BOC MULING NAGLABAS NG SCAM ALERT

MULING nagpalabas ng paalala ang Bureau of Customs sa publiko na maging mapagmatyag laban sa online scammers sa nalalapit na pagpasok ng Kapaskuhan ngayong taon. Upang mapatunayang hindi peke ang mga resibo, alamin ang tracking numbers ng mga bagahe at iba pang mga dokumento sa pamamagitan ng BOC o ang nominated courier: https://parceltracking.customs.gov.ph/kiosk.php Verify if the named courier is in the list of DTI’s Accredited Courier/Seafreight Forwarders: https://www.dti.gov.ph/…/accredited-seafreight-forwarders/ TO REPORT: Kindly coordinate with the following agencies: PNP’s Anti-Crime Group OFFICE ADDRESS: Anti-Cybercrime Group Building Col. Lagman St., Bagong Lipunan Camp…

Read More

P67-M SHABU NASABAT SA PAIRCARGO WAREHOUSE

UMABOT sa halagang P67,306,400 ang 9,898 grams ng umano’y shabu sa isang parcel, na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), sa Paircargo Warehouse, Pasay City. Ang shipment na idineklara bilang “bearings” na nagmula sa Mozambique, Southeastern Africa via Hong Kong sa pamamagitan ng Ethiopian Airlines flight number ET644, ay dumating sa bansa noong Disyembre 2, 2023. Ang nasabing parcel ay isinailalim sa mahigpit na profiling, X-ray…

Read More

P75-B NOV. 2023 COLLECTION NG BOC, LAGPAS SA MONTHLY TARGET

NAKAPAGTALA ng P75.338 bilyon para sa buwan ng Nobyembre 2023, ang Bureau of Customs (BOC) na lagpas sa kanilang monthly collection target. Ang nasabing pagtugon sa itinalagang target para sa buwan sa pamamagitan ng 1.5%, ay kumakatawan sa revenue surplus na P1.089 billion base sa initial report mula sa BOC’s Financial Service. Mula Enero hanggang Nobyembre 2023, ang BOC ay nakalagpas sa kanilang revenue goal, na umabot sa halagang P813.651 bilyon na nalagpasan ang kanilang target na P795.966 bilyon sa pamamagitan ng 2.2%, o katumbas na P17.685 bil­yon. Ang overall…

Read More

PATAS AT MAKATWIRANG SINGIL SA KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SA kabila ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at singil sa pangunahing mga serbisyo, hindi maiwasang mainis ang mga konsyumer na kagaya natin. Imbes kasi na nakakapagtabi ng pera para sa kakailanganin sa hinaharap, napupunta ang ating buwanang budget sa mga bayarin. Kaya nga kahit papaano, magandang balita ang kakaanunsyo lamang na pagbagal ng inflation — o ‘yung rate ng pagtaas ng mga presyo ng produkto at serbisyo sa bansa. Mula sa 4.9 na porsyento noong Oktubre, nasa 4.1 porsyento na ito…

Read More

BI JAIL WARDEN SIBAKIN!

BISTADOR ni RUDY SIM KAMAKAILAN lamang ay pinadalhan tayo ng isang concerned citizen ng isang larawang nagpapatunay na nagkakaroon ng korupsyon at katiwalian sa BI jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kung saan ay nakapiit dito ang mga dayuhan habang hinihintay ang kanilang deportation. Inilarawan ng mga kaanak ng mga nakapiit dito ang kalupitan sa ilalim ng pamamahala ng jail warden na si Leander Catalo, na umano’y katulad sa naranasan noon ng mga Jews sa kasamaan ni Adolf Hitler, sa isang concentration camp. Mula sa pagkaing isinisilbi ng jail…

Read More

SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AT AYUDA SA MGA MANGINGISDA SA CAMARINES NORTE

TARGET ni KA REX CAYANONG NAGLALARO sa puso ng mamamayan ng Camarines Norte, lalo na sa mga bayan ng Basud at Paracale, ang kagalakan at pagmamalaki dahil sa tagumpay na tinamasa ng kanilang lokal na pamahalaan. Ang pagkakamit ng 2023 Seal of Good Local Governance ay hindi lamang tagumpay para sa kanilang mga lider, kundi para sa lahat ng mamamayan na nag-aambag sa pag-usbong at tagumpay ng kanilang komunidad. Sa kabuuang 493 Local Government Units (LGU) na iginawad ang prestihiyosong parangal na ito, lalong nagiging kakaiba at espesyal ang pag-angat…

Read More

HEART ATTACK IKINAMATAY NG 2 KOREANO SA SAUNA

BATANGAS – Heart attack at hindi suffocation ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang Koreano noong Huwebes sa Sea Spring Resort, Brgy. Mainit, sa bayan ng Mabini sa lalawigan. Ayon kay Major Arwin Baby Caimbon, Mabini chief of police, base sa mga doktor na tumingin sa dalawang Koreano, “acute myocardial infarction (heart attack) secondary to heat stroke” ang ikinamatay ng dalawang turista taliwas sa unang report na umano’y dahil sa suffocation. Matatandaan noong Huwebes, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang matagpuan sina Sun Tae Kim, Yun Seok Seo at Hak…

Read More

2 PATAY SA MOTORCYCLE CRASH SA BATANGAS

BATANGAS – Patay ang isang pulis at ang isa pang rider sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa mga bayan ng Taal at Calaca sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi. Dead on arrival sa ospital ang pulis na kinilalang si PCMS Simeon De Leon, nakatalaga sa Taal Municipal Police Station, matapos makasalpukan ng kanyang motorsiklo ang kasalubong na isa ring motorsiklo na minamaneho ng 27-anyos na si Jeremy Agno, sa national road sa Brgy. Tulo, Taal dakong alas-6:40 ng gabi. Parehong isinugod sa Batangas Provincial Hospital sa Lemery…

Read More

BATA PATAY SA NALULON NA GUMMY BALL CANDY

ANTIQUE – Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos mabulunan ng gummy ball candy sa Barangay Poblacion, sa bayan ng San Remigio sa lalawigan. Ayon sa tiyahin ng biktimang si “Tristan”, nagpabili ito ng gummy ball candy sa kanyang inang si “Ara” sa tindahan. Nang makabili ang nanay, agad kinain ng bata ang candy subalit laking gulat ng ina nang makita itong nahihirapan sa paghinga makaraan ang ilang sandali. Hindi sinasadyang nalulon pala nito nang buo ang bilog na candy. Agad itong isinugod ng mga kaanak sa ospital at…

Read More