2 KOREANO NATAGPUANG PATAY SA SAUNA ROOM

BATANGAS – Wala nang buhay ang dalawa sa tatlong lalaking Korean national nang matagpuan sa sauna room ng isang resort sa bayan ng Mabini sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na report ng Mabini Police, ang tatlong Korean ay guest sa Sea Spring Resort sa Brgy. Mainit, Mabini.

Kinilala ang dalawang namatay na sina Sun Tae Kim, 67, at Yun Seok Seo, 63-anyos.

Lumalabas sa imbestigasyon, pawang lasing ang tatlong Korean nang pumasok ang mga ito sa sauna room ng resort.

Makaraan ang ilang oras ay hindi pa lumalabas ang mga biktima dahilan upang mag-check ang mga attendant at nakitang walang malay na nakahandusay sa sahig ang tatlo dakong alas-3:00 ng madaling araw.
Agad isinugod ang mga ito sa St. Camilus Hospital sa Mabini subalit binawian na ng buhay ang dalawa.

Nilalapatan naman ng lunas ang ang ikatlong biktima na si Hak Neung Kim, 59-anyos.

Ayon sa inisyal na findings ng mga awtoridad, ‘suffocation’ ang ikinamatay ng dalawa sa mga biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung paano na-suffocate ang mga ito sa nasabing sauna room.

(NILOU DEL CARMEN)

85

Related posts

Leave a Comment