WALANG MALUSUTAN SA TRAFFIC PERO LTO AT LTFRB PURO PALUSOT

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SINAGASAAN ng mga batikos si Department of Transportation (DOTr) Command and Control Operations Center chief Charlie Del Rosario sa ginawa nitong paghikayat sa publiko na gumamit ng mass transportation para lumuwag ang daloy ng trapiko. Kailangan daw ng paradigm shift, o yaong pagbabago ng kaisipan na imbes na gumamit ng pribadong sasakyan ay mass transportation na lang. Banat ng isang netizen, matagal nang gumagamit ng mass transport ang publiko. Hindi sila ang problema, at ang problema sa trapiko ay bunsod ng hindi pagbibigay ng prayoridad sa…

Read More

EXTORTIONIST SA VCD, KINAMPIHAN NI REMULLA?

BISTADOR ni RUDY SIM DISMAYADO ang maraming mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa mistulang pulitika na naman na nangyayari muli ngayon sa ahensya makaraang sumasawsaw ang Senado sa sinasabing katiwalian sa mga nakalusot na 9g commercial visa ng Chinese nationals na pawang peke umano ang mga kompanyang ginamit. Matatandaang mismong si Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang nagsiwalat noong nakaraang taon na kanyang iniutos na imbestigahan at panagutin ang mga opisyales at travel agencies na nasa likod nito. Teka muna! Alam kaya ni Remulla kung ano…

Read More

GAWANG PINOY IBINASURA SA PUVMP

(BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroon mang nakinabang sa Public Utility Vehicle Modernization Program (MUVMP), ito ay ang mga dayuhang korporasyon na nag-supply ng modernong sasakyan kapalit ng mga traditional na pampasaherong jeep. Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on transportation hinggil sa PUVMP na pinalawig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng tatlong buwan upang magkaroon ng karagdagang panahon ang mga tsuper at operator na mag-consolidate. Ayon kay Kabataan party-list Rep.Raoul Manuel, 93% sa mga biniling modern PUV models ay hindi gawa ng Pilipino kundi inangkat sa iba’t ibang…

Read More

PAMBANSANG PROTESTA KONTRA PEOPLE’S INITIATIVE, IKINASA NG DAVAO

AABOT sa 50,000 katao sa iba’t ibang parte ng bansa ang inaasahang lalahok sa isang multi-sectoral prayer rally sa Linggo para i-protesta ang paggamit ng mga programa at pondo ng gobyerno upang hikayatin ang mga botante na pirmahan ang mga dokumento para sa pagbabago ng Saligang Batas bilang pagpapamalas ng pagsuporta rito. Sa kanyang privilege speech nitong linggo, nanawagan si Davao Third District Councilor Conrado C. Baluran sa buong bansa na sumali sa naturang prayer rally na tinawag na “One Nation, One Opposition” at pangungunahan ng mga pinuno at opisyal…

Read More

RED-TAGGING HINDI BAHAGI NG PATAKARAN NG GOBYERNO – DOJ

NILINAW ng Department of Justice (DoJ) na hindi bahagi ng patakaran ng gobyerno ang red-tagging. Ito ang sinabi ni DoJ Undersecretary Raul Vasquez kasunod ng pangamba tungkol sa red-tagging, media killing at impunity sa ginanap na closed door meeting kasama ang mga opisyal ng ahensya nitong Miyerkoles. Tinugunan ni United Nations Special Rapporteur on Freedom of Expression at Opinion Irene Khan ang mga alalahanin tungkol sa mga nabanggit na isyu. Aniya, mas abot ng Justice department sa civil society organizations pagdating sa paghawak ng mga kaso ng mga biktima ng…

Read More

QUIBOLOY HINAMON LUMANTAD SA SENADO

HINAMON ni Senador Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy na lumantad na lamang sa Senado at harapin ang imbestigasyon sa kanya. Ito ay kasunod ng inilabas na audio recording ni Quiboloy kung saan tinawag nitong bogus ang pagdinig ng Senado sa mga umano’y pang-aabusong ginawa niya sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ. Sinabi ni Hontiveros na pinaghahandaan nila ang susunod nilang pagdinig kaya’t kung handa anya si Quiboloy ay mas maiging magpakita na lamang ito sa Senado. Ipinaalala ng senadora na si Quiboloy ang sentro ng mga paratang…

Read More

SECURITY GUARD PATAY SA DUMP TRUCK

CAVITE – Patay ang isang security guard nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang dump truck habang nagdidiskarga ng buhangin sa Gen. Trias City sa lalawigan, noong Huwebes ng madaling araw. Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si alyas “Joebert”, 37, security guard, ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas. Kinilala naman ang driver ng isang Shaanxi X3000 dump truck na si alyas “Christian”, 28 ng San Ildefonso, Bulacan. Ayon sa ulat, dakong alas-12:12 ng madaling araw, nakatigil ang minamanehong dump truck ng driver na si Christian sa C.M.…

Read More

BEBOT TIMBOG SA P3.5-M SHABU

QUEZON – Himas-rehas ang isang dalaga makaraang madakma ng mga awtoridad sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng P3.5 milyong halaga ng umano’y shabu sa Brgy. Pili, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan nitong Huwebes ng madaling araw. Ayon kay Sariaya Police chief, Police Major Romar Pacis, ang suspek ay kinilalang si alyas “Sharon,” 47-anyos, residente ng Brgy. Isabang Tayabas City, nakatala bilang “newly identified drug personality”. Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling araw nang matiyempuhan ito ng mga awtoridad matapos matiktikan na may dalang malaking bulto ng droga na…

Read More

3 PATAY, 29 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

BATAAN – Patay ang tatlo katao habang 29 ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Olongapo-Gapan Road, sakop ng Brgy. Bangal, sa bayan ng Dinalupihan, sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa report ng Dinalupihan Police, sangkot sa aksidente dakong alas-6:25 ng gabi ang isang pampasaherong bus na umararo sa isang pampasaherong jeep, isang motorsiklo at dalawang tricycle. Ayon sa ulat, tinatahak ng Arayat Express bus na minamaneho ng 54-anyos na si Edwin Sandoval, ang Jose Abad Santos Avenue patungong Olongapo City, nang mawalan ito ng kontrol matapos tangkaing mag-overtake…

Read More