VOTER REGISTRATION PARA SA 2025 ELECTION UMARANGKADA NA

UMARANGKADA na ang pitong buwang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante para sa 2025 pambansa at lokal na halalan.

Sa unang araw ng voter registration nitong Pebrero 12, alas-4 pa lamang ng madaling araw ay pumila na ang ilang mga residente sa tanggapan ng Comelec sa Arroceros .

Nakatakda ring simulan ang Comelec’s Register Anywhere Program (RAP) sa Lunes, na nagpapahintulot sa karapat-dapat na mga Pilipino na magparehistro para bumoto sa itinalagang sites tulad ng mga mall at paaralan.

Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na magiging mahigpit ang voter registration sa loob ng malls, kung saan inaasahang matatapos ng bawat registrant ang kanilang aplikasyon sa loob ng humigit-kumulang 10 minuto.

Nasa 170 malls sa buong bansa ang inaasahang lalahok sa RAP.

Sa kanilang pagpaparehistro, ang mga aplikante ay kailangang magpresinta ng government-issued identification cards (ID) na may pirma.

(JOCELYN DOMENDEN)

31

Related posts

Leave a Comment