RIDER SUMALPOK SA PADER, PATAY

CAVITE – Patay ang driver ng isang motorsiklo habang sugatan ang angkas nito nang bumangga sa kongkretong pader ng isang gusali sa bayan ng Tanza, sa lalawigang ito, noong Huwebes ng madaling araw.

Isinugod sa Tanza Specialist Medical Center ang biktimang si alyas “Jordan”, 20, driver ng motorsiklo, ngunit nalagutan ng hininga dahil sa grabeng pinsala sa katawan, habang nilalapatan ng lunas ang angkas nitong si alyas “Jerwin”, 25-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa Barangay Amaya 3, Tanza, Cavite.

Patungo ang motorsiklo ng mga biktima sa direksiyon ng Naic ngunit pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay bumangga ito sa isang kongkretong pader ng CDC Building.

Kapwa isinugod ang dalawa sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay si alyas “Jordan”.

(SIGFRED ADSUARA)

74

Related posts

Leave a Comment