POLPhil: Malawak na Pagkakaisa ng mga Stakeholder sa Peacebuilding Susi sa Pangmatagalang Kapayapaan

HINIMOK ng grupong Political Officers League of the Philippines (POLPhil) ang mga progresibong organisasyong masa na magsama-sama at lumikha ng adyenda ng bayan para sa ganap at tunay na kapayapaan na mapapakinabangan ng bawat tao at ng susunod na henerasyon. Ayon kay Noel Medina, POLPhil NCR Vice President: hindi namin tinutuligsa ang pagsisikap ng opisyal ng pamahalaan at kinatawan ng National Democratic Front sa hangarin pagbubukas ng usapang pangkayapaan. hangad namin na makalahok ang malawak na mamamayan sa usapang pangkapayapaan na siyang pangunahing apektado ng armadong tunggalian. Sa armadong tunggalian…

Read More

SUSPEK SA MSU BOMBING NABITAG NG MILITAR

KASALUKUYANG bineberipika ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ‘affiliation’ o koneksyon sa Daulah Islamiyah-Maute terror group ng nahuli nilang suspek sa pagpapasabog sa loob ng gym ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City. Nilinaw kahapon ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, hindi pa nila tukoy kung saang grupo kabilang ang inarestong si Jafar Gamo Sultan, alyas “Jaf” at “Kurot”. Sinasabing si Sultan ay kasabwat umano ng isang alyas “Omar” na taong tinukoy ng mga testigo na nagdala ng improvised explosive device sa Dimaporo Gymnasium.…

Read More

141 PDLs PINALAYA SA MANILA CITY JAIL

PRESO-2

MAAGANG pamaskong handog ng pamunuan ng Manila City Jail ang pagpapalaya sa 141 persons deprived of liberty (PDLs) nitong Biyernes ng hapon. Ayon kay Jail Supt. Lino Soriano, warden ng Manila City Jail Male Dormitory, bandang alas-2:00 ngayong hapon ay sabay-sabay na pinalaya ang mga inmate bilang bahagi ng kanilang “Project Layang Inaasam sa Napapanahong Okasyon” na naglalayong ma-decongest o mabawasan ang mga nakapiit sa kulungan, bilang maagang pamasko, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Birheng Immaculada Concepcion. Ayon kay Supt. Soriano, kabilang sa mga pinalaya ay dahil sa Good…

Read More

RIDER SUMALPOK SA PADER, PATAY

CAVITE – Patay ang driver ng isang motorsiklo habang sugatan ang angkas nito nang bumangga sa kongkretong pader ng isang gusali sa bayan ng Tanza, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Isinugod sa Tanza Specialist Medical Center ang biktimang si alyas “Jordan”, 20, driver ng motorsiklo, ngunit nalagutan ng hininga dahil sa grabeng pinsala sa katawan, habang nilalapatan ng lunas ang angkas nitong si alyas “Jerwin”, 25-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Barangay Amaya 3, Tanza, Cavite. Patungo ang motorsiklo…

Read More

2 RIDER KAPWA PATAY SA BANGGAAN

BATANGAS – Patay ang dalawang lalaking rider nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa national highway sa bayan ng Lemery, sa lalawigang ito noong Huwebes ng gabi. Kapwa ideklarang dead on arrival sa ospital sina Ronnel Catenio, 36, at at Kevin De Castro, 29, parehong ng bayan ng Lemery. Batay sa report ng Lemery Police, magkasalubong na tumatakbo ang dalawa sa Ramon Diokno Highway ngunit pagsapit sa Barangay Payapa Ibaba ay nagkasabitan ang mga ito dakong alas-10:25 ng gabi. Lumabas sa imbestigasyon na medyo nasakop umano ng motorsiklo ni Catenio ang…

Read More

2 KOREANO NATAGPUANG PATAY SA SAUNA ROOM

BATANGAS – Wala nang buhay ang dalawa sa tatlong lalaking Korean national nang matagpuan sa sauna room ng isang resort sa bayan ng Mabini sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw. Ayon sa inisyal na report ng Mabini Police, ang tatlong Korean ay guest sa Sea Spring Resort sa Brgy. Mainit, Mabini. Kinilala ang dalawang namatay na sina Sun Tae Kim, 67, at Yun Seok Seo, 63-anyos. Lumalabas sa imbestigasyon, pawang lasing ang tatlong Korean nang pumasok ang mga ito sa sauna room ng resort. Makaraan ang ilang oras…

Read More

NAG-AGAWAN SA BARIL, TULAK PATAY SA PARAK

CAVITE – Patay ang isang 28-anyos na lalaki na may kasong ilegal na droga, nang tamaan ng bala habang nakikipag-agawan sa baril ng isang pulis nang pumalag habang sinisilbihan ng arrest warrant sa Bacoor City noong Huwebes ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Randy”, residente ng Brgy. Talaba 6, Bacoor City, Cavite Ayon sa ulat ni Police Staff Master Sergeant Roberto Lacasa ng Bacoor City Police, dakong ala-1:30 ng hapon, nagtungo ang mga operatiba ng Warrant Section ng Bacoor Component City Police Station, sa Bagong Kalsada, Brgy. Zapote…

Read More