P1-M SHABU NASABAT SA HVI SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak at nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jaylord” ng Brgy. Alapan 2B, Imus City, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:40 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Police Office (PPO), at Imus Component City Police, sa Brgy. Alapan 2B, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P1,020,000. (SIGFRED ADSUARA)

 

38

Related posts

Leave a Comment