15K KAPALIT NG PERWISYO SA OIL SPILL SA OR MINDORO

PINAPIRMA ng waiver ang mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28, na nagsasaad na hindi nila idedemanda ang may-ari ng MT Princess Empress kapalit ng P15,000. Sa joint hearing ng House committee on ecology at committee on environment and natural resources isiniwalat ni ACT party-list Rep. France Castro ang nasabing waiver na itinanggi naman ng may-ari ng tanker. “Nagpapapirma raw sa probinsya na hindi maintindihan ng mga tao ‘yung mga pinipirmahan. Pero ang malinaw doon na ni-report sa amin ay meron daw doong waiver na…

Read More

KILLER NG RESORT CARETAKER SA QUEZON NATIMBOG

QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa babaeng caretaker ng Beneraza Resort sa Brgy. Guisguis, Talon sa bayan ng Sariaya sa lalawigan. Ayon kay Lt. Col. Rommel Sobrido, hepe ng Sariaya PNP,  naaresto sa follow-up operation kahapon ang suspek na si RV Joy Flores Paderon alyas “Tek,” 24, miyembro umano ng notorious na Paderon drug group. Ayon pa kay Sobrido, usapin sa illegal drugs at paghihiganti ang motibo ng pamamaril sa biktima. Ang asawa ng biktima na dating asset ng pulisya, ang siyang talagang target ng mga suspek dahil…

Read More

P340K SHABU NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Mahigit sa P300K halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Imus City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Luisito Dominguez y Malinis, 56, at Marjay Dominguez y Espiritu, 33-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa Brgy. Palico IV, Imus City at nakumpiska ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o…

Read More

NAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN

UMAABOT sa 44 na dati umanong miyembro ng CPP-NPA-NDF ang nagbalik-loob sa pamahalaan kabilang ang 27 na tumalikod mula sa grupo ng Communist Front Group (CFO). Labing pito sa mga ito ay active members umano ng Communist Terrorist Group (CTG). Iprinisinta ang mga ito sa seremonya sa Hinirang Hall sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ni NCRPO Chief PMGEN Edgar Allan Okubo, kasama sina Mayor Francis Zamora, presidente ng Metro Manila Council at PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz. (DANNY BACOLOD) 100

Read More

97 DETAINEES SA NBI IBIBIYAHE SA BILIBID

INIULAT ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) na 97 detainees ang kinakailangang ilipat sa Bureau of Corrections sa Muntinlupa City. Ito ay upang bigyang daan ang gagawing paggiba sa lumang gusali ng NBI. Ayon sa ulat, 50 taon nang nakatindig ang gusali at kinakailangan itong gawing 12 palapag na may rooftop at may sukat na 49.64 sq. meters ang lawak. Samantala, naging matagumpay ang idinaos na groundbreaking ceremony sa bakuran ng NBI sa Taft Avenue, Ermita, Manila nitong Martes ng umaga. Pinangunahan ito ni NBI Director Medardo de Lemos…

Read More

OFWs SINERMUNAN NI OWWA CHIEF ARNEL IGNACIO

RAPIDO NI TULFO NAKATIKIM ng sermon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio ang mga kababayan nating Pinoy na nasa ibang bansa. Ayon sa isang post ni Ignacio, marami sa OFWs, lalo na ang nasa Middle East, ang gumagawa ng kalokohan kahit alam nilang bawal. Ilan umano sa mga OFW ay “curious” kung ano ang nasa border kaya pinipilit na lumipat ng border kahit na alam nilang bawal at ang pagpapabuntis ng mga Pinay sa mga bansang “haram” o ipinagbabawal ang ganitong gawain. Ang ikinaiinis ni Ignacio ay…

Read More

NERI GARCIA: EMPLEYADO NOON, AMO NGAYON

Bizzness Corner ALAM naman natin na malaki ang ambag ng transportation industry sa ekonomiya, dahil dito ang lahat ng trabahador, mag-aaral at iyong ibang pribadong mga tao ay nakararating nang maayos sa kani-kanilang destination. Ngunit ano nga ba ang nagtulak kay Ms. Neria Garcia upang pasukin ang transportation industry? Si Ms. Neria Garcia ay isang transport employee, sa kanyang pagtatrabaho sa industriya ay nakita niya ang hirap ng mga jeepney, bus at taxi drivers at ang araw araw na pinagdadaanan ng mga pasahero. Ito ang naging inspirasyon upang pasukin niya ang ganitong larangan ng negosyo upang makapagsilbi sa mamamayan sa industriya ng pampublikong transportasyon.  Ito ay ang Premium Taxi, isang pampublikong sasakyan na mini van na may kapasidad na magsakay ng 7 katao.   Ito ay itinatag niya lamang noong…

Read More

ANG IBA’T IBANG PROYEKTO NINA COUN. DOK G. LUMBAD AT REP. AMBEN AMANTE

TARGET NI KA REX CAYANONG MATAGAL ko nang kilala itong si Dra. Geleen “Dok G” Lumbad, councilor ng 3rd District ng Quezon City. Kaliwa’t kanan ang mga proyekto niya sa kanyang distrito. Kamakailan nga, kasama ang #TeamDOKG, binisita ni Lumbad ang Brgy. Pansol-Kaingin 1 Area para mamahagi ng buwanang supply ng libreng vitamins at maintenance sa mga residente. “Hindi po tumitigil ang aming #GamotAyLibre Program. Abangan lamang po ang aming pagpunta sa inyong lugar. Ingatan at palagi din pong bitbitin ang inyong DOK G Card sa pag-claim ng mga libreng gamot,”…

Read More

SILENT EPIDEMIC

ISANG ngipin lang ang sumakit, buong katawan lumalangitngit. Salawikain lang ito ngunit ipinakikita kung ano ang epekto ng sumasakit na ngipin sa kalusugan ng tao. Kaya dapat seryosohin ang pahayag ng Department of Health na 73 milyong Pilipino ang may sirang ngipin. Pinakamarami sa mga sira ang ngipin ay mga kabataan. Ayon kay Dr. Manuel Vallesteros, Chief ng Child Adolescent and Maternal Health Division, Disease Prevention and Control Bureau, ng DOH, 50% sa naturang bilang ang may sakit sa gilagid, 40% naman ang hindi pa nakapagpatingin o nakapagpa-check-up sa dentista…

Read More