TAMLAY NG EDSA SINAMANTALA

DPA ni BERNARD TAGUINOD PATULOY na nananamlay ang espiritu ng EDSA People Power revolution na nagpatalsik sa pamilyang Marcos sa Malacañang noong 1986, kung ang pagsama-samang muli ng mga anti-Marcos sa ika-38 anibersaryo ng bloodless revolution noong Linggo, ang pagbabasehan. Kahit ginamit ang usapin sa Charter change (Cha-cha) ay hindi pa rin maganda ang attendance ng mga sumama sa EDSA kahit lumabas sa survey na hindi suportado ng taumbayan ang Cha-cha dahil mas may importanteng mga bagay ang nais nilang unahin ng Kongreso na aksyunan tulad ng pagkontrol sa presyo…

Read More

PANAGUTIN LTO, BOC SA PAGKAKAROON NG PLAKA NG 2 SMUGGLED SPORTS CARS

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI dapat matapos lang ang kaso sa pagkumpiska ng gobyerno sa dalawang smuggled sports cars kundi kailangang may managot sa Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Customs (BOC) sa pagkakarehistro ng mga ito. Na-PUNA natin na nakarehistro na pala ang dalawang mamahaling sasakyan na ito sa LTO. Paano natin nasabi na nakarehistro ito? Ito ay dahil may mga plaka na ang mga ito. Ang Blue Bugatti ay mayroon nang plate no. NIM-5448, samantala ang Blue Bugatti ay mayroon nang plate no. NIM-5450. Ang Blue…

Read More

CHA-CHA PLEBISCITE SA 2025

EDITORIAL GUSTO raw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isabay na ang plebisito sa Charter change sa 2025 midterm elections. Ipinahayag ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Ipinunto niya na kung gaganapin ang plebisito bago ang eleksyon ay gagastos ang gobyerno ng P12 hanggang P14 billion. Sang-ayon naman ang Comelec sa nais mangyari ng Pangulo. Kaya naman daw ng Comelec na isabay ang plebisito sa 2025 elections. Walang dagdag na gastos maliban sa dagdag na allowance ng mga guro. Sinabi ni Zubiri na plano nilang aprubahan ang Resolution of…

Read More

Hamon kay Marcos Jr. ACROSS THE BOARD WAGE HIKE SERTIPIKAHANG URGENT

IGINIIT ng isang mambabatas na bigyan ng dignidad ang mga manggagawa sa buong bansa sa pamamagitan ng nakabubuhay na sahod. Kasabay nito, hinamon ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagsisimula ng pagdinig ng House committee on labor na na sertipikahan bilang urgent bill ang mga panukalang across the board wage increase. “Laging sinasabi na nalulugi umano ang mga kumpanya at magbabawas ng manggagawa kapag itinaas ang sahod kahit di naman totoo. Pag-usapan naman natin kung paano mabubuhay nang may dignidad ang isang manggagawa,”…

Read More

Kapangyarihan lalawak sa Cha-cha PERA BABAHA SA KONGRESO

BABAHA ng pera sa Kongreso kapag nagtagumpay ang mga mambabatas na amyendahan ang 1987 Constitution. Ito ang babala ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares sa ikalawang araw ng pagdinig ng House committee of the whole sa Resolution of Both Houses (RBH) No. 7 o economic Cha-cha. Sa ilalim ng nasabing resolusyon, aamyendahan ang ilang economic provision at dadagdan ng mga katagang “unless otherwise provided by law” na ayon kay Colmenares ay magbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa Kongreso. “Congress will be buffeted by intense lobbying and lobby…

Read More

ABALOS IPOKRITO – NETIZENS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MULING lumutang sa social media ang lumang larawan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr. kung saan makikitang may kayakap siyang babae na mas bata sa kanya. Base sa komento ng netizens, kuha ang larawan noong 2009 at inamin na rin umano ni Abalos na naging karelasyon ang babae noon at alam iyon ng kanyang pamilya. Mistulang tugon ito ng mga netizen sa pagkastigo ni Abalos sa maaanghang na pananalita ni Davao City Mayor Baste Duterte laban sa administrasyong…

Read More

BBM ADMIN NANGANGAMOTE SA PAGTUGON SA HOUSING BACKLOG

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na gawing mas accessible sa mga Pilipino ang kanilang home mortgage financing upang matugunan ang housing backlog sa bansa. Sa Pag-IBIG Fund Chairman’s Report for Year 2023 sa Pasay City, binati ng Pangulo ang Pag-IBIG Fund para sa record-high performance nito noong nakaraang taon. Gayunman, tinuran ng Punong Ehekutibo na malayo pa para makamit ang kanilang target. “We are far from declaring ‘mission accomplished’… we have inherited a huge housing backlog that must be reduced,” aniya.…

Read More

HIGH RANKING NPA LEADER NAPATAY NG MILITAR

NASABAT at napaslang ng mga tauhan ng 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army ang isang high ranking communist New People’s Army leader sa sagupaan sa Zamboanga del Sur. Ayon sa ulat na ipinarating kay Army Commanding General, Lt. General Roy Galido, na-neyutralisa ng kanyang mga tauhan ang mataas na pinuno ng NPA sa Zamboanga del Sur nang matunton ang pinagtataguan nito sa Barangay Malagalad, Sitio Dumingag kahapon. Kinilala ang napatay na terorista na si Aprecia Alvarez Rosette, alyas “Bam-Bam”, secretary ng Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC), Communist Party of…

Read More

Planong terroristic activities napigilan 3 NPA NAPASLANG SA PANAY

INUNAHAN na ng mga tauhan ng 301st Infantry Brigade ng Philippine Army ang inaasahang terroristic activities na ilulunsad ng Communist New People’s Army sa Panay Island, kaya nagsagawa ng focus military operation ang militar sa natunton na kampo ng NPA na ikinamatay ng tatlong communist terrorist. Ayon kay Brigadier General Michael G. Samson, Brigade Commander ng 301st Infantry (Bayanihan) Brigade, hanggang kahapon ay nagpapatuloy ang kanilang pagtugis sa nakatakas na mga NPA matapos ang isinagawang artillery fires at ground assault sa magubat na bahagi ng Barangays Lomboyan at Torocadan, na…

Read More