2 RIDER KAPWA PATAY SA BANGGAAN

BATANGAS – Patay ang dalawang lalaking rider nang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa national highway sa bayan ng Lemery, sa lalawigang ito noong Huwebes ng gabi.

Kapwa ideklarang dead on arrival sa ospital sina Ronnel Catenio, 36, at at Kevin De Castro, 29, parehong ng bayan ng Lemery.

Batay sa report ng Lemery Police, magkasalubong na tumatakbo ang dalawa sa Ramon Diokno Highway ngunit pagsapit sa Barangay Payapa Ibaba ay nagkasabitan ang mga ito dakong alas-10:25 ng gabi.

Lumabas sa imbestigasyon na medyo nasakop umano ng motorsiklo ni Catenio ang linya ni De Castro kaya nagkasalpukan.

Ngunit ayon sa imbestigador, napag-alaman na walang headlight ang motorsiklo ni De Castro kaya posibleng hindi agad ito napansin ng kasalubong.

Sa lakas ng impact, parehas na dumanas ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang dalawa at parehong hindi na umabot nang buhay sa ospital.

(NILOU DEL CARMEN)

75

Related posts

Leave a Comment