SEKTOR NG EDUKASYON, NEGOSYO, MEDIA TARGET DIN NG TSINA – BRAWNER

NAGBABALA si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa pagkakalusot ng Tsina sa iba’t ibang sektor sa Pilipinas kabilang na ang media at lokal na pamahalaan. Sinabi ni Brawner, tina-target ng Tsina ang sektor ng edukasyon, negosyo, media at lokal na pamahalaan sa bansa. Napaulat na ginagawa ito ng Beijing sa pamamagitan ng “United Front Works” strategy. “They are slowly entering our country and trying to influence various sectors in our society, including the education sector, business, even the media, and local government units,” ani…

Read More

KASONG PANDARAMBONG ISINAMPA NI TRILLANES VS EX-PRRD, GO

NAGSAMPA ng kasong Plunder o pandarambong si dating Senator Antonio “Sonny” F. Trillanes IV laban kina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dating Special Assistant to the Pres. Christopher Lawrence Tesoro “Bong” Go sa Department of Justice (DoJ). Nag-ugat ang reklamo sa maanomalya umanong government projects na ibinigay ng nakalipas na administrasyon pabor sa mga kompanyang pagmamay-ari ng ama at kapatid ni Go na nagkakahalaga ng P6.6-bilyon. Kabilang din sa kinasuhan si Deciderio Go, ama ni Bong Go at may-ari ng CLTG Builders na nakakuha ng 125 government contracts na…

Read More

POGO BAN ITINULAK SA BULACAN

LUNGSOD NG MALOLOS – Iminungkahi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng 11th Sangguniang Panlalawigan ang isang ordinansa upang hindi payagan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na tinatawag ngayong Internet Gaming Licensees (IGLs) sa loob ng territorial jurisdiction ng lalawigan sa isinagawang pagdinig ng komite nito sa Senador Benigno Aquino Session Hall noong Miyerkoles. Ang hakbang na ito ay ginawa ng legislative body ng lalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Alexis C. Castro na siya ring sponsor ng ordinansa sa pamamagitan ng executive order ni Gobernador…

Read More

WATAWAT NG PILIPINAS KAAKIBAT NG BATTLE UNIFORM NG AFP

MAGIGING regular na bahagi ng battle uniform ng bawat miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patch ng Watawat ng Pilipinas. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner Jr., hindi lamang ito pagpapakita ng patriotismo o pagiging makabayan; bahagi ito ng pagpapalakas ng pagmamahal sa bayan at pagkakaisa. Layunin ng nasabing hakbang na ipakita ang patriotism at solidarity bilang malinaw na paalala ng pangako ng Sandatahang Lakas na itaguyod ang soberanya at territorial integrity ng Pilipinas. Pahayag pa ni Gen, Brawner, layunin din…

Read More

INTELLIGENCE MONITORING PINAIGTING NG PNP KAUGNAY SA SONA NI PBBM

HINDI nagpapakampante ang pamunuan ng Philippine National Police sa kanilang isinasagawang paghahanda kaugnay sa gaganaping ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa darating na Hulyo 22, 2024 sa kabila ng naka-ambang mga kilos protesta. Ayon sa Pambansang Pulisya, sa kasalukuyan ay wala silang namo-monitor na validated threat o seryosong banta sa nalalapit na SONA ng Pangulong Marcos. Subalit tiniyak ni PNP chief, Police General Rommel Francisco Marbil, sa kabila nito ay hindi pa rin sila magpapakampante kaya inutos niya na paigtingin ang kanilang intelligence…

Read More

P25-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PNP, BOC

UMABOT sa P25,775,440 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Bureau of Customs mula Mayo, 2024 sa Northern Mindanao. Ayon sa inilabas na report ng BOC-Cagayan de Oro, katuwang ang Philippine National Police (PNP), lumagpas na sa P25 million ang halaga ng illegally smuggled cigarettes na nasamsam sa kanilang pinaigting na anti-smuggling operations sa Northern Mindanao at kalapit na mga lalawigan. Inihayag naman ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio, “Addressing and preventing the illegal tobacco trade practices requires a team effort. ”…

Read More

MURDER SUSPECT PATAY SA ARMED CONFRONTATION

CAVITE – Patay ang isang lalaki na sangkot sa mahigit apat na kaso ng pagpatay, nang barilin ng nagrespondeng mga pulis nang manlaban umano sa mga awtoridad sa Bacoor City noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang napatay na si alyas “Jhunel” ng Brgy. Molino 6, Bacoor City, Cavite. Una rito, nakatangggap ng reklamo ang Bacoor Component City Police hinggil sa panunutok ng baril ng suspek sa isang alyas “Jovy” sa Soldiers Hill, Brgy. Molino 6, Bacoor City, Cavite bandang alas-9:40 ng gabi. Agad nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng…

Read More

CHINESE TIKLO SA KIDNAPPING, ILLEGAL DETENTION

NABINGWIT ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang Chinese national matapos umanong dukutin at sapilitang ikulong ang kanyang kababayan dahil sa pagkakautang sa casino, sa panulukan ng Adriatico at General Malvar Streets, Ermita, Manila. Sa isinagawang press conference nitong Biyernes, kinilala ni MPD- Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay ang biktimang si Luo Jing alyas “Jun Cheng”, 31, computer technician, residente ng Tower 2 ,Unit 7011, Coast Residence, Pasay City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Rommel Anicete, hepe ng Criminal Investigation Section, na pinangasiwaan ni…

Read More

P1-M SHABU NASABAT SA HVI SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Jaylord” ng Brgy. Alapan 2B, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-9:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Police Office (PPO), at Imus Component City Police, sa Brgy. Alapan 2B, Imus City,…

Read More