MATAPOS ang mahigit isang dekada, ganap nang inabswelto ng Sandiganbayan ang isang dating opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na una nang hinatulan kaugnay ng mga “inaccuracies” sa isinumiteng 2010 Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Sa 19-pahinang desisyon, binaliktad ng Sandiganbayan ang pasyang inilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) noong Enero 2022 laban kay dating BOC Operations Officer Delia Morala. Paliwanag ng Sandiganbayan, bagama’t may mga pagkakamali sa mga ipinasok na datos sa SALN ni Morala, hindi naman anila angkop na ituring na “falsification” ang ginawa…
Read MoreDay: November 15, 2022
BOC AT DA SANIB-PWERSA KONTRA AGRI-SMUGGLING
MAS pinalakas na kampanya laban sa malawakang agri-smuggling ang inilunsad ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) sa bisa ng isang bagong kasunduang nagbigay-daan para sa sabayang operasyon laban sa mga mapagsamantalang negosyante. Sa pagbisita kamakailan ni Agriculture Assistant Secretary James Layug sa tanggapan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga angkop na estratehiya para tiyakin ang pagpapatibay ng mga hakbang kontra smuggling ng mga produktong agrikultura. Bukod kina Ruiz at Layug, bahagi rin ng talakayan ang mga kinatawan ng iba pang…
Read MoreCOLLECTION DISTRICTS, HATAW SA KOLEKSYON
IBAYONG sigasig ang ipinamalas ng 17 district collection offices ng Bureau of Customs (BOC), batay sa datos ng Financial Service Office ng nasabing kawanihan. Base sa rekord ng nasabing tanggapan, kabilang sa mga distritong nakapag-ambag ng malaking pondo sa kawanihan ang Manila International Container Port (BOC-MICP) na nakapagsampa ng P173 bilyon mula Enero hanggang Nobyembre 11. Pasok din ang Port of Batangas na nakalikom ng kabuuang P170.89 bilyon sa nakalipas na 10 buwan, habang nag-ambag naman ang Port of Manila ng kabuuang P67.61 bilyon. Hindi rin nagpaiwan ang Port of…
Read More2022 target collection NAHAGIP NA, LUMABIS PA!
Ni JO CALIM HINDI pa man natatapos ang taong 2022, hinigitan pa ng Bureau of Customs (BOC) ang itinakdang P721.52-billion 2022 revenue collection target. Sa datos ng BOC Financial Service Office, lumalabas na umabot na sa P745.50 billion – o labis ng P23.98 billion (katumbas ng 3.27% surplus) ang kabuuang kita ng ahensya mula sa buwis at taripang kalakip ng mga pumasok at lumabas na kargamento mula Enero hanggang Nobyembre 11 ng kasalukuyang taon. Base sa talaan ng nasabing tanggapan, wala maski isa sa 17 district collection offices sa ilalim…
Read MoreINGAT KONTRA BUDOL
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL. O. AMONGO HINDI pinupulot ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang pera sa ibang bansa. Higit pa sa dugo’t pawis ang kapalit ng bawat rial, dinar o dolyares na kinikita nila. Peligro kontra abusadong amo, pangungulila, at matinding kalungkutan – ilan lang yan sa kanilang dinaranas nila sa hangaring maiahon sa kahirapan ang kani-kanilang pamilya rito sa Pilipinas. Kaya naman higit na kailangang pahalagahan ang kanilang salaping pinaghihirapang kitain sa ibayong dagat. Ito rin marahil ang basehan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa kanyang panawagan…
Read MoreCOVID-19 NAGIGING ENDEMIC NA – EXPERT
NAGIGING endemic na ang COVID-19 at ang sirkulasyon nito ay maihahalintulad sa sipon na hindi na tuluyang mawawala pa. Pahayag ito ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana. Inamin ni Salvana sa Laging Handa public briefing na hindi na sila masyadong nakatutok pa sa bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19, sa halip ay mas pokus sila sa estado ng health care system. Anoman aniya ang numerong lumabas na may kaugnayan sa bilang ng nagkaka-COVID, ang mahalaga aniya ay mild lang ang mga ito at hindi makapagbibigay ng problema sa…
Read MorePAGBABA NG POVERTY RATE TARGET NG BBM ADMIN SA 2028
POSITIBO ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bababa ang poverty rate ng bansa sa siyam na porsyento pagsapit ng 2028. Kumpiyansa si Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na maaabot ang naturang target sa kabila ng mga hamon kabilang ang mabilis na inflation rate. Magiging posible aniya ito sa pamamagitan ng paglikha ng maayos at de kalidad na trabaho at pagsasaayos sa social protection system at iba pa. “But associated with that would be the generation of not just more jobs but higher quality jobs. And those two, growths…
Read MoreSEN. IMEE NAMAHAGI NG P6M AICS SA ‘PAENG’ VICTIMS
NAMAHAGI si Sen. Imee Marcos ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at nutribun sa Misamis Oriental sa mga biktima ng Bagyong Paeng noong Linggo, Nobyembre 13, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba, namahagi si Senador Marcos ng ayudang tig-P3,000 sa 2,000 benepisyaryo sa Cagayan De Oro City at sa munisipyo ng Tagoloan na nagkakahalaga ng kabuuang P6M mula sa DSWD. Namigay rin siya ng mga nutribun, mainit na champorado at mga laruan para sa 200 bata sa CDO at Tagoloan. Samantala, nag-donate…
Read MoreHindi lang drug test MENTAL HEALTH TEST DIN SA MGA ATLETA
PARA sa proteksyon ng mga kalahok at manonood ng mga liga, ipinanukala ng dating basketbolista at coach na si Quezon City Rep. Franz Pumaren na isailalim sa mental at physical test ang mga manlalaro. Sa kanyang privilege speech kasunod ng pagwawala at pananakit ng player ng Jose Rizal University Heavy Bombers na si John Amores, sinabi ng mambabatas na panahon na para isailalim ang mga player sa nasabing pagsusuri bago paglaruin sa anomang liga. “Huwag na natin antayin pa na mangyari ito sa ibang liga. Dapat ang bawat miyembro din…
Read More