Ekonomiya pasakalye ng target na pulitika LEGAL LUMINARIES AYAW RIN SA CHA-CHA

NAGKAKAISA ang ilang legal luminaries na hindi kailangan ng pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas upang makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa. Sa ikalawang pagdinig ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, nagbabala si Constitutional Commissioner Rene Sarmiento na ang pagbubukas sa pag-amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas ay magiging signal din ng pagbubukas ng iba pang probisyon katulad ng political, judicial at human rights. Sa panig ni Constitutional Commissioner Dr. Bernardo Villegas, hindi pa panahon para amyendahan ang konstitusyon lalo pa’t sa pag-iikot ni Pangulong Ferdinand Marcos…

Read More

FDI BAGSAK KAHIT ‘JETSETTER’ SI MARCOS

IMBES tumaas ang foreign direct investment (FDI) dahil sa kaliwa’t kanang biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa, bumagsak pa ito noong nakaraang taon. Sa press conference ng administration congressmen para idepensa ang economic Charter change (Eco Cha-cha), isinisi ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pagbagsak ng P15.9 percent sa FDI sa unang tatlong bahagi ng 2023 sa mahigpit na probisyon sa Saligang Batas sa pagnenegosyo sa bansa. “The first three quarters of 2023 alone saw a worrisome 15.9% drop in net FDI inflows, as reported…

Read More

Tagtuyot ramdam na ng magsasaka BILYONG PONDO NG NIA NASAAN?

PINALALANTAD ng grupo ng mga magsasaka kung saan at kanino napupunta ang pondo ng National Irrigation Administration (NIA). Kasabay nito, binatikos din nila ang tila kawalan ng pakialam ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa epekto ng El Niño kaya lalong nanganganib ang food security ng bansa. “Amid huge budget alloted to NIA and climate change resiliency, this government failed it’s mandate and remained neglecting poor farmers in the country amid the worsening effect of El Niño,” ani Amihan secretary general Cathy Estavillo. Taon-taon aniya multi-billion ang irrigation…

Read More

‘PERFORMANCE REVIEW’ NG PALASYO KINUWESTYON NG OMBUDSMAN

KINUWESTIYON ng Office of the Ombudsman ang memorandum ng Presidential Management Staff (PMS) na nag-uutos sa lahat ng presidential appointees na magsumite ng iba’t ibang clearance na kailangan para sa performance review. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, ngayon lang siya nakakita ng memorandum ng Palasyo na naka-address sa lahat ng pinuno ng gobyerno pero walang lagda ng Executive Secretary. Dapat aniyang kalihim ng ehekutibo ang pumirma sa memorandum. Nabigo rin aniya ang PMS na malinaw na tukuyin ang mga sakop ng memo at isaalang-alang ang maikling deadline na 30-araw. Magugunitang…

Read More

ALEGASYON NG KAMARA ITINANGGI NI VILLANUEVA

PINABULAANAN ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, sa isang privilege speech, ang mga alegasyon laban sa kanya ng ilang miyembro ng House of Representatives. Sinabi ni Villanueva na ang kaso laban sa kanya na iniharap ni House Committee on Appropriations Chair Rep. Zaldy Co, na tinukoy niya bilang “Dracula Contractor”, ay na-dismiss na. “Meron pong naninira, pilit na binabagsak, iniinsulto at inaalipusta ang mga miyembro ng Senado,” ayon pa sa Majority Leader. Kasabay nito ay nagpakita ng ebidensya si Villanueva sa umano’y mga kontrobersiya na kinasasangkutan naman ng Sunwest Corporation…

Read More

VOTER REGISTRATION PARA SA 2025 ELECTION UMARANGKADA NA

UMARANGKADA na ang pitong buwang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante para sa 2025 pambansa at lokal na halalan. Sa unang araw ng voter registration nitong Pebrero 12, alas-4 pa lamang ng madaling araw ay pumila na ang ilang mga residente sa tanggapan ng Comelec sa Arroceros . Nakatakda ring simulan ang Comelec’s Register Anywhere Program (RAP) sa Lunes, na nagpapahintulot sa karapat-dapat na mga Pilipino na magparehistro para bumoto sa itinalagang sites tulad ng mga mall at paaralan. Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na…

Read More

CIDG AT PHLPOST SANIB PWERSA KONTRA KRIMEN

KINILALA ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa pangunguna ni Postmaster General Luis Carlos ang mga miyembro ng Criminal Inspection and Detection Group (CIDG) Anti-Fraud Unit sa kanilang tulong upang masakote ang mga ilegal na nagbebenta ng “Post Office Boxes” online. Ang nasabing unit ay pinamumunuan ni Police Colonel Bernard L. Lao, kasama sina Police Captain Victoria A. Mendoza, Police Executive Master Sergeant Joseph Arnie Y. Delos Santos, Police Senior Master Sergeant Rommel S. Habig, Police Staff Sergeant Joel T. Diones, Patrolman Debbie Jane G. Carino, Nina L. Mendoza, Ivy Jean…

Read More

TOSS COIN SA MGA TABLA SA ELEKSYON, MAHIHINTO NA

PINAAAMYENDAHAN ng isang mambabatas sa Kamara ang isang batas ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na idaan sa toss coin kung sino ang mauupo sa dalawang kandidato na nakakuha ng parehong bilang ng boto sa eleksyon. Sa House Bill (HB) 9796 na inakda ni Cotabato Rep. Alana Samantha Taliño-Santos, nais nitong maamyendahan ang Batas Pambansa Blg. 881 kung saan pinapayagan na mag-toss coin ang mga kandidato tuwing may tie o tabla sa eleksyon. “It must be reiterated that elections are meant to be a fair and democratic process where the…

Read More

NAE-ENTERTAIN ANG MGA TAO

DPA ni BERNARD TAGUINOD NAE-ENTERTAIN ang mga tao sa bangayan ng mga politiko dahil sa Charter change (Cha-cha) at inaabangan na lang nila kung magkakaroon ng pisikal na komprontasyon kapag na-convene na ang dalawang kapulungan sa Constituent Assembly. Noong 2016, naging worldwide news ang suntukan ng mga mambabatas sa Turkey sa loob ng kanilang session hall dahil sa hindi pagkakasundo ng opposition at administration lawmakers. Noong 2017, halos ‘di rin maawat ang magkatunggaling mga politiko sa parliament ng South Africa, at mas malupit sa Kosovo noong 2015 dahil ang oposisyon…

Read More