LUCENA CITY – Timbog ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng kalahating milyong halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa lungsod. Ayon sa Lucena City Police, kinilala ang mga arestado na sina alyas “Jeff”, 41, at “Nelson”, mekaniko, nadakip ng mga tauhan ng Lucena PNP, PDEA-4A Quezon at iba pang drug enforcement unit sa operasyon sa Brgy. Bocohan, Lucena City dakong alas-1:35 ng madaling araw nitong Miyerkoles. Nakumpiska sa mga ito ang 22.5 gramo ng illegal drugs na tinatayang P523,464 ang street value. Nakakulong na…
Read MoreDay: February 28, 2024
8-ANYOS GINAHASA, PINATAY SA SAGINGAN
DAVAO DE ORO – Natagpuang walang buhay ang isang 8-anyos na batang babae na hinihinalang ginahasa bago pinatay sa bayan ng Maragusan sa lalawigan. Nadiskubre ng mga residente at mga pulis ang bangkay ng biktimang si alyas “Chelle” na nakahandusay sa sagingan sa Purok Kape 2, Brgy. Magcong. Ayon sa Maragusan Municipal Police, nakababa ang underwear nito nang makita at nasa tabi nito ang isang malaking bato na hinihinalang siyang ipinukpok ng suspek sa ulo ng biktima na siya nitong ikinamatay. Nadiskubre rin ng mga awtoridad sa crime scene ang…
Read MoreDALAGA NAWALA SA DAGAT NAKITA
CEBU CITY – Natagpuan ang mga awtoridad ang wala nang buhay na 19-anyos na dalaga na unang iniulat na nawawala noong Linggo ng umaga sa lungsod. Ayon sa report ng Cebu City Police, nadiskubre ang katawan ni Niña Fuentes Arpon sa karagatang bahagi ng Mactan Channel, malapit sa Shell Island sa Cebu City noong Martes, Peb. 27, o dalawang araw matapos itong mawala. Ang bangkay ni Arpon ay narekober ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos itong i-report ng mga unang nakakita sa labi na mga kalalakihang naliligo…
Read MoreDIGONG NANAWAGAN NG SUPORTA PARA KAY VP SARA
NANAWAGAN si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng suporta para sa anak na si Vice President Sara Duterte kapag nagdesisyon itong tumakbo sa anomang posisyon sa susunod na nasyonal eleksyon. Sa ginanap na Maisug Prayer Rally sa Cebu City noong nakaraang Linggo, umapela ang dating Chief Executive sa mga Cebuano. “Indeed, Inday is truly our pride. God might not give everything, but if He grants this, we Bisayas should be grateful because there would be two Dutertes,” pahayag ng dating Pangulo. Hindi ito direktang sinabi ng dating Pangulo ngunit nagpahiwatig…
Read MorePAGTATATAG NG BULACAN AIRPORT CITY SPECIAL ECONOMIC ZONE, TATALAKAYIN NA NG SENADO
INILATAG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang pagtatatag ng bulacan airport city special economic zone o ang Senate Bill 2572. Una nang na-veto na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang parehong panukala na ipinasa noong 18th Congress dahil sa conflict sa mandato ng ibang ahensya ng gobyerno at fiscal risks. Binigyang-diin din ng Pangulo sa kanyang veto message ang pagbibigay ng blanket authority sa ecozone sa technical airport operations at ang kawalan ng probisyon para dumaan ito sa commission on audit. Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson…
Read MoreHatol sa mga pulis ‘di sapat HUSTISYA IPINAGKAIT KAY JEMBOY – SOLON
PINAGKAITAN ng hustisya si Jemboy Baltazar at ang kanyang pamilya. Ganito inilarawan ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang sentensya ng korte sa Navotas City sa mga pulis na nasa likod ng pagpatay umano kay Baltazar na napagkamalang kriminal kaya pinagbabaril. “Justice was brutally denied for Jemboy Baltazar. The alarming leniency towards the officers sends a chilling message that law enforcement can act with impunity, perpetuating a culture of fear in our communities,” ani Brosas. Noong Martes, hinatulan ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286, ng apat hanggang…
Read More100 KATAO BIKTIMA NG SCAM SA TAYLOR SWIFT CONCERT
NAGPASAKLOLO sa National Bureau of Investigation- Cybercrime Division ang 100 indibidwal na umano’y nabiktima ng scammer na nagbenta ng ticket para sa Taylor Swift concert. Napag-alaman, halos karamihan sa mga biktima ay dumiskarte lamang sa paghahanap ng pambili ng ticket online ngunit noong Hulyo ng nakaraang taon ay sold-out na ang ticket para sa concert ni Swift. Ayon sa isang biktima, may nakapagsabi umano sa kanya na may kakilala ito sa online na may access sa Eras Tour sa Singapore sa Marso. Sa pamamagitan ng online banking, agad itongg nagbayad…
Read More$1.5-T NAWAWALA SA EKONOMIYA SA KAWALAN NG MARITIME ZONE LAW
UMAABOT sa $1.5 trilyon ang halagang nawawala umano sa ekonomiya ng bansa kada taon dahil sa kawalan ng Philippine maritime zone law. Ito ang nabatid mula kay Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zone chairman, Senator Francis Tolentino sa Kapihan sa Manila Bay forum. Sinabi ni Tolentino, sa pamamagitan ng pag-aruba sa ikatlo at huling pagbasa sa maritime zone law bill ay inaasahang mapalalakas at magpapatatag ang pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo. Sinabi ng senador na bagama’t may international maritime law, ito aniya ay self-executory lang at ipinatutupad sa domestic—…
Read MoreEnchanted Kingdom reopens go-kart race track, launches cadet karts for kids
L-R: EK President and CEO Mario O. Mamon, international race car driver Marlon Stockinger, EK’s Princess Victoria and Eldar the Wizard, and father and son racing champions Carlos Anton and Iñigo Anton during the reopening ceremony of the EK Fun Kart. Feel the rush of adrenaline with the whole gang at the more EKciting Fun Kart! Enchanted Kingdom, the first and only world class theme park in the Philippines, reopened its 800-meter go-kart race track featuring brand new karts for kids and adults alike. The reopening ceremony which happened February…
Read More