HINDI malayong magpapatuloy ang kaguluhan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil maraming armas pa ang nakakalat kasunod nang mabagal na proseso ng decommissioning sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ito ang babala ni Basilan Rep. Mujiv Hataman sa pagdinig ng House Committee on National Defense and Security hinggil sa estado na isama na sa puwersa ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang MILF fighters bilang bahagi ng peace process. Base sa kasunduan, kailangang i-decommission ang MILF fighters para hindi na ituring na combatant ang…
Read MoreDay: November 15, 2022
CamSur Rep. Bordado sa Kongreso POSIBLENG RECESSION DAPAT PAGHANDAAN
HINIKAYAT ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso na gumawa ng mga hakbang sa paghahanda para sa napipintong global recession sa gitna ng babala ng International Monetary Fund (IMF) at Oxford Economics na paghina ng ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na taon. Sa privilege speech nitong Lunes, ipinunto ni Bordado na maaga pa lang ay nararamdaman na ng mga Pilipino ang epekto ng inflation na umabot sa 14-year record high na 7.7 percent noong Oktubre, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority…
Read MoreLGBT MEMBER ITINUMBA SA BIRTHDAY PARTY
BATANGAS – Patay ang isang miyembro ng LGBT matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang suspek na dumalo sa birthday party ng kanyang kaibigan sa Barangay Palahanan 1, sa bayan ng San Juan, noong Linggo ng hapon. Kinilala ng San Juan Police ang biktimang si Lina Lourdes Quitain, 48-anyos, call center agent sa Bonifacio Global City, at residente ng Brgy. Janao Janao, San Juan. Batay sa report ng San Juan Police, dakong alas-3:30 ng hapon, nakikipagsaya ang biktima sa party nang dumating ang suspek at tatlong beses na binaril nang malapitan si Quitain gamit…
Read MoreKAHON-KAHONG SMUGGLED YOSI INABANDONA SA BARKO
TINATAYANG umabot sa P210,000 halaga ng kahon-kahong smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng Philippine Coast Guard sa isang pampasaherong barko mula sa Port of Siasi, Sulu. Base sa ulat ng PCG, ang naturang kargamento ay nadiskubre nila habang iniinspeksyon ang inabandonang mga bagahe na sakay ng MV Ever Queen of the Pacific na bumibiyahe mula Port of Siasi papuntang Port of Zamboanga. Dito ay natuklasan ang mga smuggled na yosi na nasa mga kahon at nakalagay sa isang malaking bag, makaraang buksan ng mga tauhan ng PCG, na naglalaman ng 300 ream…
Read MoreP3-M ALAHAS NI BOKAL TINANGAY NG AKYAT-BAHAY
CAVITE – Umabot sa mahigit P3 milyong halaga ng mga alahas ang tinangay ng ‘di kilalang mga suspek sa farmhouse ng isang Cavite Provincial Board Member sa bayan ng Gen. E. Aguinaldo sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumangay sa mga alahas ng biktimang si Irene Bencito y De Padua, Cavite Provincial Board Member at residente ng Brgy. Castanos Cerca, Gen. E. Aguinaldo, Cavite. Ayon sa ulat, alas-2:00 ng hapon nang nagtungo ang Bokal sa pulisya hinggil sa insidente ng pagnanakaw…
Read MoreMOTOR SINURO NG SUV, 3 TINEDYER PATAY
LAGUNA – Dead on arrival sa pagamutan ang tatlong teenager na sakay sa motorsiklo matapos mabangga ng SUV noong Linggo ng gabi sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Rafael, San Pablo City sa lalawigang ito. Ayon kay San Pablo City Police chief, P/Lt. Col. Joewie Lucas, ang mga biktima ay pawang mga menor de edad na agad binawian ng buhay sa insidente dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan makaraang tumilapon ng ilang metro ang layo sa highway nang mangyari ang insidente dakong 11:50 ng gabi. Base…
Read MoreWomen’s Martial Arts Fest GOLD KINA NOVINO AT NAPOLES
SUMIPA ng gintong medalya sina Sophia Nicole Novino at Rhian Napoles sa judo sa 8th Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival na ginanap sa Philippine Judo Federation training gym, Rizal Memorial Sports Complex. Si Novino, sophomore mula sa National Academy of Sports, ang nanguna sa women’s -44kg division matapos umiskor laban kay Mikeighla Louise De Vera ng Baguio Judo Club. Inangkin naman ni Napoles ang -48kg title sa pagbigo kay Mariana Alicia Roces. Ayon sa pangulo ng Philippine Judo Federation na si Ali Sulit, ang WMA Festival ay bahagi…
Read MoreGINEBRA’S BROWNLEE GIGISAHIN SA KONGRESO
HAHARAP ngayong araw (Miyerkoles) sa Mababang Kapulungan si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee kaugnay sa kanyang naturalization process. Target mapasama si Brownlee sa Gilas Pilipinas para sa February window ng FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers, ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios sa ginanap na PSA Forum kahapon sa ground floor ng PSC building sa Rizal Memorial Sports Complex. Noong 2017 pa nagpahayag ng interes ang 34-anyos na si Brownlee mula Tifton, Georgia para maging naturalized player, bilang pasasalamat niya sa PBA at kanyang…
Read MoreUS INTERESADONG MAGTAYO NG 5 PANG MILITARY FACILITIES SA PILIPINAS
INTERESADO ang United States na magtayo ng lima pang karagdagang joint military facilities sa Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Kinumpirma ito nina Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro at Department of National Defense Officer in Charge Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. Kabilang sa posibleng pagtayuan ang Cagayan, isa sa Palawan, isa sa Zambales at isa sa Isabela subalit nilinaw ni Gen. Bacarro na nasa plano pa lamang ito at subject pa rin sa approval ng Department of National Defense (DND)…
Read More