3 PULIS NAAKTUHANG NATUTULOG SA DUTY

TATLONG tauhan ng Lawton Police Community Precinct ang naaktuhan ni Manila Police District Director P/Brigadier General Andre Perez Dizon, habang natutulog sa loob ng PCP sa sorpresang pagbisita ng opisyal noong Martes ng madaling araw. Hindi naman sinibak o sinuspinde sa tungkulin ang tatlong pulis na nakatalaga sa Lawton Police Community Precinct sakop ng MPD- Ermita Police Station, dahil naunawaan naman ng heneral ang magiging kalagayan ng mga ito, kaya inilipat na lamang sa ibang presinto. Ayon sa ulat ni Police Major Philipp Ines, hepe ng Public Information Office (PIO), ang dalawang may…

Read More

6 HOLDAPER, PULIS AT SIBILYAN PATAY SA ROBBERY SA COTABATO

pulis

NASAWI ang walong indibidwal kabilang ang anim na holdaper nang mauwi sa engkwentro ang kanilang pag-atake sa isang bakeshop sa lalawigan ng Cotabato. Sa ulat na ibinahagi ni M’lang Chief of Police Lieutenant Colonel Realan Mamon, hinoldap ng walong suspek ang Regz and Kirks Bakeshop sa Barangay Bagontapay sa bayan ng M’lang. Subalit may mga kostumer ang nagtangkang manlaban nang simulang limasin ng mga suspek ang kanilang mga salapi at ari-arian na nauwi sa pamamaril ng mga suspek. Nagawa ring agad makahingi ng tulong sa pulisya ng mga nakarinig sa…

Read More

AKSIDENTENG NABARIL, PULIS PATAY SA KABARO

LAGUNA – Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang kasamahang pulis sa loob ng barangay hall sa Brgy. 1-B, San Pablo City nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ang biktimang si P/Cpl. Fhrank Aldene Dela Cruz, 30-anyos, tubong Alicia, Isabela, at nakatalaga sa SWAT unit ng San Pablo City Police Station. Ayon sa report ng San Pablo City Police, naglilinis ng kanilang baril ang biktima at mga kasamahan nito nang aksidente pumutok ang isa sa service fire arms ng grupo dakong alas-8:30 ng umaga. Lumabas sa imbestigasyon, naghahanda ang mga pulis…

Read More

LEDESMA ITINALAGA NI PBBM BILANG ACTING PREXY AT CEO NG PHILHEALTH

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si  Emmanuel Rufino Ledesma Jr. bilang acting president at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Nanumpa si Ledesma sa kanyang tungkulin ngayong Huwebes. Si Ledesma ay isa ring miyembro ng expert panel at board of directors. Nagsilbi rin siya bilang pangulo at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation. (CHRISTIAN DALE) 219

Read More

2 PATAY SA COVID SA VALENZUELA

DALAWA ang patay sa pandemya at lagpas doble ang idinami ng active COVID-19 cases sa Valenzuela City sa loob ng siyam na araw. Ayon sa City Epidemiology ang Surveillance Unit (CESU), mula sa bilang na 988 ng 11:59 ng gabi noong Nobyembre 14, umakyat sa 990 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID sa lungsod hanggang 11:59 ng gabi noong Nobyembre 23. Mula naman sa 50 ay sumipa sa 101 ang active COVID cases sa siyudad. Dagdag pa ng CESU, mula sa 47,661 ay sumirit ang cumulative confirmed cases…

Read More

DUMUKOT SA KABABAYAN, 2 VIETNAMESE NABITAG

ARESTADO ng mga operatiba ng Anti-Kidnapping Group ang dalawang Vietnamese national na dumukot sa isa nilang kababayan kapalit ng P1 milyon ransom. Unang nadakip sa follow-up operation ng mga operatiba ng AKG noong Nobyembre 17, 2022 si Minh Viet Phan, 29, sa kanyang condominium unit, habang si Chi Trung Nguyen, 27, ay naaresto ng mga awtoridad noong Nobyembre 18, 2022 sa isang KTV Bar sa Parañaque City matapos mailigtas ang dinukot na babaeng Vietnamese sa Antipolo City. Nauna rito, huling nakita ang biktima sa isang restaurant noong Oktubre 29 at…

Read More