant Secretary for Finance and Comptrollership;…

Read More

PINOY ATHLETES DEHADO SA 2023 SEAG CAMBODIA

Ni ANN ENCARNACION TAGILID ang mga atletang Pilipino sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa susunod na taon. Nagdesisyon na ang host country na aprubahan ang 608-events sa 49-sports na gaganapin sa Phnom Penh at Siem Reap mula Mayo 5-16, 2023. Ito ang pinakamalaking SEA Games sa rami ng events na ka­ramihan ay pabor sa host, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino. Iginiit umano ng Cambodia na sila (bilang host) lamang ang maaaring maglagay ng 100 porsyentong partisipasyon sa combat sports o martial arts at…

Read More

MAY PERA BA SA THIRD PARTY PROVIDER?

KAALAMAN Ni MIKE ROSARIO TALAKAYIN naman natin ngayon ang may kaugnayan sa third party provider. Maraming natutuwa lalo na kung ang pag-uusapan ay mga online platform, kasi naman kahit nasa bahay ka lang, darating na ika nga sa harapan ng iyong pintuan ang lahat ng iyong kailangan. Nakabawas ka na rin sa pagpila kung ang pag-uusapan ay ang mga ahensya ng gobyerno na talaga namang isusumpa mo ang pagpila lalo na kung nakikita mong ang mga empleyado na pinasasahod ng ­taumbayan na bukod sa halos ayaw magtrabaho, ay masusungit pa.…

Read More

MALAKI ANG TIWALA NG MGA PINOY KAY PBBM

OPEN LINE Ni BOBBY RICOHERMOSO SA kabila ng walang humpay na pagbatikos na ginagawa ng mga kritiko sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, matibay pa rin ang ­paninindigan at tiwala ng mayorya ng mga Pinoy sa kanya. Alam kasi ng ating mga kababayan na wala naman talagang hangad ang mga kritiko kundi sirain at lahat ay gagawin nila upang mabigo sa kanyang misyon si PBBM na paunlarin ang bansa at gawing masagana ang pamumuhay ng ating ­mamamayan. At isa sa mga katibayan na talagang popular nga si PBBM ay ang…

Read More

SIGA SA PINAS

DPA Ni BERNARD TAGUINOD LAKI ako sa Tondo at napansin ko na ang mga siga noon sa aming lugar ay lehitimong mga residente. Kung baga, doon na sila ipinanganak, lumaki, nagkaisip hanggang sa gustong maghari. Kapag may dayo sa aming lugar, pinagtitripan ng mga siga para marahil maipakilala nila ang kanilang sarili na sila lang ang pwedeng maghari-harian sa kanilang lugar at wala nang iba pa at sino man ang babangga sa kanila ay may paglalagyan. Wala na akong balita sa mga siga noon sa aming lugar. Naglaho na sila.…

Read More