PBBM UMAASANG MAKAKAUSAP SI BIDEN

UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makahaharap niya at magkakaroon siya ng pagkakataon na makapulong si US President Joseph Robinette Biden Jr. habang ang una ay nasa kanyang working visit sa Estados Unidos. Sa kanyang talumpati sa Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center, sinabi ni Pangulong Marcos na humingi ng kaunting panahon at oras ang gobyerno ng Pilipinas sa ilang heads of state na dadalo sa United Nations 77th General Assembly para sa bilateral o multilateral meetings. “Pagkatapos ng mga malalaking speech ay nagkikita-kita, mag-uusap-usap kami na…

Read More

DELAYS SA MGA KASO SA CA AT LABOR DISPUTE, PINATUTULDUKAN

PINATUTULDUKAN ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang mga bureaucratic delays sa pagresolba sa mga kasong inaapela at mga usapin na may kinalaman sa trabaho. Muling inihain ni Go ang Senate Bill Nos. 1186 at 1187 para sa pagbuo ng Court of Appeals (CA) at National Labor Relations Commission (NLRC). Muling iginiit ni Go na kadalasang naipagkakait ang right to a speedy trial at kadalasang natatagalan ang pagresolba sa kaso dahil sa mga hindi inaasahan at oppressive delays. Sa ilalim ng SBN 1186 pinaamyendahan ang Batas Pambansa Bilang 129 o Judiciary…

Read More

MAGUINDANAO PLEBISCITE GENERALLY PEACEFUL – PNP

BUKOD sa naging makasaysayan ang resulta ng ginanap na plebisito ng Maguindanao Province, idineklara rin ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na naging “Generally Peaceful” ang political exercise. Sa panig ng AFP, masaya ito na naging payapa at matagumpay sa kabuuan ang eleksyon sa paghahati ng Maguindanao Province sa dalawang probinsya sa pamamagitan ng plebisito nitong nakalipas na linggo. Ang tagumpay ng isinagawang plebisito ay isang historical event sa mga residente ng Maguindanao matapos matupad ang pinapangarap na hatiin ang lalawigan na ika-11 na pinakamalaking probinsya…

Read More

VACCINATION PROGRAM NG LGUs, PALAKASIN

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan o local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang programa sa pagbabakuna upang maiwasan ang outbreak ng mga vaccine-preventable diseases. Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may isang milyong sanggol sa Pilipinas na mas bata sa isang taong gulang ang hindi pa nababakunahan. Ayon pa sa DOH, ang Pilipinas ang isa sa sampung bansa na may pinakamababang bilang ng mga batang nabakunahan. Pinangangambahan din ng ahensya na baka magkaroon ng measles outbreak kung nananatiling mababa ang bilang…

Read More

Walang dagat na babatanyan sa paliparan COAST GUARDS ‘DI KAILANGAN SA NAIA

BANTAY-DAGAT sa paliparan? Ito marahil ang dahilan sa likod ng panawagan ng ilang mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ibalik sa kanilang “mother unit” ang Philippine Coast Guard (PCG) personnel na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Paglilinaw ng mga opisyal ng paliparan, walang bulilyaso ang mga nakatalagang bantay-dagat sa paliparang pinangangasiwaan. Gayunpaman, angkop lang anilang pabalikin ang PCG personnel kung saan sila higit na kailangan – sa mga karagatan. Bukod sa NAIA, daan-daang PCG personnel ang naka-deploy sa iba pang paliparan, mga bus terminal at maging…

Read More

VHONG NAVARRO SUMUKO SA NBI SA KASONG RAPE

ILANG araw matapos ilabas ng husgado ang mandamiento de arresto, sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang sikat na komedyante na nahaharap sa kasong rape at acts of lasciviousness na nakahain sa Metropolitan Trial Court sa lungsod ng Taguig. Ayon kay Atty. Alma Mallonga na tumatayong abogado ng akusadong si Ferdinand “Vhong” Navarro, mananatili ang aktor sa kustodiya ng NBI hangga’t hindi pa aprubado ng husgado ang P36,000 na inilagak bilang piyansa. “Gagawin natin ‘yung kailangan nating gawin. Mag-isyu dito ng certificate of detention. Si Mr. Navarro ay…

Read More

GKHK FOUNDATION INILUNSAD NG PILANTROPONG CANCER SURVIVOR

“GUSTO KO HEALTHY KA”- Pormal na inilunsad kamakailan ang Gusto Ko Healthy Ka Foundation, Incorporated sa pangunguna ng Founder nito na si Dr. Rosalyn Cabuco (gitna) na siyang direktang tumutulong medikal sa mga residente ng Lungsod ng San Jose Del Monte at karatig bayan. Nasa larawan din ang mga bumubuo ng GKHK Foundation na sina (mula sa kaliwa) Victor Sajorda- Board Of Director; Carolyne Padua-Secretary; Melody Espenida-Chairman at Corazon Flores- Treasurer. (Kuha ni ELOISA SILVERIO)     NASA 500 buntis ang pinagkalooban ng libreng panganganak habang 200 pang indibidwal naman…

Read More

ARMADONG GRUPO NAGKAMPO SA MASUNGI CONSERVATION SITE

KINONDENA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang paglusob at pagkakampo ng mga armadong lalaki sa Masungi conservation site at maging ang kawalang aksyon umano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). “We vehemently condemn the continued militarization of the Masungi’s Conservation site. We also condemn the continued inaction of the Department of Environment and Natural Resources and the Philippine National Police (PNP),” ani House deputy minority leader France Castro. Ayon sa mambabatas, inireport na umano ng Masungi Georeserve Foundation ang paglusob ng may 30 armadong kalalakihan sa nasabing reservation…

Read More

EX-FLIPTOP BATTLE RAP ARTIST, KASAMA HULI SA DROGA

CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang kilalang dating fliptop battle rap artist at kasama nito sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Ian Ramos y Ibañez, alyas “Kakay”, 24, fish vendor, ng Brgy. Bucal, Tanza, Cavite, at ang kilalang fliptop battle rap artist na si Papew o Jasper Joshua Advincula y Tuyo sa tunay na buhay, 32, isang electrician, ng Brgy. Bucal, Tanza, Cavite. Ayon sa naantalang ulat, dakong alas-9:45 noong Biyernes ng gabi nang magsagawa ng…

Read More