May kakayahang magpondo – Kabataan CHA-CHA PAKANA NI MARCOS JR.

(BERNARD TAGUINOD) PINANGALANAN ng grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nasa likod ng Charter change (Cha-cha) na bagama’t economic provisions lang ang ipinalabas na aamyendahan ay posibleng galawin maging ang political provisions para sa term extension ng mga politiko. Ginawa ni Kabataan party-list executive vice president Louise Co ang pahayag matapos kumpirmahin ni Albay Rep. Joey Salceda ang isiniwalat ng mga ito na timeline sa Cha-cha sa pamamagitan ng People’s Initiative. “Mula sa pagkumpirma sa timeline, lumilitaw na marching order galing sa…

Read More

DOH HUB IKAKALAT

IKAKALAT ng Department of Health (DoH) ang 28 primary care facility para may access ang publiko sa serbisyong-pangkalusugan sa buong bansa. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, tatawaging National Ambulatory and Urgent Care Facility ang health hub na ito na ikakalat sa mga estratehikong bahagi ng bansa upang maabot ang mga komunidad na kulang sa mga ospital. Ang ideya na ito ay para i-decongest ang mga regional na ospital kung saan may mahabang pila ng mga pasyente. Marami ang nagrereklamo na ang mga ospital na ito ay nag-aalok ng kumpletong…

Read More

LIBONG DEBOTO NAKIISA SA PISTA NG STO. NIÑO

LIBU-LIBONG deboto ang lumahok sa mga aktibidad kaugnay sa kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila kahapon. Nagsimula ang prusisyon bandang alas-4 ng madaling araw na umikot sa ilang lugar sa Tondo. Sa datos ng Manila Police District (MPD), umaabot sa higit 6,000 ang nakiisa sa prusisyon at walang naitalang anomang hindi inaasahang insidente. Umaabot naman sa halos 20,000 ang nakiisa sa taunang “Lakbayaw Festival” habang marami rin ang dumalo sa ginanap na “Pailaw.” Samantala, nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa…

Read More

Traffic sa Manila ‘bullshit’ – Coldplay BONGBONG HARAPANG HINIYA

MISTULANG ipinahiya ng British rock band na Coldplay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang punahin nito ang perwisyong traffic sa Maynila. Sa halip makisimpatiya kay Marcos at kondenahin ang grupo, inayunan ng mga nanood ng concert at maging ng mga netizen ang pahayag ng frontman ng foreign band na si Chris Martin. Kinampihan din ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang pahayag ni Martin hinggil sa trapik. “Thank you so much to all of you for coming through the traffic…holy sh*t.”Natatawang sabi ni Martin na sinundan ng “I think we’ve…

Read More

PINOY GINAGASTUSAN LUHO NG PAMILYA MARCOS

HINDI makatarungan na ang mga Pilipino ang gumagastos sa luho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at pamilya nito lalo na’t marami ang naghihirap at sumasala sa pagkain. Reaksyon ito ni ACT party-list Rep. France Castro kaugnay ng paggamit ni Marcos ng chopper nang manood ito kasama ang pamilya sa concert ng British rock band na Coldplay sa Philippine Arena noong Biyernes. “Naku masyadong luxurious, dahil personal namang kapritso yan dapat gumamit na lang sila ng sariling sasakyan at naranasan din nila ang [dinanas] ng mga nagtungo sa concert,” pahayag…

Read More

4 SBMA CHAIRMAN/ADMINISTRATORS SA LOOB NG 2 TAON LANG

ITO ANG TOTOO ni VIC V. VIZCOCHO, JR. PORMAL na uupo ngayong araw bilang bagong Chairman at Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) ang negosyanteng si Eduardo Jose L. Aliño. Ito Ang Totoo: Si Aliño na ang ika-apat na Chairman/Administrator ng SBMA/SBFZ sa loob lamang ng dalawampu’t-dalawang buwan (22) o kulang dalawang taon. Noong March 2, 2022 pinalitan ni noo’y Pangulo ng bansa Rodrigo Duterte ang kanyang appointee na si Wilma T. Eisma, isang abogadang taga-Olongapo, ng dating Olongapo City Mayor na si…

Read More

PATULOY NA PAGHAHANDA SA EPEKTO NG EL NIÑO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO NAITALA kamakailan ng Metro Manila ang pinakamababang temperatura na 20.1°C, at mas mababa pa ito sa ibang bahagi ng bansa kagaya ng Baguio na dinarayo talaga ng mga gustong makaranas ng malamig na klima. Dahil na rin sa malamig na panahon na bunsod ng amihan, hindi masyadong pansin ang nararanasang El Niño na nagsimula bandang Hulyo pa noong nakaraang taon. Ayon sa mga eksperto, maaaring tumagal pa ito hanggang buwan ng Mayo. Bagama’t nag e-enjoy pa sa ngayon, kailangan pa ring maging handa ang lahat…

Read More

MANHID TALAGA ANG MGA MARCOS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO KINUYOG ng batikos ang pagsakay sa helicopter ni President Ferdinand Marcos Jr. nang manood siya ng “Music of the Spheres” concert ng Coldplay sa Bulacan nitong Biyernes, Enero 19. Patutsada ng ilang netizen, tinalbugan ng “chopper ride” ang concert. Mas pinag-uusapan ang pagsakay kaysa Music of the Spheres. Sa post naman ng isang transport group sa Facebook page nito, dumalo si Marcos sa concert ng Coldplay na 32 kilometro lamang ang distansya mula sa Malacañang sakay ng helicopter. Si Marcos na nagtutulak ng phase-out ng mga…

Read More

PAGLILINAW NI CONG. ERWIN TULFO UKOL SA PEOPLE’S INITIATIVE

TARGET ni KA REX CAYANONG SA gitna ng maingay na usapin ukol sa people’s initiative para sa pagbabago ng ilang probisyon sa Saligang Batas, kailangan nating maging mapanuri at magsilbing bantayog ng katotohanan. Nilinaw naman ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na wala itong kinalaman sa anomang direktiba mula sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ayon sa kanya, hindi ang pera ng taumbayan ang ginagamit para sa kampanya. Ngunit, bagama’t may paliwanag dito si Cong. Tulfo, hindi maikakaila ang pangambang ipinaabot ni Vice President Sara Duterte hinggil sa…

Read More