HEART ATTACK IKINAMATAY NG 2 KOREANO SA SAUNA

BATANGAS – Heart attack at hindi suffocation ang naging sanhi ng pagkamatay ng dalawang Koreano noong Huwebes sa Sea Spring Resort, Brgy. Mainit, sa bayan ng Mabini sa lalawigan.

Ayon kay Major Arwin Baby Caimbon, Mabini chief of police, base sa mga doktor na tumingin sa dalawang Koreano, “acute myocardial infarction (heart attack) secondary to heat stroke” ang ikinamatay ng dalawang turista taliwas sa unang report na umano’y dahil sa suffocation.

Matatandaan noong Huwebes, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang matagpuan sina Sun Tae Kim, Yun Seok Seo at Hak Neung Kim na pawang nakahandusay sa sahig ng sauna room ng resort.

Kagagaling lang sa outdoor adventure ng mga biktima nang magdesisyong magtungo sa sauna room pagbalik ng mga ito sa resort pasado alas-dose ng gabi.

Mabilis namang isinugod sa ospital ang tatlo ngunit idineklarang patay na sina Sun Tae Kim at Yun Seok Seo, habang nagpapagaling na si Hak Neung Kim.

(NILOU DEL CARMEN)

101

Related posts

Leave a Comment