141 PDLs PINALAYA SA MANILA CITY JAIL

PRESO-2

MAAGANG pamaskong handog ng pamunuan ng Manila City Jail ang pagpapalaya sa 141 persons deprived of liberty (PDLs) nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Jail Supt. Lino Soriano, warden ng Manila City Jail Male Dormitory, bandang alas-2:00 ngayong hapon ay sabay-sabay na pinalaya ang mga inmate bilang bahagi ng kanilang “Project Layang Inaasam sa Napapanahong Okasyon” na naglalayong ma-decongest o mabawasan ang mga nakapiit sa kulungan, bilang maagang pamasko, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Birheng Immaculada Concepcion.

Ayon kay Supt. Soriano, kabilang sa mga pinalaya ay dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), Time Allowance for Study, Teaching, and Mentoring (TASTM), mga nadismis ang kaso at mga napagsilbihan na ang sentensya.

May kaugnayan din ang pagpapalayang ito sa idinaos na National Jail Decongestion Summit na naglalayong maresolba ang problema sa sobra-sobra at nagsisiksikang inmates sa mga kulungan sa bansa.

(RENE CRISOSTOMO)

127

Related posts

Leave a Comment