2 PATAY SA COVID SA VALENZUELA

DALAWA ang patay sa pandemya at lagpas doble ang idinami ng active COVID-19 cases sa Valenzuela City sa loob ng siyam na araw.

Ayon sa City Epidemiology ang Surveillance Unit (CESU), mula sa bilang na 988 ng 11:59 ng gabi noong Nobyembre 14, umakyat sa 990 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID sa lungsod hanggang 11:59 ng gabi noong Nobyembre 23.

Mula naman sa 50 ay sumipa sa 101 ang active COVID cases sa siyudad.

Dagdag pa ng CESU, mula sa 47,661 ay sumirit ang cumulative confirmed cases sa lungsod sa 47,794, habang pumanhik sa 46,703 ang mga nakarekober mula sa dating 46,623.

Bunsod nito, sa palagay ng maraming residente, epekto ang muling pagdami ng mga nahahawaan ng pagluluwag ng pambansang pamahalaan sa COVID restrictions gaya ng pagdedeklarang optional na ang pagsusuot ng face mask.

Bukod dito, malaking dagok umano sa laban sa pandemya ang kawalan ng pakialam o pagiging “wapakels” ng marami sa COVID vaccine at booster doses sa kabila na malimit at masigasig ang panghihikayat ng pamahalaang lungsod na magpabakuna.

Ito umano ay dulot ng pagiging kampante dahil sa maling paniniwala na tapos na ang problema sa COVID-19. (ALAIN AJERO)

289

Related posts

Leave a Comment